19

7.8K 162 9
                                        


"Avina! Avina!"

Nagising ako sa irit ni ate martina, bumangon ako at nagtatalon sya sa harapan ko,



"Bakit po? May nangyari po ba?" Tanong ko at nakita ko ang ngiti nya na tila kinikilig,





"Pinag aawayan ka ng apat!"kinikilig nyang sambit, agad akong tumayo at tumakbo pababa, nakita ko nga ang apat na parang nag aaway, si ezekielle naman ay may ka-call sa phone nya kaya hindi sya kasali sa away,






"Why did you kiss her?!"singhal ni jordan,





"Bakit? Sayo na ba sya para pigilan mo ako sa gusto kong gawin?"tanong ni dylan,




"Dylan, tingin mo ba comfortable iyon si avina sayo pagtapos ng ginawa mo sa kanya?"singit ni khyle,





"I don't know kuya, nabigla lang ako---


"Pero hindi iyon dahilan para biglaan mo syang halikan, tumigil na kayo huh dahil ang immature nyo"sabi ni khyle,


"Stop that fight, guys"pag saway sa kanila ni ezekielle at natawa si skyler,


"Porket ikaw ang gusto ni avina, ayan ang sinasabi mo"sambit nito at lumabas ng mansion,



"Hindi ko naman kasalanan na mas pogi ako keysa sa inyo"sabi ni ezekielle.

Natulala ako at dahan dahang tumingin kay ate martina na ngayo'y nakangiti,


"Ang haba ng buhok mo"pag bulong nya at nagkibit balikat ako.



Tuloy pa din sa pag babangayan ang tatlo, agad akong pumagitna sa kanila at pinigilan ang kamao nilang dadampi na sa mukha ng isa't isa,



"Tumigil nga kayo ng pag aaway, magkapatid kayo tapos nag aaway lang kayo?"tanong ko at binitawan ko na ang kamay nila, "ang magkakapatid ay hindi nag aaway, para kayong mga batang nag aagawan sa laruan para ganyan magbangayan"





"Papayag ka ba na halikan ka lang nya?" Tanong ni jordan at tinaasan ko sya ng kilay,



"Tapos na iyon, anong gusto mong gawin sa kapatid mo? Patayin mo? Magpatayan kayo dahil lang sa hinalikan nya ako?"tanong ko, "ayoko man na hinalikan nya ako nang basta basta lang pero wala na tayong magagawa dahil tapos na"





"Ang magkakapatid hindi nag aaway, kung ano man yung nagawang mali ng isa, matuto tayong magpatawad dahil pare-pareho kayo ng dugo na dumadaloy sa katawan ninyo" sabi ko at natigilan sila, "ang swerte swerte nyo nga dahil may kapatid kayo, ako matagal na akong humihiling na sana may kapatid ako kase masaya magkaroon ng kapatid, tapos kayo itong lima kayo tapos nag aaway away kayo dahil sa walang kwentang bagay?"





"Sorry, avina---


"Hindi ka dapat sa akin mag sorry jordan kundi sa kapatid mo, hindi ka sa akin gumawa ng kasalanan kundi sa kanya"sabi ko at bumuntong hininga syang tumingin kay dylan at agad nya itong niyakap.





"Ikaw lang pala magpapatigil sa dalawa"sambit ni khyle, nandito kami ngayon sa may golf field, nagpasama sya sa akin dahil nabo- bored at stress daw sya,






Nakasuot sya ng cream polo shirt at white trouser, naka shades at naka balenciaga shoes pa samantalang ang sinuot ko lang ay pantalon at off shoulder na kulay pink,



"Hindi ko na kaya minsan kayanin mga kapatid mo, napaka pasaway"pag tawa ko,




"Sabi naman kase namin sayo noon, sumuko ka na kase kawawa ka"sabi nya at bumuntong hininga ako,



Tame The Five WildflowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon