"Huy Avi, ang ganda mo na naman kahit nakatulala ka"
Nabalik ako sa katinuan nang marinig na naman ang nonsense na sinabi ni Mackey kaya nagmake face ako,
"Huwag mo na naman akong tinatarantado Mackey, papalunok ko 'tong rosas sayo pag hindi ka tumigil" sabi ko at natawa syang tumabi sa akin, nakaupo kase ako sa may bench sa katabi ng flower shop namin.
"May problema ka ba at tulala ka?" tanong nya, "hindi ako sanay na tulala ka kase ang lagi kong nadadatnan na Avi ay laging energetic, may family problem ba o financial problem?"
"Wala naman, nakapag padala lang talaga sa akin ng trauma yung limang anak ng presidente"sabi ko at nagsalubong ang kilay nya,
"Huh? Paano?"tanong nya,
"Hindi mo naman maiintindihan kung ike-kwento ko sayo kaya huwag na lang"sabi ko sabay tayo na at alis na para asikasuhin ang costumer na dumating.
Habang nag aasikaso dito ay nagulat ako sa nagsisigawan at tilian kaya lumabas si Perry at si aling Rona,
"O My God! Bumalik na naman sila!" Tili ni Perry sabay tingin sa akin, "pag may tili?"tanong nya pero hindi ko na sinundan pa ang sinabi nya bagkus nagpatuloy ako sa pagta-trabaho.
"Uy, anong nangyayari sayo anteh, ba't wala ka sa mood ngayon. Nandyan si Skyler oh"sabi ni Perry at bumuntong hininga ako,
"Ayoko, na-turn off na ako sa kanila" sabi ko, maya maya pa paglingon ko ay nakita ko ang presidente at nasa gilid nya ang lima nyang anak.
"O My God! Yung presidente!"tili ng mga tao at nambilog ang mata ko dahil sa hindi ko maipaliwanag na saya dahil nakita ko ang presidente sa harapan ko pa mismo at sa akin pa ito naka-tingin.
"Uh Mr President, ano po ang maitutuĺong po namin sayo?"tanong ni aling Rona at tumingin sa akin ang presidente dahilan para manigas ako.
What if sinumbong ako ng lima na tarantadong ito sa tatay nila? Nako baka ipapatay ako nito.
"Hi miss, ikaw ba ang may ari ng flower shop na 'to?"tanong ng president at umiling ako nang dahan dahan, nako naman talaga sana hindi ko na 'to katapusan kase what if ipapatay ako nito.
"H-hindi po, bakit po?"tanong ko at lumingon ang president sa mga anak nya na nakasimangot,
"Ikaw ba ang dinukot ng mga 'to?" Tanong ng presidente at tumingin ako sa lima na ngayo'y nakatingin nang masama sa akin, dahan dahan akong tumango at napalingon ulit sya sa lima.
"Apologize to her"sabi nya sa lima nyang anak at tinaasan sya ng kilay ni sir Jordan,
"What would i?"tanong nito,
"Apologize"sabi ulit ng pangulo at natawa si sir Dylan,
"Kaya lang naman namin yan dinukot para bigyan ng leksyon kase binara ba naman kami dad, kinaya kaya lang kami"reklamo ni sir Ezekielle at tumingin sa akin ang presidente,
"Ginawa mo yun?"tanong nya sa akin at napabuntong hininga akong yumuko,
"Opo, sorry po. Hindi ko po kase napigilan ang sarili ko po na hindi po sila sagutin dahil hindi na po kase tama yung pag disrespect nila sa shop po namin"sabi kong nakayuko,

BINABASA MO ANG
Tame The Five Wildflowers
RomanceMonte Casa Series #1 Avina Maven Mariano is a simple young woman who sells flowers to help provide for her parents' needs. Little did she expect that while selling flowers, she would cross paths with the five arrogant billionaire brothers who are th...