26

6.3K 137 9
                                        

Pagdating namin dito sa may bahay ay pinagbuksan nya ako ng kotse, inalok nya ang kamay nya para maalalayan ako papasok sa bahay ko,



"Look at your feet, kawawa ka naman at namumula"sabi nya sabay tingin sa akin, "sabihin ko muna kay khyle na huwag ka na munang papasukin tomorrow dahil paga ang paa mo"




"Ayos lang ako, dylan. May ilang oras pa naman ako para makapag pahinga kaya gagaling 'to agad"sabi kong nakangiti habang naglalakad kami papasok,




"No, hindi pwedeng ganyan yung paa mo tapos papasok ka, ayokong pumasok ka ng may masakit sa katawan mo"sabi nya at napairap ako,




"Desisyon ka din 'no? Papasok ako kase kaya ko naman, mas malala pa nga yung pandedemonyo nyo sa akin keysa dito pero pumasok pa din ako"sabi ko at lumabas sina mama at papa,




"Oh, good afternoon po tita at tito"sabi ni Dylan, binitawan nya ako at tumakbo kina mama at papa, nagmano sya sa dalawa at bumuntong hiningang tumingin sa akin,



"Huwag nyo na po muna papasukin ang anak nyo po sa trabaho dahil po masakit po paa nya, baka kung ano po ang mangyari"sabi ni dylan at tinaasan ko sya ng kilay,




"Sino ka ba para utusan ang mga magulang ko na huwag akong papasukin?"taas kilay kong sambit at natawa sya,



"Kapatid ng boss mo, pag nagpumilit kang pumasok ipapasuspend ko yung pasok sa company nya"sabi nya, "huwag ka ng makulit dahil mapapasama ang sakit ng paa mo kung pipilitin mong pumasok"




"Wala kang pake"pag irap ko at pumasok na sa loob ng bahay papasok sa kwarto ko para hindi ko na makita si dylan.

Kinabukasan, ito na yung first day of pasok ko sa company ni khyle, kinakabahan pa ako at tinitingnan nang paulit ulit ang sarili sa salamin, nakasuot ako ng skirt na itim at polo na kulay white para mukha akong matino at normal kahit man lang sa suot.

Agad akong lumabas at nag abang ng tricycle papunta sa sakayan ng jeep, mabuti naman at nakapunta ako dito sa trabaho ko nang hindi madumi ang damit, inayos ko pa ulit ang itsura ko at nagretouch ulit para hindi naman nakakahiya sa mga staff ni khyle na hindi madumi ang secretary nya.

Pagkaapak ko sa harap ng company ni khyle ay nakita kong sarado ito, nakita ko pang may nakapaskil dito,

Suspended ang pasok dahil masakit ang paa ng secretary ko:)


Napaawang ang labi ko at napalingon sa gilid gilid at nakita si jordan sa may gilid ko na papunta dito, tawa nang tawa. Nakasuot sya ng hoodie at short lang, may suot pa sya na sumbrero.

"Hala, pumasok kaso sinuspend, wawa" pang aasar nito sa akin,

"Tandaan mo naka-heels ako, kaya ko 'tong ibato sayo at magdudugo iyang mukha mo"pagbabanta ko, itinuon nya ang kamay nya sa glass door ng company at binigyan nya ako ng ngisi,




"Nako, kawawa ka naman, ganda ganda mo tapos sinuspend lang yung pasok?"pag tawa nya at tinaasan ko sya ng kilay,

"Jordan, alam mo naman ata kung ano yung kaya kong gawin kaya huwag mo na akong bwisitin dahil naiinis ako" sabi ko at nagmocking face pa sya,


"Tara, almusal tayo together, madam?" Sabi nya at napairap ako,



"Hindi na, kakausapin ko si khyle, pupunta ako ng mansion nyo"sabi ko, maglalakad na ako nang biglang umulan, agad akong naghanap ng masisilungan pero wala, walang area dito na may silungan.



Nakita ko si jordan na may payong,


"Jordan! Pasilong!"sabi ko,



"Hindi na, kakausapin ko si khyle, pupunta ako sa mansion namin" pang gagaya nya sa sinabi ko, bumuntong hininga ako at napadabog,





"Pasilong, please?"pakikiusap ko, pilit akong nasilong sa payong nya pero nalayo sya at naglakad na palayo,





"Edi huwag"tampo kong sambit at naglakad na papunta sa ibang direksyon habang nababasa sa patuloy na pagtulo ng ulan, ayoko mang magpakabasa dahil pagnagkasakit ako ay baka hindi na ako makapasok pero no choice ako, dinedemonyo ako ni jordan, sinuspend pa ni khyle ang pasok kaya pagod na akong makisama sa kanila.




"Uy! Avina! Joke lang"paghabol ni jordan at pilit nyang binibigay ang payong pero lumalayo ako,



Naluluha na dahil pagod na pagod na ako sa panti-trip nila,


"Avina, joke lang, it's a prank!"sabi ni jordan, humarap ako sa kanya at bumuntong hininga,





"Pagod na akong makisama sa inyong magkakapatid, gusto kong magtrabaho tapos sinuspend ni khyle yung pasok dahil sa masakit lang ang paa ko? Tapos ikaw? Nakikiusap ako sayo, dadaanin mo ako sa joke?"tanong ko at natigilan sya, nawala ang ngiti nya at tila nakonsensya,



"Sorry jordan kung hindi na ako makasabay sa biro nyo at sa kalokohan nyo, marami akong pinoproblema, iyong binigay na pera ng daddy nyo, naubos agad dahil sa utang at sa kuryente, lalo na sa gamot ng magulang ko kaya kailangan kong kumayod, kailangan na kailangan tapos ayan yung pinag gagawa nyo?!" Singhal ko,



"Tangina, may oras ng biro, hindi ako natutuwa sa biro nyo ngayon kase nakakadisgrasya na kayo ng tao, porket mayaman kayo, wala kayong pinoproblema ganyan na kayo!"sabi ko at napayuko sya,



"Mahirap lang ako jordan, hindi naman ako kasing yaman nyo para makisakay sa ganitong kalokohan nyo" sabi ko, "minsan pwede akong makisakay pero hindi araw araw kase minsan problemado din ako"




"Sorry---


"Layuan nyo na lang muna ako, ayos na ako doon at pasabi kay khyle, mag resign na ako sa kanya, gagawa ako ng resignation letter"sabi kong may pekeng ngiti at naglakad sa ulanan.




Umuwi ako ng basa ang katawan, sinalubong ako nila mama at papa,


"Anak? Bakit ka basang basa?"pag aalala ni mama, tumakbo agad sya sa loob ng bahay at kinuha ang tuwalya,



"Anong nangyari at nagpaulan ka? Kamusta ang trabaho mo at ang aga mo atang umuwi ngayon?"tanong ni papa at bumuntong hininga ako,




"Magreresign na po ako sa company ni khyle, sinabi ko na din po kay jordan na hindi na po ako natutuwa sa mga kalokohan nila, naapektuhan na po kase nila tayo kaya gusto ko po munang malayo sa mga monte casa"sabi ko, agad si mama  na lumapit at ibinigay ang tuwalya,






"Anak, baka naman ika'y magkasakit---




"Wala po akong magawa kundi magpaulan dahil dinemonyo po ako ni jordan, nag please po ako sa kanya na pahiram ng payong pero dinadaan nya po sa biro"sabi ko habang nagpupunas ng katawan, "pero ayos na po iyon atleast in that way, malayuan na po nila ako at malaman nilang hindi na po ako natutuwa sa kanila"




Agad ko silang nilampasan para magbanlaw sa banyo, binura ko muna ang make up ko at naligo na.




Ayoko man gawin na layuan sila o palayuin sila sa akin pero kase kung patuloy silang nakapaligid sa akin ay baka lagi lang akong madi-disgrasya lalo na at ang mga monte casa ay puno ng kalokohan.



Tama nga sila, once na makilala mo ang mga monte casa, mapapasuko ka talaga at mapapasabi ka na sana hindi mo na lang sila nakilala dahil gugulo ang mundo mong nanahimik.







_______________________
___________________
:)

Tame The Five WildflowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon