"You like me?"
"Uh...
"Joke lang, gawa gawa ko lang iyon" singit ni jordan at kinaltukan ko ulit sya,
"Panay ka talaga kalokohan, nako itong kapatid mo? Unti na lang itutulak ko na ito sa pool ninyo at lulunudin ko hanggang sa mawalan ng hininga" sabi ko at natawa sya,
"Naniwala ka naman na gusto ka nito? Ako gusto nito e"sabi ni jordan sabay tawa,
"Sorry, hindi ako napatol sa may saltik ang utak"pag irap ko at natawa sya.
Tumigil kami sa flower shop kung saan dati akong nagta-trabaho, namilog ang mata ko at bumaba na si ezekielle, sumunod kami ni Jordan at nakita ko doon si perry, napatingin sya sa gawi ko at tuwa tuwa syang lumapit sa akin para yakapin ako,
"OMG! Bakla!"pag tili nya at tuwang tuwa din ako dahil nakita ko ulit sya, "anong ginagawa nyo dito?"
"Uh ewan ko kay ezekielle e, nagpasama sya sa akin"sabi ko sabay tingin kay ezekielle na natingin ngayon sa mga bulaklak,
"Avina, come here"pag tawag nya sa akin, tumabi ako sa kanya at bumuntong hininga sya,
"Ano kaya pwede ko i-buy na flowers for my girlfriend?"tanong nya at narinig ko ang tawa ni perry,
"Taray conyo si kuya mo ezekielle" pag tawa ni perry,
"Roses po"sabi ko at napanguso sya, natigilan pa ako kase ang gwapo gwapo nya talaga kahit anong anggulo,
"Roses is sobra namang common, baka isipin ng girlfriend ko na hindi ako nag effort to buy her a flower for our monthsary"sabi nito,
Awts! Monthsary.
"I turn my cheer music up and I'm puffing my chest I'm getting red in the face You can call me obsessed
It's not your fault that they hover I mean no disrespect It's my right to be hellish I still get jealous"singit na pagkanta ni jordan, tinaasan ko sya ng kilay at natawa sya,"Anong meron at may saltik ka na naman sa utak? Sabog ka lagi e"gigil kong sambit at natawa sya,
"Wala lang, may naamoy lang ako na jealously"pag tawa nya at binantaan ko sya ng suntok,
"Tigilan mo ako huh, papatayin kita" sabi ko.
"So crush mo si ezekielle?" Gulat na tanong ni perry at nandito kaming dalawa sa shop habang ang dalawa ay nandoon sa labas, naghahanap ng bulaklak para sa girlfriend ni ezekielle,
"Oo"malamig kong sagot at tumili sya,
"Grabe ka ate, noon si skyler ang crush mo tapos ngayon si ezekielle na?" tanong nya at bumuntong hininga ako,
"Na-turn off kase ako kay skyler"sagot ko, "si dylan naman, ninakaw ang first kiss ko"
Namilog ang mata nya at dahil sa sobrang kilig ay inalog alog nya ako at nagtatalon sa sobrang tuwa,
"Tangina! Teh! Dapat nilaplap mo na iyon nang walang tigil!"pag tili nya at ako naman ay nagmake face, "nako kung ako yung nasa pwesto mo at hinalikan ako ng isang dylan grayson monte casa? Baka hindi ko iyon tigilan nang halik---
"Hinalikan ka ni dylan?"
Napatingin kami sa entrance ng flower shop at nakita namin si jordan iyon, nagtinginan kaming dalawa ni perry at napalunok pa sya,
"Nako nang aasar na nagseselos si avina tapos sya itong nagseselos ngayon"pagtawa ni perry, bumuntong hininga si jordan at nakita ko ang paglunok nya,
"B-bakit ka naman hinalikan ni dylan?" Tanong nito, "kayo na ba?"
"Uh hindi, ininterrupt nya lang ako sa pagsasalita kaya nya ginawa iyon, masyado kaseng matabil ang dila ko nung araw na iyon kaya ayun ginawa nya para tumigil ako"sabi ko at bumuntong hininga sya,
"Pag halik na pala ngayon ang way para mapatigil ang isang tao sa pagsasalita"sabi nya na patango tango, "sige, alis na muna ako, may pupuntahan pa pala ako"
Umalis sya bigla, tatakbo ako para sundan sya pero ang bilis ng takbo nya kaya nakalayo na agad sya, napatingin ako sa gilid at nakita ko si ezekielle doon na may hawak na bulaklak at nakakunot ang noo,
"Anong nangyari doon?"tanong nya at nagkibit balikat ako.
Pag uwi namin ng mansion ay hinanap ko kaagad si jordan, nakasalubong ko si skyler at nakita kong may hawak sya na billiard stick,
"Oh? Bakit parang may hinahanap ka? Okay ka lang ba?"tanong nya at tumango ako,
"Wala akong hinahanap, may tinitingnan lang ganoon"pagpapalusot ko,
"Nako, mukhang bored ka kaya tara, billiard tayo"aya nya sa akin, hinawakan nya ang kamay ko at hinigit ako papunta sa billiard nilang magkakapatid.
"Hindi naman ako marunong nito, bakit mo ba ako isasali sa laro mo?" Tanong ko,
"Tuturuan naman kita e"sabi nya sabay higit sa akin, inalalayan nya ako sa paghawak ng billiard stick, pumunta sya sa likod ko at inanggulo ang kamay ko,
"Ang sarap pala pag may tinuturuan ka mag billiard, feeling ko may jowa na ako"sabi nya, tumingin ako sa kanya at nakita ko ang ngisi nya,
Ang ganda ng side profile nya, napaka gwapo, yung hitsura nya ay parang yung mga nasa prince na nasa television.
Itinama na nya ang billiard at hindi ko namalayang na-shoot na nya pala lahat ng billiard ball gamit ang kamay ko, bumitaw na sya at ngumiting bumuntong hininga,
"Ganyan lang mag billiard"sabi nya,
"Magaling ka pala mag billiard, dapat mag billiard ka na lang habang buhay para hindi mo na ako istorbohin" pag irap ko, nilampasan ko na sya at pumunta ako sa may pool area para i- check kung sakaling nandoon si jordan.
"Help!"
Namilog ang mata ko nang makita si khyle na nalulunod, agad akong tumakbo at tumalon ng pool para tulungan sya pero nang makatalon na ako sa pool ay narinig ko na ang tawa nya,
"Hoy! Nanti-trip ka ba?!"singhal ko, umahon sya at bumuntong hininga,
"Aahon na pala ako, sige ikaw na bahala dyan"pag tawa nya,
"Tarantado ka talaga! Ang lamig lamig pinatalon mo ako sa pool!"
"Swim well, avina"pang aasar pa nya habang naglalakad na palayo,
"Hoy! Tangina ka! Bumalik ka dito!"
Ang sakit sakit talaga sa ulo ng magkakapatid na ito, akala mo nagbabantay ako ng limang kinder garten para ma-stress ng ganito.
_______________
___________________
:)

BINABASA MO ANG
Tame The Five Wildflowers
RomanceMonte Casa Series #1 Avina Maven Mariano is a simple young woman who sells flowers to help provide for her parents' needs. Little did she expect that while selling flowers, she would cross paths with the five arrogant billionaire brothers who are th...