02

15K 299 6
                                    

"Uh anyways, ano po bang klase ng bulaklak ang kailangan nyo po mga sir?"pagitna ni Aling Rona dahil nakita na nya kami ni Perry na na-turn off sa lima.



"We need five bouqet of different colors of roses"sagot ni sir Jordan,




"Kailangan yung mabango huh, hindi kami magbabayad sa amoy kulob na bulaklak"sabing nakangisi ni sir Khyle kaya tinitigan ko sya ng masama,




"Ay don't worry mga sir, hindi po kasing baho ng bulaklak namin ang mga bulok na ugali na mayroon kayo"sabi kong may pekeng ngiti at nagsalubong ang kilay ng lima,




"What?!"galit na tanong ni sir Dylan, "ulitin mo nga sinabi mo"




"Huy! Ano ba avi"saway sa akin ng boss ko pero hindi ako nagpaawat,




"Hindi naman po siguro kayo bingi 'no para ipaulit nyo pa po sa akin ang sinabi ko"sabi kong may pekeng ngiti kaya nagtinginan ang lima,



"Kilala mo naman siguro kami diba na anak kami ng presidente kaya bakit napaka dali para sayo na bitawan ang mga ganyang salita? Salitang squatter? Sabagay, squatter ka"tanong ni sir Skyler at bumuntong hininga ako,

"Kahit na anak man kayo ng presidente kung bulok rin naman ang mga ugali nyo po, hindi po namin gagalangin ang tulad nyo"pag taas ko ng kilay samantalang si Perry at Aling Rona ay kinukurot na ako para tumigil na, "oo sa squatter po ako nakatira, kayo nga sa exclusive Subdivision nakatira pero parang ugaling squatter para i-down nyo ang tulad naming nagta- trabaho ng marangal"


"Ganito ba ang trabahador sa store na 'to? Walang galang?!"singhal ni sir Ezekielle.

"Ganyan rin po ba ugali ng Monte Casa Brothers?"taas kilay kong sagot at inaya na ako ni Perry papasok ng shop.

"Huy mawawalan tayo ng costumer sa ginagawa mo!"saway sa akin ni Perry at bumuntong hininga ako,

"Ano papayag na lang kayo na idisrespect tayo ng limang iyon?" tanong ko at napamewang pa,

"Hindi pero kase anak iyon ng presidente, baka ipaligpit ka ng mga iyon"sabi ni Perry at bumuntong hininga ako,"alam mo naman na isang tawag lang nila sa mga mamatay tao ay susundin na nila iyon agad kase anak sila ng presidente"

"Edi ipagligpit nila, kunsintidor rin siguro ang presidente kaya ganon mga anak nya, mga bulok ang ugali"pag irap ko at lumabas na ulit para harapin ang lima at nakita ko silang nakangiting nakatingin sa akin,



"What's your name again palaban na babae?"tanong bigla ni sir Skyler,


"Ayoko pong sabihin dahil alam ko pong ipapaligpit nyo po ako"sabi ko at nagtinginan ang lima sabay tawa,

"Ganyan ba ang tingin mo sa amin? Wala naman kaming mapapala sayo kaya bakit ka namin ipapaligpit"pag tawa ni sir Dylan kaya tinaasan ko sila ng kilay,

"Kaya nga e, kayo kaya pag pinaligpit ko kayo, ano kaya pakinabang nyo?" Tanong ko at natigilan ang lima.


Ang ending ay nag bigay lang ng pera ang limang magkakapatid bago umalis dahil siguro napikon na sa akin, ang ending ay napagalitan ako ng boss ko sa asal ko kanina sa lima.


"Paniguradong hindi na babalik ang mga iyon, napaka-igsi ng pasensya mo masyado Avina! Paano pag binalita at inissue ng mga iyon na bulok ang ugali ng mga trabahador dito sa shop na 'to?" Singhal ni Aling Rona,

"Hindi po kase ako makakapayag na i- disrespect nila ang shop natin, marangal po kaming nagta-trabaho sa shop na 'to tapos babastusin lang po nila tayo"sabi ko at bumuntong hininga si Aling Rona,

"Alam mo naman siguro ang kayang gawin ng limang iyon dahil anak sila ng presidente, hindi ka ba nanganganib na kung ano ang pwedeng gawin ng mga iyon sayo?"tanong ni Aling Rona at napahilot ako sa sintido ko,

"Edi pag pinatay po nila ako, edi ibig sabihin lang no'n ay totoo yung sinasabi kong bulok ang ugali nila" pag buntong hininga ko sabay tingin sa kawalan, kinakabahan rin kase what if ipaligpit nga nila ako.



Monte Casa Place:

"Ano pangalan ng babaeng binara bara tayo kanina? Do you all know her?" Tanong ni Ezekielle habang pinapaikot ang ballpen sa daliri nya,

"Isumbong kaya natin kay dad para ipa- trace nya"suhestyon ni Skyler,



"Bakit nyo naman ipapa-trace? Masyado kayong interisado sa babaeng iyon, wala naman tayong mapapala doon"sabi ni Dylan habang busy sa ginagawa nya sa loptop,

"Aba, papayag ka lang ba no'n na bara- barahin lang tayo ng babaeng iyon? Napahiya tayo kanina sa maraming tao because of her"sabi ni Jordan habang nagpupunas ng pawis nya, pawis dahil kagagaling lang nya sa gym namin.

"Ofcourse not 'no, alam nyo naman si dad diba, papagalitan lang tayo no'n imbes na ipagtanggol dahil ang lagi nyang iniisip na lagi tayong demonyo at laging mali"sabi ni Dylan,




"By the way? Nasaan si Khyle? Diba kanina nandito lang sya?"tanong ni Skyler,




"Sabi nya sa akin may aabangan daw sya"sabi ni Kiel na parang wala lang,

"Fuck! Baka abangan nya yung babae na nambara sa atin!"sabi ni Jordan at sabay sabay tumayo para sundan ang kapatid nilang si Khyle.


Avina POV

"Hindi ka ba talaga sasabay sa pag uwi ko Perry?"tanong ko habang nag aayos kami ng mga bulaklak at magsasarado na rin kami,

"Hindi na muna 'teh at kikitain ko ang boyfriend ko dyan sa may kwek kwekan"sabi ni Perry at bumuntong hininga ako,

"Sige, pero bukas huh sabay ka sa akin sa pag uwi, natatakot ako baka mamaya kung anong mangyari sa akin, alam mo naman yung daanan ko madilim"sabi ko at natawa si Perry kaya nagsalubong ang kilay ko,


"Ayan 'teh, bwisit ka kase, binabara mo yung lima tapos ngayon matatakot ka" sabi ni Perry at bumuntong hininga ako,

"Hindi ko kase mapigilan ang pagkainis ko sa kanila, grabe ang po-pogi pero ang titigas ng mukha, sarap ilampaso, sarap sampalin at ang sarap suntukin!" Pag imagine ko na sasampalin isa isa ang mukha ng lima,


"Alam naman natin iyon na matitigas ang mukha ng lima pero anak sila ng presidente, sabi nga ni Aling Rona, alam mo naman siguro ang kayang gawin ng limang iyon sayo kung sakaling mapikon sila"sabi ni Perry at napanguso ako,

"Samahan mo na kaya ako sa pag uwi, kinakabahan ako kase feeling ko may mag aabang sa akin e"sabi ko at natawa si Perry sabay tapik sa balikat ko,

"Teh kaya mo na iyan at may date pa ako, baka magalit ang boyfriend ko sa akin pag nalaman nyang matatagalan ako"sabi ni Perry sabay labas na namin ng sabay sa shop para i-lock na nya iyon.

"Oh sige na, alis na ako, una na ako huh"sabi nya,

"Hoy Perry, samahan mo ko please"sabi ko pero umalis na sya kaya napanguso ako at bumuntong hiningang pumikit at nagdasal pa nga dahil feeling ko talaga mapapahamak ako ngayong gabi.



Ang bahay pa naman namin bago ka makarating doon ay mabukid, madilim, wala man ilaw ang mga poste na nakatayo kaya kinakabahan ako.


Habang naglalakad pauwi sa may bahay namin ay may tumigil na pick up sa harapan ko kaya kinabahan na ako, lumampas ako sa pick up na nasa harapan ko nang biglang may humigit sa palapulsuhan ko kaya ako napasigaw nang takpan nito ang bibig ko.






____________________
________________________
:)

Tame The Five WildflowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon