"Uy teh! Diba naghahanap ka ng trabaho?"
Napalingon ako at nakita ko syang nasa gate namin habang ako ay nagwawalis sa terrece namin, binitawan ko ang ginawa ko at ngumiti,
"Oo, bakit? Meron ka ng nahanap?" Tanong ko,
"Oo, gusto mo ba mag trabaho sa bar?" Tanong nya at namilog ang mata ko,
"Anong sa bar? Ayoko maging prostitutes, hanapan mo ako ng matino-----
"Gaga, hindi naman prostitute trabaho mo doon, magiging waitress ka lang, ayaw mo?"tanong nya, humarap ako sa kanya nang nakangiti,
"Aba'y oo naman, hindi na ako makakatanggi dyan"sabi ko. "Sige magpe-prepare na ako!"
"Hoy ate! Mag heels ka para mukhang presentable!"sigaw nya mula sa labas,
"Oo na!"
Nagsuot ako ng trouser na puti, kulay black na polo shirt, nag ponytail na lang ako para mukhang presentable at nag heels ako na kulay itim.
Kinuha ko lahat ng requirements na kailangan sa paga-apply saka ako lumabas ng bahay,
"Ma, alis na po ako huh, apply lang po ako ng trabaho"pagpapaalam ko bago lumabas ng gate,
Bumuntong hininga ako at napangiti, naamoy ko na ang bagong simula ng buhay ko sa bagong trabaho na papasukin ko.
Sinamahan ako ni perry sa paga- applayan ko, mukha pang masungit yung manager dito sa may bar kaya kinakabahan na ako na baka hindi ako tanggapin,
"Mukha ka namang presentable pero mukha kang mahina, laging may gulo dito sa may bar kaya kakayanin mo kaya?"tanong nito,
"Binabatukan nga lang kami nyan e tapos tingin mo mahina sya?"
Napalingon ako at nakita si ezekielle na nakangising inilapag ang susi ng sports car nya sa counter,
"Palagay sa office ko"utos nya sa manager at humarap sya sa aking nakangisi,
"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko,
"Welcome sa bar ko, EMC Bar"sabi nya at nawala ang ngiti ko, "boss mo ulit ako"
"Sayo 'to?!"tanong kong gulat,
"Yes, kung gusto mo gawin na agad kitang manager kahit bago ka pa lang dito mamasukan"sabi nya,
"Uh, huwag na ezekielle. Hindi naman na ako matatanggap dito kaya maghahanap na lang ako ng ibang trabaho"sabi ko at nagmamadaling umalis nang matapilok ako dahilan para matumba ako,
Pumunta sya sa harapan ko at inalok ang kamay nya,
"I told you, dito ka na lang magtrabaho para boss mo ulit ako"sabi nya, umangat ang tingin ko sa kanya at napabuntong hininga,
"Kaya nga ako umalis sa mansion nyo para hindi ko na kayo makasama tapos ngayon boss kita? Edi ganoon pa din yun"sabi ko at itinayo nya ako,
"Ayaw mo no'n, may boss kang pogi" sabi nyang nakangisi at tinaasan ko sya ng kilay,
"Bahala ka nga, hindi ako nakikipag biruan ezekielle, seryoso ako na naghahanap ng trabaho kaya huwag mo akong tarantaduhin, please?" Sabi kong naiinis at natawa sya,
BINABASA MO ANG
Tame The Five Wildflowers
RomanceMonte Casa Series #1 Avina Maven Mariano is a simple young woman who sells flowers to help provide for her parents' needs. Little did she expect that while selling flowers, she would cross paths with the five arrogant billionaire brothers who are th...