"Make sure that all foods are ready, noted?"
"Yes ma'am!"
"Mommy!"
Napalingon ako at ngumiti kay hope chandria monte casa, ang anak namin ni khyle, she's four years old na.
"Hi baby!"agad ko syang sinalubong ng yakap,
Kamukhang kamukha sya ni khyle kung tutuusin, meron syang maputi at makinis na balat, may mapupula syang labi na talagang nakuha nya sa tatay nya at ang matangos na ilong na nasa genes ng mga monte casa.
Minsan napapaisip ako kung kamusta na si khyle, okay na ba sya at naabot na ba nya ang mga pangarap nya?
"Hope!"
Lumingon ako at nakita si dylan na may hawak na regalo for hope, february 9 ang birthday ni hope at ngayon iyon.
"Tito dylan!"
Agad syang sinalubong ni hope ng yakap, ngumiti pa ako sa kanya na parang nagpapasalamat na dumating sya, sya kase ang kasa-kasama ko na nagpalaki kay hope kaya close na close silang dalawa,
Sya ang nag alaga kay hope habang ako ay nagta- trabaho bilang chef sa new york kaya naka- pagawa kami ni hope ng malaking mansion na pinapangarap ko.
Natutuwa ako na hindi nya sinabi sa mga kapatid nya ang tungkol sa pag bubuntis ko, he keeps that secret hanggang ngayon.
"I bought some toys for you, hope" sabi ni dylan, agad syang niyakap ni hope at hinalik-halikan sa pisngi,
"Thank you, tito!"
Marami pang sinalubong si hope na mga kalaro nya sa birthday nya kaya kaming dalawa lang ni dylan ang magkatabi ngayon sa table,
"Kamusta si hope? Hindi ba nya hinahanap ang daddy nya?"tanong ni dylan,
"Ngayon, hindi pero paano kung pumasok sya ng school at ma- realize nya na lahat ng kaklase nya may daddy?"tanong ko, "kamusta na ba si khyle?"
"Goodnews, ayos na lahat ng company nya, actually top lagi ang company nya sa china, pauwi na din sya dito sa pilipinas next week para sa campaign nya, tatakbo syang congressman e" sabi ni dylan, malapit na khyle, makakapiling mo na si hope.
"Baka mamaya, umuwi sya dito nang may iba na"sabi ko at bumuntong hininga si dylan,
"Hindi ko lang alam dahil hindi na sya katulad noon na hinahanap ka at kinakamusta ka"sabi nya,
Doon ko na-realize na baka huli na ang lahat, baka masyado na syang nilamon ng pangarap nya at baka may iba na sya, doon ko iniisip kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoo kung sakali mang magkita ulit kami.
Kung ako ang tatanungin nyo, sya pa din talaga ang hinahanap ko at laman ng puso ko, willing na akong sabihin sa kanya ang totoo na may anak kami, inaantay ko lang talaga ang kanyang pagbalik dito sa pilipinas.
"Where's your daddy, hope?"tanong ng kalaro nya, same silang may hawak na lobo at nakaupo lang sa may kids chair, habang kami ni dylan ay pinapanood at binabantayan sila.
BINABASA MO ANG
Tame The Five Wildflowers
RomansaMonte Casa Series #1 Avina Maven Mariano is a simple young woman who sells flowers to help provide for her parents' needs. Little did she expect that while selling flowers, she would cross paths with the five arrogant billionaire brothers who are th...