07

9.9K 218 2
                                        


"Kamusta araw mo dyan sa mansion ng mga Monte Casa? Ayos ba?" Tanong ni mama, napalagay na ako dahil nasa magandang bahay na sila at may gamot na sila na pinrovide sa kanila ng presidente maging katulong ay mayroon na sila.



"Ayos lang po ma, mabait naman po pala yung lima, sadyang may topak lang na pasumpong sumpong" pagsi- sinungaling ko, ayoko kase na mapag alala lang sina mama at papa dahil baka mas lalong lumala ang sakit nila at paatrasin nila ako sa trabaho,



"Anak, salamat huh dahil kung hindi dahil sayo ay hindi kami mapapatira sa ganito kaganda at kabangong bahay" singit ni papa at napangiti ako, "may yaya pa kaya napagaan ang gawain namin ng mama mo"


"Sabi ko naman po kase sa inyo mama at papa na gagawin ko lahat at isasakripisyo ko po lahat para po mabigyan kayo ng magandang buhay" sabi ko at nabitawan ko ang cellphone ko nang may pumasok bigla, si sir Dylan.


Pinatay ko ang call at tumayo para harapin sya,


"May kailangan ka po ba sir Dylan?" Tanong ko at tiningnan nya ang phone na nasa kamay ko at kinuha nya iyon,




"Sino kausap mo? May trabaho ka pa sa amin tapos nakikipag usap ka sa kung sino? Sino ang kausap mo? Ipapatay mo kami 'no?"tanong ni sir Dylan at natawa ako sabay bawi no'n sa kanya,



"Alam mo, ang OA mo masyado"sabi ko, "hoy mag isip ka nga, bakit ako kukuha ng papatay sa inyong lima kung kaya ko namang gawin iyon mag isa, sayang lang ang bayad sa mamatay tao kung kaya ko naman kayong patayin"




"Subukan mo lang, kakasuhan kitang babae ka!"pagtaas ng boses nya at tumawa ako ng malala,



"Aba wala naman kayong proof na ako ang suspek pag namatay kayo kase papatayin ko kayo ng tulog"sabi ko at nakita ko ang galit sa mukha nya habang ako ay tawa nang tawa sa mga pinagsasabi ko, bigla nya akong hinigit palabas ng kwarto ko hanggang sa labas ng mansion,




"Lumayas ka dito"sabi nya, lumapit ako sa kanya at tinulak sya para makapasok sa loob ng mansion,



"Anong topak mo ba? Porket hindi nyo magagawa yung mga kalokohan nya, palalayasin nyo na ako? Kung pag gigilitan ko kaya kayo!"sabi ko at nagpuntahan na ang apat pa nyang kapatid,

"Okay miss Avina, if lahat ng ito ay ginagawa mo para gantihan kami then babayaran ka na lang namin, umuwi ka na lang at mag relax keysa bantayan kami kase hindi naman na kami bata" singit ni sir Ezekielle at natawa ako kaya nag tinginan silang lima,

"Hoy hindi ako mukhang pera para alukin nyo para lang lumayas tapos ano? Gagawin nyo mga kalokohan nyo? Ay no no no! Hindi ko kayo hahayaang maging masaya"sabi ko, "tabi nga! May ginagawa yung tao iniistorbo nyo!"


"Kamusta araw mo sa impiyernong buhay ng Monte Casa?"tanong ni Perry habang nakain kami ng kwek kwek sa pinakalabas ng subdivision ng mga Monte Casa,


"Impiyerno talaga, nako nakaka imbiyerna kasama iyang limang iyan, wala pa ngang 24 hours na kasama ko sila ay nataas at nainit na agad ang dugo ko"sabi ko, "limang piso pa nga po kuya"



"Pero maganda naman ang view mo pag gigising ka kase makikita mo agad sila"sabi ni Perry at nagmake face ako,



"Kahit pogi pa yung limang iyon, para pa rin akong nasa impiyerno sa asal ng limang iyon, dami nila masyadong ganap at eksena sa buhay, babayaran pa ako basta umalis na lang ako para magawa nila mga kalokohan nila" sabi ko,




"Pumayag ka naman?"tanong ni Perry at natawa ako,





"Aba ano ako gago para pumayag na maging masaya sila? Ganti ko na 'to sa kanila kaya hindi ako basta uuwi at susuko, gusto ko sila pahirapan katulad ng pagpapahirap nila sa akin"sabi at pumalakpak si Perry,





"Nako bet na bet ko iyan! Balitaan mo ako huh kung napasuko mo na silang lahat"sabi ni Perry at tumingin ako sa kanyang nakangiti.




Habang nakikipag usap kay Perry dito sa may stall ng street food ay bigla na lang akong nagulat nang may biglang bumusina nang malakas malapit sa akin, napatingin ako sa gilid at nakita na si sir Khyle iyon, dala ang pick up car nya.




"Hoy, akala ko ba trabaho mong magbantay sa amin? Bakit agang aga nasa chismisan ka na?"tawa nyang sabi at tumingin ako sa kanya ng masama,




"Gago ka ba? Malamang kailangan ko rin mag relax, nakaka stress kaya kayong lima tapos nakakapagod pa kayo kasama tapos hetong unting kain ko lang, sisitahin mo na?"sabi ko sabay irap ko sa kanya,




"Kakaltas ko iyan sa sweldo mo, sige ka, chismis pa more bro"tawa nyang sabi at tumawa ako ng halakhak.





"Edi ikaltas mo, hindi naman ikaw ang nagpapasweldo sa akin, masyadong feelingero"sabi ko, "saan ka na naman pupunta?"




"Sama ka sa akin, may pupuntahan tayo"sabi nya.





"Saan naman po tayo pupunta sir Khyle?" tanong ko, nakasakay ako sa back seat at ayoko syang makatabi, demonyo iyon at baka kung anong gawin no'n bigla sa akin, baka mamaya itulak nya ako bigla.



"Takot ka ba sa heights?"tanong nya at nagsalubong ang kilay ko,



"O-oo, bakit?"tanong ko at nakita ko ang ngisi nya sa front mirror.


Tumigil kami sa isang bukiran kung saan may zipline, may nakaabang doon na mga guard, bumaba sya at kinausap pa ang mga ito, lumapit ang mga guard sa akin at hinihigit ako papunta sa may zipline.



"Uy bitawan nyo ako!"sigaw ko at pagpupumiglas ko habang si sir Khyle ay tanaw ko mula sa hagdan na tawa nang tawa,



"Papatayin talaga kitang gago ka! Babalikan kita!"singhal ko na galit na galit,



"Kung makakabalik ka pa, hindi mo nga alam kung anong way papunta sa mansion namin e, paano ka makakabalik"sabi nya at mas lalo akong napuno ng galit,



"Tarantado ka talaga! Pag ako nakabalik sa mansion, patay ka sa akin"sabi ko at pinipilit pa ako ng mga tauhan dito na makasakay sa zipline at dali dali nila itong pinaandar.


Nagsisigaw ako sa takot at sa lula sa sobrang taas nito, ramdam ang galit kay sir Khyle sa ginawa nya sa akin,



"Gago ka talaga Hendrick Khyle Monte Casa!"sigaw ko habang takot na takot sa ziplining.


Khyle POV

"Okay na guys, tapos na lahat ng problema natin"sabi ko pagdating ko ng mansion namin,



Nasa pagpipiloto ang dalawa kong kapatid na si Skyler at Dylan, lahat kami piloto at nagkataon lang na sila ang may trabaho ngayon. Tig iisa kami ng airport kaya magkakaiba ang schedule ng trabaho naming lima.


Ang nandito lang ay si Jordan at Ezekielle na ngayo'y sobrang busy sa paglalaro ng PS5 sa living room.



"What do you mean? Anong ginawa mo na namang katarantaduhan?"tanong ni Jordan at natawa akong sumandal sa may glass door dito sa living room namin,



"Nilayo ko na si Avina dito sa mansion natin para hindi na sya makabalik at magawa na natin ang gusto nating lima, diba ayun naman ang gusto nyo diba?"tanong kong nakangiti at nagtinginan ang dalawa,





"Hindi kaya malaman ni dad iyan at baka mamaya tayo ang ipagligpit no'n, alam mo namang malakas si Avina kay dad, right?"tanong ni Ezekielle at natawa akong pumagitna sa kanila sabay akbay sa kanila,




"Mga bro, walang nakakitang tauhan ni dad sa ginawa ko kase pinasakay ko naman ng maayos"sabi ni Khyle, "let's be happy at dahil dyan ay mag inom tayo!"





_______________________
_____________________________
:)

Tame The Five WildflowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon