06

10.4K 221 2
                                    


"Anong mahika ang sumapi sayo para mapapayag ka ng presidente na maging bantay ng limang iyan?" Tanong ni ate martina habang tinutulungan nya akong magtiklop ng damit sa loob ng kwarto ko,

Ang laki ng kwarto ko, parang kasing laki sya ng condo ko, sobrang linis, naka aircon pa at para talagang yayamanin ang kwarto na ito tapos sabi ng presidente ay kwarto lang daw 'to ng katulong pero bongga.



"Gipit lang po at kailangan na kailangan po talaga ng pera para sa gamot ng magulang ko po"sabi ko sabay buntong hiningang tumingin kay ate martina, mas matanda lang sya ng unti sa akin, naka braid sya na dark ang skin. "Hindi naman po ako papayag basta basta na maging bantay ng limang iyan kung hindi ko po kailangan ng pera e"





"Nako, alam mo bang ang dami ng yaya ang napasukong limang iyan, tingin mo ba kakayanin mo ang limang iyan na mapaamo? Baka umiyak ka lang at pag umiyak ka? Nandito ako para icomfort ka hija"sabi ni ate martina at napangiti ako,




"Huwag ka pong mag alala ate kase hangga't kaya ko pa na paamuhin at magkaroon ng mahabang pasensya sa limang iyan, ibig sabihin no'n ay kaya ko pa"sabi kong nakangiti, "laban lang para sa pangarap at para sa pamilya ko"



"Ate martina, pwede mo po ba kaming iwanan ni avina"napaangat ang tingin ko sa pinto nang makitang pumasok si sir skyler, umalis agad si ate martina, tumayo ako at pipigilan si ate martina sa pag alis nang agad sinarado ni sir skyler ang pinto at hinawakan ang wrist ko.



"Sir sky, may problema po ba?"tanong ko, binitawan nya ang wrist ko, inilagay nya ang kamay nya sa bulsa nya at naabante kaya naatras tuloy ako,


"Kung gusto mo pang humaba ang buhay mo ay umatras ka na miss avina maven mariano kase hindi ka rin naman tatagal dito"sabi nya habang papalapit sa akin habang ako naman ay paatras nang paatras sa takot na kung anong gawin nya sa akin pag naabutan nya ako,




"Sir kahit anong pagbabanta nyo pa sa akin ay hindi ako aatras, kahit pa na ibingit nyo ang buhay ko sa kamatayan ay hindi ako aatras dahil ginagawa ko ito para sa pamilya ko"sabi ko at natawa si sir skyler,



"Susuko ka rin naman e kaya habang maaga pa ay sumuko ka na, umalis ka na kase sa phase na ito ay parang inilalapit mo lang ang sarili mo sa kamatayan"sabi nya,



"Bakit ayaw nyo bang may bantay kayo? Para gawin ang kalokohan ninyong lima? Mga gago talaga kayo, bait bait ng tatay nyo tapos nagtatarantado lang kayo?!"tanong ko at nauntog na ako sa may pader, naabutan nya ako at itinuon nya ang kamay nya sa pader para ma-corner ako, magkalapit na rin ang mukha namin kaya naiilang ako,




"Babayaran kita ng malaki basta umatras ka na sa deal ni dad na bantayan kami"sabi ni sir skyler, tinulak ko sya at nagkrus ng braso,



"Sir, hindi ko kayang traydurin ang tatay mo, mag stay pa rin ako kahit anong pananakot ang gawin ninyo" sabi ko sabay lampas na sa kanya para lumabas ng kwarto at pumunta kay tito pres para tulungan syang mag ayos ng gamit nya papuntang china.




"Guys, this is my last dinner here at the philippines kaya kung maari lang ay maging mabait na muna kayong lima sa akin"sabi ni sir president habang inilalapag ko ang pagkain na niluto ko para sa kanila,




"Miss avina, baka naman mamaya may nilagay kang lason sa lahat ng masasarap na pagkain na inihain mo" sabi ni sir dylan at natawa ako,



"Sir dylan, kung papatayin ko lang rin naman kayong lima ay yung brutal na para hindi na kayo makabangon pa kase kung lalasunin ko kayo, aba mabubuhay pa kayo no'n e kaya papatayin ko na lang kayo in a brutal way para wala ng gisingan"sabi ko at nakita ko ang pag ngiti ng presidente habang ang mukha ng lima ay pikon na pikon na.





"Kami ba'y pinipikon mo miss avina?" Napatalon ako sa gulat sa boses na narinig ko malapit sa tenga ko, napalingon ako at napahawak sa dibdib dahil si sir khyle lang pala iyon, sinundan pa talaga nya ako sa veranda ko para tanungin ako ng ganoon.






"Sir khyle, kung kumakain ka na lang doon ng tahimik ay mas maganda pa keysa nagtatanong ka ng ganyan." Sabi ko sabay pamewang at tinaasan sya ng kilay, "pag napikon ka sa mga sinabi ko kanina ibig sabihin apektado ka at mahina ka pero pag hindi ka napikon ibig sabihin malakas at matapang ka talaga pero wala e, napikon ka, nako ang hina mo naman, napadali tuloy ang trabaho ko ngayong alam kong pikunin ka pala"





"Hindi ako pikon!"pag taas ng boses nya at natawa akong tinuro sya,




"Guilty as hell, nako sir khyle. Ang maldito mo tapos pikunin ka? Nabawasan tuloy ang thrill at takot ko sayo dahil sa pikunin ka pala, nako first day palang ng trabaho ko na paamuhin at pikunin kayong lima pero napasuko na agad kita"sabi ko at nakita ko ang galit nya,





"I will make a punishment for you, miss avina"pagbabanta nya sabay walk out, natawa ako at kumaway pa na parang nagpapaalam.





"Goodluck sir khyle"pag tawa ko pero narinig ko pa ang dabog nya.



"Hija avina, mag ingat kayo dito ng mga anak ko huh, marami akong security at marami dyang maid kung kailangan mo ng gabay nila, handa silang tumulong sayo"sabi ni sir president, nasa labas kami ng gate, nasa likod ko ang lima habang ang guard ng presidente ay inilalagay ang gamit sa loob ng mahaba nitong kotse,



"Asahan nyo po tito pres na pagbalik nyo po galing china ay maayos na ang lahat at wala ka ng po-problemahin sa mga anak mong tigre"sabi ko at narinig ko ang tawa ni sir skyler,





"Talaga? Tingin mo kaya mo kami? Baka nga isang asar ko lang sayo ay mapikon ka na at umatras ka na lalo na at mas powerful kami keysa sayo" sabi ni sir skyler at natawa akong lumingon sa kanya habang nasa likod ko ang kamay ko,




"Ako mapipikon? Sino bang napikon sa ating dalawa kanina nung pinuntahan mo ako sa kwarto? Diba ikaw, tapos sasabihan mo akong mapipikon at susuko? Baka nga pag dating dito ng daddy mo ay nakita nyang lumuluhod ka na sakin"tawa kong sabi,





"Dad? Hahayaan mo kaming barahin at pikunin lang ng babaeng ito sa loob ng apat na buwan na wala ka?"singit ni sir jordan, "ang dami dami dyang babae na pwede mong ipabantay sa amin pero bakit ito pang babaeng ito?"






"Kase sya ang nakikita kong pwedeng magpaamo sa inyong mga tigre kong anak"sabi ni sir president, "ayaw nyo sa palaban at matapang na katulad ni avina kase mapipigilan kayo sa kalokohan nyo? Ikaw ang panganay jordan, so be matured at huwag nyong sasaktan si avina dahil once na nalaman ko iyon? My punishment is ready para sa inyong lima"






"Dad naman, para mo naman kase kaming ikinukulong at hindi binibigyan ng kalayaan? Paano kami nyan makakapag party kung may asungot at bantay kami?"tanong naman ni sir ezekielle at natawa si dad,






"Sa loob ng ilang taon nagtiis ako sa inyo, pinabayaan ko kayong mag inom o mag party hangga't gusto nyo dahil wala pa akong nakikitang magbabantay sa inyo tapos sasabihin mo hindi ko kayo binibigyan ng kalayaan? Pwes ngayong may nakita na akong palaban at kaya kayong tapatan, ngayon ko kayo binabawian ng kalayaan"sabi ni sir president, umalis na ito at lumingon ako sa lima.








"Mga sir, sorry huh kung hindi ko kayang umatras sa trabaho na binigay ng daddy nyo sa akin, nangigitil rin ako sa inyo e at gustong gusto ko kayong pisatin at tirisin na parang kuto kaya mag stay pa rin ako kahit anong pagpapahirap nyo sa akin"nang aasar at kalmado kong sambit sabay pasok na sa loob ng mansion nila at iniwan silang pikon na pikon.










____________________
_________________________
:)

Tame The Five WildflowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon