Simula

2.5K 26 0
                                    

"What the fuck, dad?!"
 
"Carolina!" saway ni mommy sa akin, pero hindi ko siya pinansin.
 
Binalewala ko lamang si mommy dahil sa iritasyong nararamdaman ngayon. Hearing the plan of my parents for me ruined my day! And I'm sure that their plan will ruin my entire life!
 
Nakatuon ang buong atensyon ko kay daddy at sa lalaking katabi niya. I am glaring at the guy. He's so serene, and he's just comfortably sitting on his seat while staring at me. Mabilis ang paghinga ko nang hampasin ang lamesa namin habang mariin akong nakatitig sa kanya. Naiinis ako! At galit ako! Kina daddy at sa lalaking ito!
 
"No, daddy! I won't marry this fucking man!" bulyaw ko at dinuro ang lalaking katabi ni dad, matalim pa rin ang titig ko rito.
 
"Tigilan mo 'ko, Carolina! Sumusobra ka na!" Umalingawngaw ang sigaw ni daddy sa loob ng mansyon namin, pero hindi pa rin ako nagpatinag.
 
"Oh God! What the fuck did you do to them?!" sigaw ko sa lalaki na kampante lamang nakaupo. "You poisoned their minds!" I accused him.
 
"Euxine Carolina Scarlet!"
 
Mariin akong napapikit dahil sa sigaw ni daddy. His voice thundered and almost echoed in every corner of the house. Binagsak ko ang sarili ko sa couch at kasabay ng pagbagsak ko roon ay ang pagbagsak din ng mga luha ko. Bumuhos iyon at umagos sa aking pisngi. Naiiyak ako ngayon dahil sa sobrang pagka-frustrate!
 
"I can't believe that you could do this to me, Daddy!" I cried. Naramdaman ko ang pag-uusbong ng galit ko. "I don't like him and I will never ever like him! You all know that! He's a nerd! A poor man, and he doesn't have parents! Sa tingin n'yo matutuwa ako nito?! This is so embarrassing! I feel embarrassed being engaged with a man like him!"
 
"You are marrying him," dad declared. "And you cannot do anything about it, Carolina. Stop insulting your fiancè!"
 
Halos masuka ako sa huling salitang sinabi ni daddy sa akin. Isang sampal iyon para sa akin. Hindi ko matanggap na matatali ako sa lalaking pinakamumuhian ko pa sa mundong ito.
 
"He's the best man for you, Carolina, he'll be a good husband," dad continued. "I just want you the best, baby."
 
"No, daddy!" I cut him out. "You want the worst for me!" Humikbi ako matapos sabihin iyon. "Nakakairita! Nakakadiri! Nakakasuka! Dad, naman! Ipagkasundo mo lang ako sa kahit sino, huwag lang sa lalaking ito! He's so disgusting! So full of himself! Matalino lang siya, daddy, dahil tinulungan n'yo siya!"
 
"No, Carolina, this is final. You will marry him," dad said.
 
"I am too young to get married, daddy! Tapos nag-aaral pa 'ko! And then he's... he is too old for me! Hindi ka ba naririndi, daddy, na mas matanda siya sa akin?!" I yelled.
 
Napasentido si mommy nang masulyapan ko siya samantalang si daddy naman ay napahilamos ng kanyang mga palad. I know they don't like my behavior, but I don't like their plan either! Kainis! Bakit ba kailangan kong pakasalan ang nerd na 'to?! Ano'ng mapapala ko rito?!
 
"He's just older than you for a year, and it's better if the man is older than you, Carolina. And yes, you are still young to get married. Ang plano namin ngayon ay ipagkasundo ka sa kanya at magpapakasal kayo sa araw ng iyong ika-labing walong kaarawan, hija."
 
"Holy fuck!" I cussed. "Sa eighteenth birthday ko pa, daddy?! Really?! Is this a torture to me?! Putang inang plano 'yan, dad! Wala ba kayong matinong plano?! Ni hindi n'yo rin ako mahanap ng mas higit pa na lalaki kumpara rito!"
 
"Stop comparing him to other men, Carolina!" bulyaw ni dad. "You immature little witch! Bakit, ha?! Ano ba'ng mga gusto mo?! Katulad ng mga lalaki mo na walang respeto sa mga babae?! Mga babastos at masasama ang mga ugali?!"
 
I glared at the man beside him; he sipped on his juice on the table while staring at me. Inirapan ko siya sa kabila ng mga luha ko. Binalik ko ang tingin kay daddy na namamaga ang aking mga mata.
 
"Dad, hindi ka ba naaawa sa akin?" I cracked a voice. "You're hurting me through this. Please, daddy, ayaw ko sa ganito..." I begged.
 
"You have a year to change yourself and be a better woman for him, Carolina," dad commanded, ignoring what I said.
 
"What?!" Bumilog ang mga mata ko roon. "Tapos ako pa ang mag-a-adjust?! Oh God! I would rather be a nun than to marry a man like him! Ako na nga itong kawawa rito, ako pa'ng mag-a-adjust!"
 
"I am warning you, Carolina! Huwag mo 'kong punuin! You are marrying him, whether you like it or not!" dad said in the final. "Again! You are marrying him on your eighteenth birthday!"
 
"No!" I refused and stood on my seat. I gazed at the guy and gave him a deathly glare. "Hinding-hindi ako papayag na ikasal ako sa 'yo! I will do everything to stop this marriage!"
 
Mariin akong napapikit dahil buo pa sa ala-ala ko ang pangyayaring iyon. It's been years. Akala ko hindi na kami magkikita muli, pero nagkakamali pala ako dahil sa pagkakataong ito ay nandito siya ngayon sa harapan ko.
 
He's different from the guy I met years ago. Habang nakatitig ako sa kanya ngayon, masasabi kong malaki ang pinagbago niya. He's not wearing eyeglasses anymore, and his shoulders are getting broader. Namumungay ang kanyang mga mata habang nakatitig siya sa akin, sobrang lamig ng titig niya. I also noticed that he matured. Tumangkad siya lalo, pumuti pa, at.. naging guwapo na talaga ngayon.
 
I lowered my head because I am guilty of what I did to him years ago. Wala namang kaalam-alam sina mommy at daddy sa ginawa ko sa kanya. Ngayong nandito siya sa harapan ko, kasama ang mga magulang ko ay kabadong-kabado ako. Alam kong ilang taon na rin ang nagdaan, pero hanggang ngayon ay nilalamon pa rin ako ng konsensya ko.
 
"Ituloy na natin ang kasal, Mrs. and Mr. Zeigler."
 
My eyes widened in shock when I heard that from him out of the blue. I lifted my head to look at him. His expression did not change; he's just staring at me coldly. Nanlamig ang mga palad ko ngayon, maging ang buong katawan ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at halos dumugo na ito sa sobrang kabang nararamdaman ko ngayon.
 
"N-Nanggugulat ka naman masyado, hijo." Mom chuckled awkwardly. "A-Akala pa nga namin ay hindi ka na magpapakita sa amin kasi 'kay tagal mo nang hindi nagparamdam. W-Wala rin kaming alam kung nasaan ka—maging si Yuna—hindi alam kung nasaan ka na."
 
Parang gusto kong tumakbo palayo sa kanila. I don't know where he was, but I knew the reason why he left. Tumingin siya sa akin at nakita kong gumalaw ang kanyang panga, umigting iyon. I know he's mad because of what I did to him. At kahit maging ako rin ay galit na galit sa sarili ko. I'm guilty, and I wanted to apologize to him, but I think.. it was too late for me to do that.
 
"Nangibang bansa lang po ako, tita," maiksing paliwanag niya.
 
Napalunok ako. Nangibang bansa lang. His words echoed inside my head. Ang tagal niya sa ibang bansa, ah? Bakit ngayon lang siya bumalik dito?
 
Umiwas na lang ako sa titig niya at nanatiling nakatikom ang aking bibig. Kung noon ay ako iyong reklamo nang reklamo, ngayon naman ay halos hindi na ako makapagsalita. He's looking at me intently, which made me more tensed. Tumuwid na lang ako ng upo at kunwari ay inabala ang sarili na luminga-linga rito sa loob ng mansyon namin.
 
"She's of her age," muling wika niya. "Wala naman sigurong dahilan para hindi namin ituloy ang kasal."
 
Kinilabutan ako nang marinig iyon sa kanya. What does he mean by that? Akala ko ba ay hindi na matutuloy iyong kasal? Akala ko ba ay pinagsawalang bisa na iyon ng mga magulang ko? Ano 'to ngayon? At.. teka, kung hindi ba ako papayag na magpakasal sa kanya, sasabihin niya sa mga magulang ko ang ginawa ko sa kanya?
 
"U-Uh..." Si daddy ay napatiklop na kaya nilingon niya ako. "Carolina?"
 
Hindi ako nagsalita at nanatili akong walang-imik. I don't want to talk. Baka isang salita ko lang ay ilabas niya ang baho ko sa harapan ng mga magulang ko. My parents do love him; they might kill me if they figure out what I did to him years ago.
 
Halos mawala na ako sa huwisyo ko nang bumalik sa ala-ala ko ang mga kabulastugan ko noon—hindi ko na masundan ang pinag-uusapan nila—hindi ko na maintindihan dahil sa mga naisip ko. At the same time, I was preoccupied with my thoughts about what I had done to him in the past. Kahit nag-uusap silang tatlo ay parang wala akong naririnig dahil sa dami ng iniisip ko.
 
"What do you think, Euxine Carolina Scarlet?"
 
Halos mapatalon ako nang tawagin niya ang buong pangalan ko. Napakurap-kurap ako nang bumaling ako sa kanya. Sa halip ay inayos ko na lang muli ang pagkakaupo ko. Nang ibalik ko ang tingin ko sa kanya ay nakatitig pa rin siya sa akin, hinihintay yata ang sagot ko, ni hindi ko nga alam kung ano ang ibig sabihin ng tanong niya.
 
"What do you think about our engagement?" He tilted his head when he asked me that.
 
"Engagement," I echoed.
 
"Why? Is there something wrong? Ayaw mo pa rin ba sa akin hanggang ngayon? You don't want to marry me?"
 
Nanuyo ang aking lalamunan sa paraan ng tanong niya. Parang kahit anong oras yata ay ibubulgar niya sa kina mommy at daddy ang ginawa ko sa kanya noon! Nilingon ko naman sina mommy na nakatitig din sa akin. They are all waiting for my answer! Paano na lang ako na hindi alam kung ano ang isasagot?
 
"W-Wala naman akong alam diyan," tanging lumabas sa bibig ko.
 
"What?" mom and dad asked in chorus.
 
"Hija, he asked you questions that are answerable by yes or no. What does your answer mean? Wala naman akong alam diyan?" mom questioned me astonishingly. "Are you not feeling well? Bakit ang layo naman yata ng sagot mo sa tanong niya?"
 
"U-Uh..."
 
I was unable to talk. I just smiled at them awkwardly. Lutang ako! Bumaling ako sa lalaking nasa harapan ko. I saw a smile crept on his lips. Umiwas na lang ako ng tingin at mariing napapikit. Kung noon ay kaya ko siyang irapan nang harap-harapan; ngayon naman ay halos hindi na ako makatingin sa kanya nang diretso! Ngayon lang din ako nakaramdam ng matinding hiya dahil doon sa sagot ko.
 
"I think she likes the idea of getting married with me this time, tita," he smirked. "Look at her, she can't talk now because she's so excited for our marriage. She wants us to get married as soon as possible, tita."
 
What?! Bumuka ang bibig ko para magsalita subalit walang boses na lumabas doon. I didn't say that I wanted to get married with him as soon as possible! Siya lang ang nagsabi niyon! Hindi na lang ako nagsalita muli. Ayaw kong magsalita dahil baka sabihin niya nga kina mommy ang ginawa ko ilang taon na ang nakalipas!
 
Natapos ang usapan namin na wala akong imik at nakapangalumbaba lamang. Kahit sina mommy at daddy ay nanibago sa akto ko. Kung dati'y hindi mabilang ang mga pinagsasabi ko, pero ngayon ay halos kinain ko na ang mga sinabi ko noon.
 
"Okay, we'll leave you two."
 
Napatayo ako nang tumayo sina mommy at daddy. No! Huwag naman nila sana akong iwan kasama ang lalaking ito! I feel so uncomfortable with him! Tapos kanina niya pa ako tinitigan! Can he stop staring at me?! Naiilang ako! Oo, gusto ko nga siyang kausapin para ipaliwanag sa kanya iyong tungkol sa nakaraan pero.. hindi muna ngayon! Hindi pa 'ko handa at hindi ako komportable sa kanya ngayon! Iba na ang paraan ng pagtitig niya sa akin!

Chasing the Wild Waves (Student Series #1)Where stories live. Discover now