Kabanata 3

617 7 1
                                    

"He really did not deny it, Yuna?!"

I nodded irritatedly. "Yeah, hindi talaga siya nahiya sa akin!"

Kinuwento ko sa mga kaibigan ko kinabukasan iyong tungkol sa nangyari kahapon. It was so disgusting! Hindi niya man lang dineny iyon! Ang kapal ng pagmumukha niya! All of my friends are laughing at me samantalang ako naman ay sukang-suka na. Matapos kasi sabihin niyon ni Ryder kahapon ay tinulak ko kaagad siya palabas ng silid ko. Mabuti na lang ay hindi na siya bumalik pa sa loob ng kuwarto ko. He's not even welcome there!

"Isusumbong mo ba siya sa daddy mo? You can use that as your blackmail to him, Yuna," Marilyn suggested when she saw me stressing out. "Hindi niya dineny, 'di ba? You can use it as a reason to throw him out of your house. Sabihin mo sa parents mo na may ginawa siyang masama sa 'yo, at sabihin mo na dahil iyong may gusto siya sa 'yo."

"Oh no.. no.. no.. I think that is not a good idea, Marilyn," I refused, shaking my head. "He's almost a son to my parents, at kapag nangyari na sabihin ko nga na may gusto iyon sa akin.. paano kapag mas lalong itulak pa 'ko nina mommy sa kanya? Oh, please.. it was so.. yuck? Ew.. ayaw ko talaga sa nerd na 'yon!"

"For me lang, he's handsome naman," Miley voiced out her opinion. "Guwapo naman siya kung ayusan siguro at kung.. aalisin niya 'yong glasses niya, at kung maayos lang siya magdamit. Napaka-old fashion niya kasi, eh."

"What?" Napaawang ang bibig ko sa narinig bago ako humagalpak ng tawa sa kaibigan. "Oh God! Are you fantasizing about him, Miley? Hindi ka ba nandidiri sa lalaking iyon? Kapag titigan pa nga lang iyon ay diring-diri na 'ko, eh!"

Umirap si Miley. "For me lang naman, I am not fantasizing about him, alright? At isa pa, Yuna, hindi mo ba napapansin? Half of our schoolmates are fantasizing about him! Aywan ko nga kung bakit nagkakagusto sa nerd na iyon!"

"Those girls are cheap, just ignore them," I said. "If you ask the opinion of the guys about him at this university, sasabihin nila na ang nerd talaga iyon at ang cheap," I added. "Actually, kung para sa akin naman.. hindi ko gusto ang mga tipo niya.. he's so low for me.. napakapangit niya, baduy, cheap, nerd.. basta lahat ay ayaw ko sa kanya!"

Our conversation lasted that way. Umingay na ang bell hudyat na simula na ng klase. We all gathered our things and prepared ourselves. I opened my purse and took out my makeup. Nag-apply kaagad ako ng kolorete sa aking mukha para hindi ako magmukhang maputla. May naririnig pa 'ko sa ibang schoolmates namin na nagme-make-up daw ako para sa mga lalaki, little did they know that I am doing this for myself. Why are people nowadays so judgemental? Well, isa rin naman ako sa kanila. I won't deny that.

Umalis kaagad kami sa aming usual spot at pumasok na kami sa aming klase. My friends are my classmates at the same time. In my circle of friends, I have four male friends and three female friends. JD, Shovie, Marilyn, Miley, Joshua, Kairi, and Coth.

"I heard na magsa-sub daw si Ryder kay Mr. Baldo?"

That caught my attention. Tiningnan ko ang kaklase kong nagtanong niyon sa kaibigan niya, at tinaasan ko siya ng kilay. Tumingin siya sa akin nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. Hilaw lamang siyang ngumiti sa akin.

"Ryder Nathaniel Riydh will sub Mr. Baldo?" I asked her just to make sure.

Hearing that name ruined my mood. Sa dinami-rami ng puwede niyang ipag-sub-han, sa isa pa talaga sa subjects teacher namin? Did he do this on purpose to make papansin for me? Hindi ba nandidiri ang lalaking iyon sa sarili niya? Oh God!

"U-Uh.. iyon kasi ang sa pagkakaalam namin, Yu, kasi mangingibang-bansa raw si Mr. Baldo because something happened daw."

She cannot look at me while stating those. Umirap ako sa kawalan at pinagkrus ang aking mga braso sa 'king dibdib. Everyone knows here how much I despised that man. Alam ng lahat sa school na ito na binubully ko ang lalaking iyon. Wala akong pakialam kung mas matanda siya sa akin o school president man siya dahil wala naman siyang kalaban-laban sa akin kahit ano man ang gawin niya!

Chasing the Wild Waves (Student Series #1)Where stories live. Discover now