"Puwede bang mag-commute ka na lang?"
Maagang nasira ang araw ko dahil sa kanya. Kapapasok niya lang ngayon sa loob ng sasakyan, at sa tabi ko pa siya umupo. Umusog siya palayo para bigyan ako ng espasyo, pero hindi pa rin sapat iyon. I want him to leave!
"Umalis ka nga! I hate it when you're around!" I hissed. "Your presence is irritating me!"
"Scarlet—"
"Lumabas ka nga at maghanap ka ng masasakyan mo!" taboy ko sa kanya. "Hindi malalaman nina mommy at daddy na hindi ka sumabay rito! Sanay ka nang mag-commute, hindi ba?"
"Scarlet, sasabay lang naman ako."
"Shut up! Kung sumabay ka, roon ka sa front seat! Ayaw kitang katabi kaya roon ka!" naiinis kong singhal sa kanya.
He sighed. "Okay.."
Sinundan ko siya ng tingin nang lumabas siya para pumasok sa kabila. He opened the door on the shotgun seat and went inside. He closed the door as he sat in his seat. Umirap ako at nagsuot na lang ng ear pods ko. Hindi na kasi siya nakasabay sa akin dito sa sasakyan dahil palagi akong maaga, hindi ko alam na maaga rin pala siya ngayon.
My driver started the engine, and I silently watched outside the window, tinitingnan ang mga madadaanan namin. Naramdaman ko rin ang titig sa akin, alam kong si Ryder iyon, kaya hindi ko na lang pinansin. Na-bad trip ako sa kanya. Sinira niya ang araw ko! Kainis!
Mabuti na lang ay hindi na nagtagal pa ang biyahe. Hindi pa nga nakakapagparada nang maayos ng sasakyan si manong ay hindi na ako nagdalawang-isip pa na lumabas.
Some of my schoolmates looked in my direction. I confidently walked past them and ignored their stares. Diretso lang ang lakad ko at naramdaman ko na sa bawat daan ko sa mga tao ay bumabaling ang mga ito sa akin. I can even see some girls looking at me and gossiping. Hindi na ako nagdalawang-isip na lapitan sila.
"Mukhang exciting iyang pinag-uusapan ninyo, ah?" I started.
"Nag-uusap lang naman kami, Yuna," ani ng pandak na babae.
"May iba ba akong sinabi? Ang sabi ko..." Nilapit ko ang mukha ko sa kanila at isa-isa silang tiningnan sa kanilang mga mata. "Exciting ng pinag-uusapan ninyo. Ako ba 'yan?"
"Hindi!" deny ng matangkad na babae. "Bawal ba kaming mag-usap, ha?"
Humalakhak ako. "Oh, girls. Did I say something that offended you? I am just asking all of you if you were talking about me. It was answerable by yes or no. Mukha yatang na-offend kayo? Kasi ang totoo niyan.. ako talaga ang pinag-uusapan ninyo at sinisiraan na naman ako. You were all looking at me earlier while talking, so.. sino sa tingin ninyo ang iisipin kong pinag-uusapan ninyo?"
"Wala, Yuna, hindi ikaw," ani naman ng mataba sa mahinang boses. "Bakit ka naman namin pag-uusapan?"
"Oo nga, ano? Bakit ninyo ako pag-uusapan? Dalawa lang iyan, eh. It's either nagagandahan kayo sa akin or naiinggit kayo sa akin. But I hope it was the first one. Hm?"
"Yuna—"
"Kapag ako ang teacher ninyo at magpapa-exam ako tungkol sa akin.. siguradong pasado kayo." Humalakhak ako.
I flipped my hair as I turned my back to them. Some students are watching us. Good, I am now making a scene again. I lightly moved my hips and booty as I stepped on the floor. Sumilay kaagad ang ngisi sa aking labi nang marinig ko ang singhap ng tatlong babae sa likuran ko. Mukhang nainis sa pasadyang lakad ko.
"Mga duwag na boba." Iyan ang huling sinabi ko bago tuluyang umalis.
I was in the corridor when I saw my friends. Mabilis akong lumapit sa kanila. Naningkit ang mga mata ni Marilyn sa akin. Miley rolled her eyes at me, and Shovie looked at me from head to foot. Si Joshua naman ay inakbayan lang ako 'tsaka inayos ang suot kong choker. Hinayaan ko naman siya dahil sanay ako sa pagiging clingy niya sa akin.
YOU ARE READING
Chasing the Wild Waves (Student Series #1)
RomanceStarted: January 22, 2024 Ended: March 14, 2024 SS #1: Chasing the Wild Waves The differences between Gen Z, the Alpha Generation, and previous generations like the Lost Generation and Millennials are notable, mula sa pananamit hanggang sa pananaw...