Kabanata 1

1.1K 9 1
                                    

"Everyone knows that the school president likes you, Yuna."

I almost puked when I heard that from Marilyn; she's one of my friends. Umismid ako at patuloy sa pagtitipa sa cellphone ko para abalahin ang aking sarili, pero ang hirap baliwalain ang sinabi ni Marilyn. I was distracted by what I had heard from her. Oh, that fucking school president! Ayoko nga sa kanya! Porket scholar siya, akala niya kung sino na siya!

Humagalpak ng tawa ang mga barkada ko. I glared at them one by one. Naiirita ako dahil sa scholar nina mommy at daddy! Talagang pinagkalat niyang may gusto siya sa akin! Nakakadiri! He's a nerd! And he's even too old for me!

Doon nagsimula ang lahat. Simula noong grade 8 pa lang ako ay sobrang gulo na talaga ng buhay ko, 'tapos dumagdag pa itong scholar nina mommy. He's been the school president since I was in my first year and until now. Wala rin yatang plano ang unibersidad na palitan siya nang nag-grade 10 na ako at senior high school na siya ngayon, pero siya pa rin ang school president namin.

"Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa 'yo, Euxine Carolina?" JD, my guy friend, blurted a hard laugh. "Pati tuloy 'yong nerd na 'yon ay gustong-gusto ka!"

"Hindi naman siguro totoo iyan," I said irritatedly, holding my patience.

"Nasa iisang bubong lang kayo, Yuna," si Shovie, ang isa ko pang barkada. "Palagi kayong nagkakasalubong at nagkikita kaya imposible na hindi totoo iyong kumakalat na may gusto siya sa 'yo."

"So disgusting," I murmured.

Dahil sa iritadong naramdaman ay tumayo ako at nagmartsa palayo sa mga kaibigan. Pati ang mga kaibigan ko ay tinutukso rin ako sa lalaking iyon! Nakakadiri na talaga ito! Ayoko nga sa kanya! Ayoko na palaging nagkakaganito!

Mabilis ang paghinga kong nilapitan siyang nakaupong mag-isa sa bench habang may binabasang libro. It irritates me more to see him wearing those ugly glasses! Basta sa tuwing nakikita ko siya naiirita ako! Nabubuwesit ako! Ayoko sa mga katulad niya, nakakababa ng dignidad! Ayaw ko sa kanya dahil napapahiya ako at sinasabing cheap pa talaga ang nagkakagusto sa akin! Hindi ako sigurado kung gusto niya ba ako o hindi, pero hindi rin malabong hindi siya magkakagusto sa akin!

Naramdaman niya siguro ang presensya ko kaya sinara niya ang libro niyang nakabuklat at inangat ang tingin niya sa akin. Masamang tingin ang ginawad ko sa kanya. Hinablot ko ang libro niya at mabilis na tinapon iyon sa kung saan. Wala akong pakialam kung magalit siya! Gusto kong ma-turn off siya sa akin kung sakaling may gusto nga siya sa akin! I wanted him to hate me, too!

Sinundan niya lang ng tingin ang libro, samantalang ako naman ay nanlilisik ang mga matang nakatitig sa kanya. Kalmado lamang siya na para bang hindi big deal ang ginawa ko. Paano niya nagawang maging kalmado gayong matalim itong titig ko sa kanya? Buwesit!

"You fucking nerd!" Dinuro ko siya. "What were the rumors all about, huh?! Ano iyong sinasabi ng mga tao na may gusto ka raw sa akin?! Nakakadiri ka! Talagang pinagkalat mo pa iyon, ha?! Napakatanda-tanda mo na para magkagusto sa mas bata sa 'yo!"

"Wala akong pinagkakalat na may gusto ako sa 'yo, Scarlet, wala akong panahon para roon," mabilis niyang paliwanag.

"Kahit na! This is all your fault, eh! No'ng dumating ka ay naging magulo na ang buhay ko! You're such a disgusting nerd!" bulyaw ko. "Itong tandaan mo, kahit na ano man ang gawin mo, hinding-hindi ako magkakagusto sa 'yo!"

"I am sorry, Scar... Hayaan mo, aayusin ko..."

"Ha! Dapat lang! Ikaw ang puno't dulo nito, eh! Ganiyan ka ba kasi ka papansin?! Sabagay, wala kang pamilya na pumapansin sa 'yo! Wala ring kaibigan! You're so gross! Sampid ka lang sa pamilya namin! Papansin!"

Chasing the Wild Waves (Student Series #1)Where stories live. Discover now