"Takot malamangan!"
Iyan ang sinabi sa akin ng mayabang na si Sheen nang mag-rant ako sa first subject professor namin. Dahil sa opinyon niyang lame at useless, napataas ang kilay ko. Ang mga kaklase namin ay napatahimik dahil sa sinabi niya, kahit ang guro rin namin ay bahagyang natigilan sa kanya. She looks braver now than last time, huh? Tingnan natin kung hanggang saan 'yang pagmamaang-maangan niya na matapang siya kahit hindi naman talaga.
"Excuse me?" I pardoned. "Ano'ng sabi mo?"
"Hindi ka naman siguro bingi para ipaulit sa akin ang sinabi ko, hindi ba?" she mimicked.
Now.. she knows how to talk back, huh? She's nowhere compared to me! Isa lamang siyang dumi sa talampakan ko!
"O gusto mo talagang ulitin ko iyon?" she added.
I laughed, like she said something funny. Actually, she's really funny. I know how weak she is. Kilala ko ang mga mahihina na nagkukunwaring matatag, matapang, o malakas kahit hindi naman. She's like that, acting brave and strong without her knowing that I know how weak she is. She can be an actress now; she can fit it, and she may be good at it. Pero ang kanyang akto at pagmamaang-maangan sa akin ngayon ay hindi uubra dahil kung ikukumpara siya sa akin ay walang-wala siya. I've got the power, she has not.
"Takot kang malamangan, Euxine Carolina Scarlet, hindi ba?" The corner of her lips rose like she said something that can amaze everyone.
I laughed again. "Takot malamangan? Ako? Are you sure about that, Sheen?"
She scoffed. "Takot ka naman talagang malamangan!"
I shrugged calmly. "Paano mo nasabing takot ako malamangan? Bakit? Nalamangan mo na ba ako? Kailan lang at bakit hindi ko alam?"
Namula siya sa sinabi ko. Some of our classmates blurted out a laugh. I smirked at her when I saw how she felt embarrassed. Namataan ko pa ang kanyang kamao na kumuyom. Kung hindi lang pumagitna ang guro namin at pinigilan ang tensyon sa pagitan namin ay baka kung saan pa umabot ang nangyari. Hanggang matapos ang klase namin ay tahimik na lamang si Sheen. 'Yan kasi ang nababagay sa mga bida-bida, eh!
Sana, bago niya ako niyabangan at inangasan, may nilamang na siya sa akin. Pero paano 'yan? Wala, eh!
When the class ended, I opened my social media account and saw some posts from my friends. Napakunot ang noo ko nang nakitang may iilang videos pa sila na enjoy na enjoy talaga sila. In some posts, they are dancing in the club, having fun, and enjoying the party. Meanwhile, in their other posts, they are in a private restaurant. Sa photos at videos na naka-post ay kompleto sila, ako na lang kulang. Kailan ito at bakit wala akong alam tungkol dito?
I immediately looked for our group chat on messenger, but there was no message from them about that. Kumunot ang noo ko at naisip kung paano sila nakapag-bonding na sila lang at wala ako, paano sila nagkausap kung ganoon? May ibang group chat ba sila na wala ako? My heart skipped thinking about that. Of course not! Ito lang ang GC na mayroon kami kaya sigurado akong wala silang iba pang GC!
"Lumabas kayo kahapon?" I cannot stop myself from asking my friends about that during our break time. They just looked at each other, like I said something they didn't like. "Bakit hindi n'yo 'ko inaya na sumama sa inyo kung ganoon?" I added when no one answered my first question after a few minutes.
Kumibit-balikat lang si Miley at tumingin sa akin. "We didn't ask you na, Yuna, kasi alam naman namin na hindi ka sasama."
Umawang ang bibig ko roon. I cannot believe it! So they really went out and had fun without me?! Are they serious?! And whether I'll go or not, sana inaya pa rin nila ako! They're my friends, right? It was so unfair na sila-sila lamang ang nag-aanyahan at ni isa sa kanila ay hindi man lang ako naisip!
YOU ARE READING
Chasing the Wild Waves (Student Series #1)
RomanceStarted: January 22, 2024 Ended: March 14, 2024 SS #1: Chasing the Wild Waves The differences between Gen Z, the Alpha Generation, and previous generations like the Lost Generation and Millennials are notable, mula sa pananamit hanggang sa pananaw...