Seth and I ended that way.
Honestly, he's my type, and I like him, pero ang ayaw ko lang ay iyong nakikialam siya sa mga kaibigan ko. I don't like the way he talked about them. It's better this way anyway. Sa lahat siguro ng lalaking dumaaan sa akin, si Seth lang ang nagustuhan ko talaga, pero hindi pa rin mababago na katulad pa rin siya ng ibang lalaki para sa akin.
I like him, but that's all. I am attractive to him, I admitted, but if I compared him to other guys, he's the same as them. Parang wala rin naman sa akin iyong nangyari sa amin ni Seth dahil sanay na ako roon. Umuwi na lang ako na pinalagpas na lang iyon.
"Ano 'yong nabalitaan namin na may boyfriend ka naman, anak?" si mommy nang maghapunan kami.
I tilted my head and glanced in Ryder's direction. He's looking at me like he's waiting for my answer. Inirapan ko siya at nilingon si mommy. Masyado silang abala ni daddy sa trabaho noong nakaraan, kaya hindi na nila ako napagtuunan ng pansin. Ngayon lang din yata nila nasagap ang balita na tungkol sa amin ni Seth. Well, hindi naman naging kami no'n. Plano ko pa naman na ipakilala siya sa parents ko kinalaunan, kaso hindi na sayang pa iyon. Marami pa namang iba riyan.
"I heard from my men that this is a serious one," said my dad. "Araw-araw raw kayong nakikita ng mga tauhan ko na magkasama kayo. Totoo ba iyon, Carolina? You're now in a serious relationship?"
Sumulyap ako kay Ryder at natagpuan siyang nakatitig pa rin sa akin. Kung bubulagin ko na lang kaya itong lalaking 'to? Kanina pa 'to titig na titig, ah? Inismaran ko siya dahil mukhang naghihintay rin siya ng sagot mula sa akin. He silently watched me as he took a sip of his drink. Tumikhim ako at bored na tiningnan si daddy.
"Carolina, totoo ba iyon?" he questioned impatiently. "Are you getting serious? What is the guy's name again, Carolina?"
"Seth Mendiola," si mommy ang sumagot. "I investigated about him. He's from a nice family, huh. His father is a politician, and his mother is an Ob-Gyne. I heard that he's a nice guy, too, Carolina, but he's not the same as Ryder." Bumaling si mommy sa direksyon ni Ryder na tahimik lang.
"Carolina, kung magseryoso ka man sa isang lalaki, siguraduhin mong mabuting lalaki iyon," dad butted in before drifting his eyes to Ryder also. "Itong si Ryder. Matalino, masipag, mabait, matino, lahat ng kabutihan ay nakikita ko sa batang ito."
Napangiwi ako sa mga sinabi ni dad. He really likes that fucking nerd, pagdating naman sa akin ay ang baba na ng tingin niya. At isa pa. Bakit niya ba nilalakad sa akin ang lalaking ito? Ganoon niya ba talaga kagusto ang lalaking iyon para ihantong sa ganito?
"If I were you, Carolina, I would choose a guy like Ryder," si mommy naman.
I scoffed. "Good thing that you are not me then, mommy."
"Carolina!" Tumaas ang boses ni dad dahil sa tonong ginamit ko. "Nagsisimula ka naman! Ang ayos ng usapan natin!"
"Maayos?!" Pagak akong tumawa. "Dad, nilalakad ninyo ako sa lalaking gusto ninyo, pero hindi ko naman gusto!" Dinuro ko si Ryder. "He's nowhere near my type of guy! Why are you shipping me with him? I deserve better!"
"Isa pa talaga, Carolina!" suway ni dad. "Masyado ka nang bastos sa amin ng mommy mo, sa harap ng pagkain, at kay Ryder! Apologize to us, Carolina! Huminga ka ng tawad sa amin at kay Ryder!"
Nanlaki ang mga mata ko roon. "What? No way, daddy!"
"Sinasabi ko, Carolina! Huwag mo 'kong—"
"Tito..." Good thing that Ryder cut him off. Nabibingi na 'ko sa boses ni daddy, eh. "Ayos lang po kung hindi siya hihingi ng tawad sa akin, sa inyo na lang po."
Mom shook her head, disliking Ryder's suggestion. "No, hijo. This child should learn to apologize because she's at fault."
"What child, mommy? I am not a child!" iritadong sabi ko. "And why would I apologize? Bawal na ba ngayong magsabi ng totoo? Eh 'di ano'ng gagawin ko? Magbabait-baitan? God!"
"Carolina!" bulyaw ni daddy sa pangalan ko. "Stop testing my patience!"
Padabog akong tumayo at padarag na binaba ko ang hawak kong kubyertos. Nawalan na ako ng ganang kumain. Patapos na rin sana ako, kaso ayaw kong kumain kung ito man lang ang pag-uusapan sa hapag. Dad is a short-tempered kind of man. Palagi rin kaming hindi nagkakasundo dahil sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko ay hindi niya talaga nagugustuhan iyon.
YOU ARE READING
Chasing the Wild Waves (Student Series #1)
Roman d'amourStarted: January 22, 2024 Ended: March 14, 2024 SS #1: Chasing the Wild Waves The differences between Gen Z, the Alpha Generation, and previous generations like the Lost Generation and Millennials are notable, mula sa pananamit hanggang sa pananaw...