Kabanata 11

364 5 0
                                    

The next few days are my hectic days. It was such a good thing na hindi na nagtagal pa ang pagiging papel ni Ryder sa amin bilang sub ni Mr. Baldo.

Three days siyang nag-handle ng klase kaya kung kailan siya nariyan ay hindi ako pumapasok sa klase. Abala ako sa pagpra-practice namin ng mga pinsan ko. Matapos kasi ang klase ay sinusundo nila kaagad ako para sa practice namin. Minsan nga ay sa condo na lang kami ni Eyo natutulog, mabuti nga kung ganoon dahil hindi ko minsan nakikita si Ryder.

"You can't come with us again?" Bakas ang pagtatampo sa boses ni Coth nang itanong niya iyon sa akin. "May practice na naman kayo ng mga pinsan mo?"

"Wala raw ngayon at sa susunod dahil busy na sila, nitong mga nakaraang araw lang kasi sila avail kaya ganoon," paliwanag ko sa kaibigan.

"Yuna, ipakilala mo naman ako sa isa sa mga pinsan mo, oh," said Shovie.

Tumawa ako at umiling. Some of my cousins may be interested in girls, pero hindi nila kayang patulan ang mga kaibigan ko. Napatigil na lang kami ni Shovie nang marinig namin si Kairi na sumipol. Nilingon namin siya at natagpuan na may kinawayan siya at nginisihan. Hinanap ng mata ko kung sino iyong kinawayan niya at nakita ang babaeng pamilyar sa akin. She looks familiar. Siguro madalas kong nakikita itong babae sa loob ng campus.

Sinuri ko siya ng tingin. She looks so weird for me. What's with the black clothes? Is that her fashion? Kung ganoon, ang pangit naman ng fashion niya! I really hate black colors, and I can say that color isn't attractive to me. She's wearing a black top covered by a black coat, paired with her black skirt and her black stilettos. Did the guards outside let her in wearing those weird things? Umirap ako sa gawi niya at umiling. I don't like her. Dagdag pa iyong kanyang sobrang itim na kulot niyang buhok at ang suot niyang glasses!

"Hindi ko talaga alam kung bakit desperada iyan sa pinsan mo," si Kairi. "Eh, halos kalahati rito sa campus ay gusto siya," dugtong niya.

"Excuse me?" Umangat ang kilay ko roon. "How come some of the men here like her? Ang pangit niya kaya!"

"She's attractive, Yuna," said Coth. "Maganda siya, kaya hindi nakakapagtaka na maraming nagkakagusto sa kanya."

"How can you be sure of that?" tanong naman ni Marilyn. "I heard na mangkukulam daw iyan? Baka manggagayuma rin iyan kaya maraming nagkagusto na lalaki riyan?"

"But we cannot deny the fact that she's still beautiful," giit ni Kairi. "Hindi ko alam kung totoo nga iyan o baka haka-haka lang na mangkukulam siya. Rumors are just rumors, guys."

"Hindi naman kakalat ang isang isyu nang walang dahilan, hindi ba? Maybe it was true that she's a witch?" Umiling si Marilyn.

"Huwag na nga natin siyang pag-usapan," si Joshua naman.

"Right! Wala naman siyang koneksyon sa buhay natin." I rolled my eyes and glared in the girl's direction.

Diretso lang ang lakad niya at hindi pinansin ang mga matang nakamasid sa kanya. Hindi niya rin pinansin si Kairi na kumaway sa kanya kanina. Is she used to that? Why are people staring at that bitch? Hindi hamak mas maganda pa ako sa babaeng iyan! Mukhang mayabang at akala mo kung sino!

"Wala siyang koneksyon sa amin pero sa 'yo mayroon," natatawang sabi ni Kairi.

Kumunot ang noo ko. "What do you mean by that? Is she part of my family? Ang labo naman yata?"

Humalakhak si Josh at inakbayan niya ako. "Chill, hindi siya parte ng pamilya mo."

I lifted my head to look at him. "Eh, pa'no ako nagkaroon ng koneksyon sa babaeng iyon, huh? Mas maganda pa ako roon at mas magaling magdamit!"

Chasing the Wild Waves (Student Series #1)Where stories live. Discover now