Kabanata 37

390 3 0
                                    

"That girl has a crush on you?" I asked. "Baka lahat yata ng lalaki ay crush niyon? Malandi iyon, eh!"

"Scarlet," saway sa 'kin ni Ryder.

Matapos iyong eksena ay hinatak na ako ni Ryder palayo sa babaeng iyon. He just paid for the clothes, and we left after that. Dala niya ngayon ang mga pinamili naming damit at naglalakad-lakad na lang kami. Mabuti dahil hindi sumunod sa amin iyong malanding Zacha na iyon dahil sigurado akong sasabunutan ko na talaga iyon. Mabuti nga't sampal lang ang naabot niya sa akin.

"Hindi mo dapat ginawa pa iyon," pangaral ni Ryder sa akin.

"She's fucking flirting with you, can't you see?" I said back. "And you just told me, umamin sa 'yo ang babaeng iyon na crush ka niya."

"That was a year ago, Scarlet, at isa pa.. hindi lang siya sa akin umamin, kay Seth din at sa iba ring lalaki pa," paliwanag niya.

I scoffed. "Malandi nga talaga ang babaeng 'yon. Malandi rin naman ako, ah? Pero siya.. sumobra na, tss. Kailan kaya magbabago ang babaeng 'yon?"

"Magbabago 'yon kapag makita na niya ang lalaking para sa kanya," he said laughingly.

"I don't think so," I argued. "May lalaki pa bang para sa babaeng 'yon? Gosh, parang wala naman yata?"

Umiling na lang si Ryder sa akin. "Hayaan mo na, let's not talk about her."

Ryder held me in the middle of our walk. Ngumuso ako at pinagsalikop ang mga daliri namin. I can feel the beat of my heart because of his simple gesture. Nahihiya na talaga ako para sa sarili ko. Pansin niya rin kaya kung gaano ako kaapektado sa bawat galaw niya?

I looked around and caught some people looking at us. Mabilis silang umiwas ng tingin at ang iba ay nagbulungan pa. If I were that old Yuna, I'm sure I'd made a scene here.. but that was an old me.. I have done with my childish and immature phase. I love peace now and silence, just like waves in the oceans. People are considering it as peace. It's my choice now to be at peace. I have thrown away my immature self.

"Mag-e-eighteen na pala ako, 'no?" I said in the middle of our conversation. "Ilang buwan na lang," I added.

He smiled. "What's your plan for your birthday?"

"Uhm, kung ano'ng plano nina mommy at daddy sa birthday ko, ayos na sa akin," I answered. "But my birthday is also our wedding day, right?"

Halata ang gulat sa kanyang mukha sa bigla kong sinabi. Tumawa ako at tumingkayad saka ginawaran siya ng mabilis na halik sa kanyang labi. He chuckled and tightened his grip on my hand. Ngumiti ako at sumandal sa balikat niya habang naglalakad kami. I don't care if some people are looking at us.

"Ang mga kabataan talaga sa panahon ngayon, kaya maagang nabubuntis, eh." Narinig kong sabi ng isang babae na mukhang nasa 40s.

Nagkatinginan kami ni Ryder dahil pareho naming narinig iyon. O sinadyang pinarinig iyon sa amin? Sabay rin kaming umiling dalawa. We don't care about what other people say or think about us. Ang mahalaga ay wala naman kaming ginagawang masama ni Ryder ngayon at wala kaming inaapakang tao.

"Hayaan mo na kung ganyan sila mag-isip," ani Ryder sa 'kin. "Hindi talaga maiiwasan 'yan."

People should stop thinking that way. Hindi naman kasi lahat ng mga katulad namin ay katulad ng iniisip nila. Kailangan na talagang alisin sa isipan ng mga tao ang ganoong bagay.

"Let them be," is the only thing I can say.

"Uh..." He cleared his throat. "Iyong tungkol sa sinabi mo kanina," he started.

"Yeah, what about it?" Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

His jaw moved as he swallowed hard, and he lowered his gaze to me. "Are you really sure to marry me on your birthday? You're still young at that age. Puwede rin naman saka na.. iyong stable na tayo sa lahat."

Chasing the Wild Waves (Student Series #1)Where stories live. Discover now