Kabanata 42

310 4 0
                                    

Miley, Marilyn, and Shovie got expelled and banned from school. Starting from that, students are avoiding me more.. not because they're scared of me.. but because they felt disgusted with me. The three friends who left to me also avoided me. Hindi na ako kinakausap nina Joshua, Kairi, at Coth. Sa tuwing nakakasalubong ko sila ay umiiwas sila sa akin.

Time flies so fast. Days become weeks, and weeks become months, until months become years. I never see Ryder anymore. Hindi na siya nagparamdam at hindi na rin siya nagpakita pa sa amin.. sa akin... I wonder what he said in his letter to my parents when he left. I wanted to ask my parents about it, pero natatakot ako.. naduduwag ako. Hindi na rin namin napag-usapan nina mommy at daddy si Ryder. Hindi sila nagbabanggit pa ng kahit ano tungkol kay Ryder.

Sa mga nagdaang taon ay tanging pag-aaral at ang gigs ko kasama ang mga pinsan ko ang pinagkakaabalahan ko. Most of the time, I was with them. Minsan ay nagsli-sleep over na lang ako sa condo ni Eio Calhyl. Nalilipasan ako ng gabi roon dahil sa kapra-practice namin, ang mga pinsan ko na lang din ang nagpapaalam sa mga magulang ko para sa akin. Kung saan-saan na rin kami napapadpad dahil sa pagbabanda namin. We became the talk of the town because our band name, I-deols, became popular. Kilala na rin ang banda namin kung saan kami magpunta.

"Ayusin mo naman ang pagigitara mo, Yuna," saway sa akin ni Yuki.

"I am doing my job well!" iritado kong sabi sa kanya. "Pinag-aaralan ko pa nga iyong ibang cords sa kanta dahil hindi ko pa kabisado, eh!"

Ilang taon kong pinag-aaralan ang pagigitara pero masyadong mahina pa rin talaga ako rito at hindi pa talaga ako ganoon ka galing. Minsan ay ginagabayan ako ni Yuki kung paano ayusin ang mga daliri ko sa pagigitara. For years, they've been the only ones who were there for me when I had no one to lean on. Simula kasi nang nawalan na ako ng kaibigan ay hindi na rin ako nagkaroon pa. I have learned my lesson, and I don't want to have a friend anymore. My friends betrayed me and did something terrible to me. Sapat na sa akin ngayon ang mga pinsan ko.

I've been with them, but I don't know the flow of their lives. Hindi naman namin pinag-uusapan ang buhay nila dahil mas inaabala namin ang sarili namin sa gig namin. Wala akong alam kung ano na ang nangyayari sa buhay ng mga pinsan ko dahil hindi rin naman sila nagkukuwento pero nasaksihan ko naman ang paghihiwalay nina Euro at Carrie dahil mayroong third party. Saktong araw ng kasal na nila no'n pero hindi natuloy iyon dahil sa babaeng nabuntis ni Euro, hindi na lang ako nakiusisa pa dahil kinalaunan ay bigla ring nawala iyong babaeng nabuntis daw ni Euro pero hindi naman daw. Ay aywan ko. Ayaw ko na rin makialam pa sa buhay nila. I just want to live my life.

"I have been dreaming,

thinking and loving you, baby...

As the time goes by,

I feel so alive."

Tumingin ako kay Euan na nakapikit habang kinakanta iyong part niya. Napatawa ako sa kanya. He looks like he's broken-hearted, or is he? Ilang taon din siyang nawala. He just told us na nangibang-bansa raw siya. Hindi ko alam ang dahilan, pero noong nakaraan lang siya umuwi at sumali kaagad sa aming bawat gig. Pinagmasdan ko siya. Parang may nagdaan na sakit sa kanyang mga mata kahit iyong lyrics ng kanta ay hindi naman para sa mga bigo. May pinagdadaanan ba 'to? I wonder how a man fell in love. Gusto kong matuklasan iyon kasi dati.. hindi ko iyon napansin kay Ryder.

"You can touch me,

You can hug me,

And you can kiss my lips."

We focused on our goals as a band. We became the band of the university. Nakikipag-contest pa kami sa ibang universities. Second-year college na ako at fourth-year naman ang ibang mga pinsan ko samantalang si Euro naman ay third-year dahil tumigil siya noong second-year siya, hindi ko alam kung ano ang dahilan.

Chasing the Wild Waves (Student Series #1)Where stories live. Discover now