Kabanata 12

363 5 0
                                    

"My parents favored me," he started. "They want their names to stay clean. Our father is a politician. Pareho kami ng ama ni Astride pero magkaiba kami ng ina. Sabay rin na nabuntis ang ina namin kaya halos magka-edad kami ngayon, buwan nga lang ang tanda ko sa kapatid ko."
 
"Oh," is the only thing I can say.
 
"Dad requested that we should keep about Astride because I was already known as his son. Wala namang nakakaalam na anak niya rin si Astride. That's why Astride is living with us. We still treat her as a family pero sa labas ay pinapalabas namin na kami dahil iyon ang utos sa amin ni dad. Astride couldn't do anything about it, too. Especially that she's into someone right now. Kaso nasa mata pa rin ng lahat na kami kaya ganoon..."
 
Tumango-tango ako sa sinabi niya. This was the first time I heard a story about someone else's life, and this was also the first time that someone personally told me about his life. Ang mga kaibigan ko ay nagkukuwento rin naman tungkol sa buhay nila, pero hindi ganito iyon kalalim.
 
"Anyway, may I ask? Sino ba ang lalaking gusto niyang si Astride?" I asked.
 
"Ryder Nathaniel Riydh."
 
Halos mabilaukan ako sa sariling laway dahil sa narinig. What?! Astride? Iyong babaeng mala-dyosa na iyon ay may gusto kay Ryder? Paano nangyari iyon? Ryder is not even the type of man that everybody's looking for! In fact, he's like a nobody for me!
 
"Sana..." He paused and licked his lips. "Wala kang mapagsabihan nito kasi.. nangako ako sa pamilya ko at kay Astride na wala akong dapat pagsabihan na iba tungkol dito."
 
"But.. you two are using different surnames, right? Sigurado ba kayong 'di kayo mabubuking?"
 
"Are you worried about it then?" he asked. Hindi rin kaagad ako nakasagot kaya tumawa siya. "Just kidding. Astride using her mother's name, ako naman ang gumagamit ng kay dad."
 
Isn't that unfair for Astride? If I were her, baka nagrebelde na ako niyan. I cannot imagine myself being denied by my father. Kahit na may galit ako kay daddy, malulungkot talaga ako kapag pagkaitan niya ako ng pagiging ama niya sa akin o ilihim man lang ako.
 
"Anyway, bakit pala kayo nandito?" I changed the topic.
 
"It was one of our classmates' birthdays," he answered. "Si Ryder nga ay napilitan lang na sumama dahil pinasok na siya sa sasakyan at dinala rito. Mabuti nga narito siya para makausap din siya ni Astride."
 
Napailing ako. "Napadalas pala ang pag-uusap nilang dalawa? Sa iyo ba, okay lang ba sa 'yo na si Ryder ay para kay Astride?"
 
Unti-unti siyang tumango. "Wala namang problema sa akin si Ryder dahil kilala ko naman siya at matinong lalaki siya."
 
Hindi na lang ako umimik doon. Matinong lalaki? He's not! Pinasok nga ako niyan sa kuwarto ko, eh! Marami pang ikinuwento sa akin si Seth maliban doon. I can say that he's quite talkative. Akala ko ba seryoso ito at tahimik? Bakit baliktad yata? Mabuti nga rin ay naaliw ako na makinig sa kuwento niya, kahit hindi naman ako masyadong nagsasalita.
 
The night just ended. Sumayaw lang ako saglit sa loob ng club at kinaumagahan na umuwi. I was sleepy and exhausted. I wanted to be absent, but I couldn't. Baka maghinala sina mommy at daddy. One thing is for sure, they wouldn't allow me to take an absence for a day. Mabuti nga rin dahil nang kumain kami ay walang binanggit si Ryder tungkol sa club.
 
"Inumaga ka na pala ng uwi, hijo," ani mommy habang kumakain kami sa hapag.
 
Tumango si Ryder. "Oo nga po, pero okay lang naman po dahil naaliw naman ako."
 
"Naku, mabuti dahil naaliw ka naman sa party ninyo kagabi. How was it?"
 
Wow! Just wow! Alam pala nina mommy at daddy na nag-party itong nerd na 'to? Tahimik ako habang nagkukuwentuhan sila. Iritadong-iritado rin ako kaya binibilisan ko ang pagsusubo ko. Pati boses ng lalaking ito, mas lalo akong ginagalit! I really hate everything about him! Kailan pa ba mawawala itong lalaking 'to sa buhay ko?
 
"Carolina is not allowed to go to clubs."
 
Eh 'di not allowed! Magrerebelde na lang ako!
 
Nilunok ko ang huling subo ko. Bakit kailangan pang isulpot iyon ni dad habang nag-uusap sila? Kumuha ako ng table napkin at tinap-tap iyon sa aking bibig para makuha ang dumi. My eyes darted in Ryder's direction, and I caught him staring at me. I rolled my eyes and continued eating. Can someone take this guy away from me? Kainis!
 
Good thing that I got busy with my studies for the next few days, so I have a reason to avoid eating with my parents and the nerd. Palagi akong nahuhuling kumain. Minsan ay sa school na lang ako kumakain, minsan naman ay nauuna akong kumain sa kanila. Malapit na kasi ang final grading namin at kailangan na naming ipasa ang ginawa naming research dahil iyon daw ang nagsisilbing exam namin. I studied all my notes, and I don't have much time to go out with my friends or bond with them. I just want to focus on my studies for now because I don't want to disappoint my parents.
 
"Uh.. more on sequence kayo?" tanong sa akin ni Seth habang nagbabasa ako ng aking notes sa Math.
 
Nilingon ko siya. "Yup, sabi kasi ng prof namin ay karamihan sequence ang lalabas sa exam, kaya ito ang pinagtutuunan ko muna."
 
"If you need help, I am here," he said.
 
I chuckled and shook my head. I don't need any help. Ever since then, I know I am independent. I can stand on my own, I can learn on my own, and I don't need anyone to help me. Nagbasa ulit ako ng notes, ganoon din si Seth sa aking tabi dahil sa nalalapit din nilang final exam sa second semester nila. Simula noong nagkuwento siya sa akin tungkol sa buhay niya, parang naging malapit na rin ang loob niya sa akin.
 
Most of the time, sabay kaming mag-recess, mag-lunch, at mag-aral dito sa library. Palagi niya rin akong sinusundo sa pagkatapos ng aking klase. Hinayaan ko naman siya subalit napansin kong napapansin din ng ibang tao ang closeness naming dalawa. Syempre, confused sila dahil sa pagkakaalam nila ay sina Seth at Astride. And I didn't tell anyone about their secret. Mabuti nga rin ay hindi ako inaaway ng Astride na iyon kahit na may galit sa akin iyon.
 
"Uh, Yuna, may tanong sana ako."
 
Pagkalabas namin ng library, iyon kaagad ang lumabas sa bibig ni Seth. He was holding his books together with my books. Siya raw kasi ang magdadala ng mga 'yon, sabi niya kaya pinagbigyan ko na. Inayos ko ang scarf ko sa aking leeg at binalingan siya.
 
"Ano 'yon?" I asked astonishingly.
 
He licked his lips. "May naririnig kasi ako, dati pa 'to at ngayon ko lang naisipan na itanong sa 'yo.. totoo ba iyong kumakalat na may gusto sa 'yo si Ryder?"
 
Umasim ang mukha ko sa narinig. That was what the rumors were about, but people knew how much I hated that guy to death. Kung siya man ang matitirang lalaki rito sa mundo, mas pipiliin ko na lang na maging madre kaysa makapiling siya. I am not sure if he really likes me, pero hindi naman imposible iyon dahil noon sa mga sinabi niya sa akin, may kakaibang pahiwatig iyon sa akin.
 
I shrugged. "I don't know about that nerd. Why did you ask?"
 
"Naririnig ko kasi sa iba na gusto ka raw niya," aniya. "Close naman kami kaso hindi ko siya matanong-tanong dahil masyado siyang seryoso. Dati rin kasi.. naalala ko, you rejected him in front of the other students?"
 
"What?"
 
Wala akong maalala na ganoon. Saglit akong napaisip at sumagi sa isipan ko iyong tungkol sa pagbili ni Ryder sa akin ng mga materyal na gamit. Baka iyon ang tinutukoy ni Seth? Kumibit-balikat na lang ako at hindi na ipinaliwanag pa sa kanya kung ano nga talaga iyong nangyari. Why should I explain it to him anyway?
 
"Wala," natatawang aniya at umiling na lang. "Huwag na lang natin siyang pag-usapan. Hali ka na, ihatid na kita sa sasakyan n'yo."
 
"You don't need to do that, Seth," I refused. "At isa pa, kaya ko namang pumunta roon na ako lang."
 
Yumuko siya. "I am sorry..."
 
Umiling ako. "Baka may iba ka pang puntahan, iyon ang inalala ko."
 
I didn't know how that day ended. On the next day, I woke up early and immediately fixed myself. Nagbihis ako at nag-make-up bago lumabas ng aking silid. Tumawag kaagad ako ng katulong para pag-utusan.
 
"Yes, po, ma'am?"
 
"Can you prepare my school things? Naroon sa loob ng kuwarto ko, at linisan din ang kuwarto ko dahil marami nang kalat doon."
 
"Okay, po, ma'am."
 
My eyes rolled when I noticed her uneasiness. Duwag talaga ang mga katulad nito, eh. I immediately went to the dining area at natigilan ako nang makitang naroon si Ryder, kumakain nang mag-isa. Akmang tatalikod na ako at naisipan na lang na huwag nang tumuloy nang lumingon siya sa gawi ko.
 
"Scarlet," he said, mentioning my name.
 
"May kailangan ka?" I asked, trying not to raise a voice.
 
"Kumain ka na, maaga ba ang pasok mo?" he asked.
 
Umismid ako. "Hindi ba halata? As you can see, I am now wearing my uniform."
 
Tumango siya. "Okay, kain ka na rito. Maaga akong gumising dahil ako ang nagluto."
 
Kumunot ang aking noo at tiningnan ang mga pagkain na nasa lamesa. All of it looked so delicious, but I shouldn't trust his food. Malay ko bang may lason iyan o gayuma? Baka gayumahin niya pa ako! Mas mabuti na lang na magutom ako, kaysa kainin iyang niluto niya!
 
"I didn't put any poison on the foods," pangunguna niya, mukhang nabasa ang laman ng isipan ko. "At kung hindi ka sanay na kasabay akong kumain, tatapusin ko lang 'to para makakain ka na."
 
"No need," I said irritatedly, and I sat on the seat far away from him. Gutom na 'ko, eh! Bahala na nga!
 
Tahimik kaming dalawa sa hapag nang magsimula na akong kumain. I wanted to ask him about my parents or where my parents are, but I don't want to open a topic. I will feel so low if I ever do that! Baka isipin niya pang gusto ko siya dahil kinausap ko siya.
 
"Your parents left early," aniya.
 
Nilingon ko siya sa pagtataka. How can he read my mind in just a minute? He continued eating without looking at me. Sa ngayong pagkakataon, ito ang unang beses na natitigan ko siya nang matagal.

His skin is very clear. Ano kayang gamit niyang sabon? Makapal naman ang kilay niya at ang kanyang pilik-mata ay sakto lang para sa isang lalaki. His nose is pointed. And his lips... Why is it so red right now? Did he put something on his lips? But why does it look normal?
 
"Bakit?"
 
Muntikan na akong tumalon sa kinauupuan ko nang inangat niya ang tingin sa akin at nagtagpo ang titig naming dalawa. My heart raced a little. Maybe because of the startle. Umiwas ako ng tingin at pilit na kinunot ang noo ko para ipakita sa kanya na iritado ako sa presensya niya. Fuck it! Did I watch him earlier? Baliw ba 'ko?
 
"I think you have something to ask me, Scarlet," he said.
 
"I don't," I denied without looking at him. "Kung mayroon man, sana kanina pa kita tinanong."
 
Tumango na lang siya at hindi na nakipagtalo pa. Mas lalo akong nairita sa kanya. Hindi ko talaga alam kung bakit inis na inis ako sa nerd na lalaking ito. Dagdag pang suot niya ngayon iyang glasses niya. Nakakabaduy! Is that really his fashion? Hindi ko talaga alam kung bakit may nagkakagusto pa rin sa kanya kahit na hindi rin naman siya ubod ng kagwapuhan!
 
"I have something to tell you," aniya mayamaya, binasag ang katahimikan sa pagitan namin.
 
I glared at him. "At ano na naman iyon?"
 
God! Don't tell me that he's going to confess his feelings for me? Yuck! Hindi ba nakakadiri iyon? Kinuyom ko ang kamao ko habang hawak ang tinidor. I lost my appetite. Parang ayaw ko na tuloy kumain dahil sa maaaring sabihin niya.
 
"Don't worry, hindi ito katulad ng iniisip mo," pangunguna niya sa akin. "May kuwento lang ako."
 
"I am not interested to hear that," I said irritatedly.
 
Umiling siya. "This won't take long, Scarlet."
 
Hindi ako nagsalita at kunwari hindi narinig ang sinabi niya. Nagpatuloy ako sa pagkain ko. I noticed that the foods were well cooked. Gusto kong puriin ang niluto niya, kaso inunahan ako ng pride ko. Bakit ko naman pupuriin ang niluto niya? Deserve niya ba iyon? Duh! Mahal pa sa buhay niya ang salitang papuri ko, kaya ano siya? Sinusuwerte?
 
"I have this friend," he started, but I ignored him. "Palagi siyang maraming iniisip at hindi niya sinasabi ang iniisip niya. Kahit na mayroon siyang maraming itatanong sa akin, mas pinili niyang ilihim iyon hanggang sa lumaki ang ulo niya at parang naging lobo iyon."
 
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Nag-angat ako ng tingin sa kanya, nagkaroon na ng interes na makinig sa kuwento niya. Napansin ko ang pagtaas ng sulok ng kanyang labi, pero kaagad din iyon nawala. Tumikhim siya at sumubo lang ng kanin. Hindi na ako nakapaghintay sa ikukuwento niya, kaya umepal na ako.
 
"What happened next?" I asked curiously.
 
"Huh?" He looked at me innocently. "Akala ko ba hindi ka nakikinig? Habang nagsasalita ako rito kanina.. parang wala lang sa 'yo."
 
"Nakikinig ako!" Tumaas ang boses ko. "Come on! Kuwento-kuwento ka 'tapos hindi mo itutuloy!"
 
"Because I thought you were not interested in hearing it," he reasoned out.
 
Tumagis ang bagang ko sa kanya. Alam ko kung bakit nagkakaganito siya! Gusto niyang marinig sa akin mismo na interesado ako sa kuwento niya! As if namang sasabihin ko iyon? No way! He sipped on his apple juice and chuckled. Is he fucking teasing me?
 
"Okay.. okay," agap niya, mukhang napansin niya na punong-puno na ako. "Ganito kasi iyon," he carried on. "Lumaki iyong ulo ng kaibigan ko at naging lobo na iyon, iyong mga iniisip niya kasi ay hindi niya sinasabi o nilalabas kaya hayun.. tumambak sa isipan niya."
 
"And then?" I asked, taking a spoonful of rice. "Go on!"
 
"Hanggang sa pumutok na ang ulo niya."
 
Napasinghap ako sa narinig. Nakatinginan naman kaming dalawa hanggang sa humagalpak siya ng tawa. Kumunot ang noo ko at doon na sumagi sa isipan ko na pinagtripan niya ako! Fuck it! At nagpa-trip naman ako sa kanya!
 
Gusto kong hampasin ang ulo ko dahil tinablan ito ng kabobohan. God! Kailan ba ako naging bobo? Oo nga naman! Ang labo ng kuwento niya! Bakit naman pala lalaki at lolobo ang ulo ng isang tao dahil lang sa maraming iniisip? Inirapan ko siya at padabog na tumayo. Hindi na ako nagdalawang-isip pa na talikuran siya at iniwanan. Bwesit siya! Gago! Nakakainis!

Chasing the Wild Waves (Student Series #1)Where stories live. Discover now