Kabanata 15

355 4 0
                                    

"I thought you were getting serious with him," si Eujin Charles.
 
Kasalukuyan akong nasa table nila ngayon dito sa cafeteria. It's recess time. Kumpleto kami ngayong lahat at may mga dala pa silang instrumento. Kanina kasi ay mayroong program sa mga seniors kaya tumugtog sila for intermission number. Hindi naman ako nakapanood o nakasali man lang sa kanila dahil may pasok ako.
 
Umismid ako. "That won't happen. Sa tingin n'yo ba may pag-asa talagang magseryoso ako? Really? I am not into serious relationships, boys, because nowadays, relationships are not stronger than what other people think."
 
"Matagal na nga kami ni Carrie," said Euro. "Siya lang din naman ang gusto ko. Ang relasyon ay nakadepende iyan sa tao, Yuna, kung patatagalin ba iyan o hindi."
 
Ngumiwi ako. "Ang hirap kayang mag-stay sa isang relasyon na wala ka namang gusto sa tao, hindi ba? At isa pa, I don't do serious relationships, I only do flings. Yeah, I admit that I liked Seth, but the fucking hell.. mabilis lang naman maglaho iyong pagkagusto ko sa kanya. I got turned off with him because he's such a desperate."
 
"Nagiging ganiyan naman talaga ang lalaki kapag gustong-gusto ka niyan, Yuna," si Eyo.
 
"Bakit? Ganiyan ka ba?" I asked.
 
He raised both of his hands. "Hindi, ah! Asa! Bakit naman ako magiging desperado sa isang babae? Ayaw ko niyan, 'no. Ang babae mismo ang magiging desperada sa akin, hindi ako."
 
"Mayabang." I rolled my eyes at him when he winked at me.
 
Sabagay, may maipagmamayabang din naman siya. Hindi na ako nagtagal pa sa table ng mga pinsan ko dahil tinawag ako ng mga kaibigan ko mula sa kabilang table. Lumapit kaagad ako sa lamesa nila at iniwanan ang mga pinsan. Inakbayan kaagad ako ni Josh at pinaupo sa tabi niya. Marilyn arched her brow toward me, as did Shovie and Miley.
 
"Ano iyong usapan na wala na raw kayo ni Seth?" excited na tanong ni Marilyn. "Wait.. hindi pala naging kayo. You ghosted him?"
 
Kumibit-balikat ako. "He doesn't like you all."
 
"What do you mean by that?" si Shovie.
 
"I told him to stay away from me dahil siniraan niya kayo sa akin kahapon," I explained.

Ganoon nga, ikinuwento ko iyong kahapon na nangyari sa amin ni Seth sa mga kaibigan ko. Sinabi ko rin sa kanila ang mga sinabi ni Seth sa akin na tungkol sa pagkaayaw niya sa kanila.
 
"Aba't! Gago siya, ah?" napamura si Coth sa mga narinig sa akin.
 
Tumango ako. "That's why I chose to dump him because he might be a reason, guys, na baka mag-away pa tayo. I would rather lose a guy than to lose any of you."
 
When the bell rings, we get back to our class. Dahil malapit na ang final grading ay naging abala na ang lahat. Humikab ako habang nagle-lecture ang guro namin sa harap. Ang boring ng klase. I wanted to end the class right away. Ilang beses ko pang nakita na pasulyap-sulyap ang prof namin sa gawi ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay at napailing naman siya. Pansin niya siguro ang pagiging bored ko sa klase niya.
 
I decided to check my social media account because I am not interested in our lesson for today. Pag-aaralan ko na lang iyan, bahala na. Everything is easy for me, though. Habang abala ako sa pagtitipa ng mensahe sa group message namin ng mga kaibigan ko ay may narinig akong pamilyar na pangalan galing sa aming prof.
 
"Good morning, Mr. Riydh. What can I help you, school president?"
 
Bumaling kaagad ako sa pintuan at saktong paglingon ko roon ay nahagip ako ng mga mata ni Ryder. I immediately looked away. He isn't wearing his glasses. Nakita na niya kaya iyon? At isa pa, ano namang pakialam ko? Fuck it, Euxine Carolina Scarlet! Ano na namang iniisip mo?
 
"Pinapapirmahan lang po ng dean, miss," he said in a lower voice. "Kung mayroon daw po kayong itanong na personal, pumunta lang po raw kayo sa dean's office, miss."
 
I really hated it because at our university, our school president is the same as the seniors. Sa susunod, magsa-suggest na ako na itulad na lang sa ibang schools na nahahati ang seniors sa juniors. We even have the same school dean for the seniors. Kaya palaging abala ang school dahil sa maraming hina-handle. Ano'ng klaseng patakaran ba ito at bakit ang officers ng seniors at juniors ay iisa? Mas mabuti na lang na hatiin dahil ayaw kong makita ang pagmumukha ni Ryder. I don't want to consider him our president, either. Napaka-undeserving!
 
"I have a lot of questions, actually," sabi ng prof namin. "Can you please take over the class for now, hijo? Pupunta muna ako sa dean's office."
 
Great!
 
Siya pa talaga itong pina-handle sa amin, ah? Some of my classmates giggled, and some looked in my direction. Alam nila kung gaano ako kadiri kay Ryder. Umirap ako at pinagkrus ang braso sa aking dibdib. Alam ng lahat na ayaw na ayaw ko talaga sa lalaking ito, kaya alam din nila na hindi ko gusto ang presensya nito. Sapat na iyong dati na nag-sub siya kay Mr. Baldo!
 
Dagdag pang kalat na kalat dito sa campus iyong pagkagusto niya sa akin! People might think that it would be awkward that he's taking over the class, but for me, I don't fucking care. Bored na nga ako sa klase at uwing-uwi na ako, dagdag pang siya ang pina-sub sa guro namin ngayon.
 
"I have to pick a name from the list who will answer my question," said Ryder at the middle of his discussion.
 
"He's good at delivering his words. Bagay siya na maging professor, 'no? Sana siya na lang ang professor natin." Dinig kong sabi ng kaklase kong nasa unahan ko lang.
 
I kicked the butt of her chair because of that. Napalingon siya sa akin at kaagad na tinikom ang bibig. Umiling ako at ngumisi. Iyan ang napapala ng babaeng nakakairita. Really? She wanted Ryder to be our professor? Tsk! Hindi bagay! Walang pangit na prof dito!
 
"Euxine Carolina Scarlet Zeigler."
 
Silence filled the room when he mentioned my name. Masamang tingin ang pinukol ko sa kanya. Ano naman ang kailangan niya sa akin? At talagang sa gitna pa talaga ng klase niya babanggitin ang pangalan ko, ah? My classmates are now looking at me.
 
"What?" I asked.
 
"Come in front. I have a question about the lesson that you have to answer," he said.
 
Tumawa ako, nanunuya. "What if I won't answer your question? Nakita mo naman na hindi ako nakikinig, hindi ba? Kaya hindi ko alam ang magiging sagot sa maaari mong itanong."
 
He shrugged. "Kaya dapat nakinig ka para alam mo ang magiging sagot."
 
Mas lalong tumalim ang tingin ko sa kanya. "What if I won't? I am not interested in the topic, though. Ano? Pipilitin mo 'ko?"
 
Napaubo ang mga kaklase ko sa sinabi ko. Some of them looked like they wanted to leave the room so that they could give us privacy, but hell, I don't need that. My classmates should be the witnesses of the reason why I don't like this guy. I cannot say that he's a nerd today since he wasn't wearing his glasses. Bumuntonghininga siya at tumalikod sa amin. He just erased what was written on the board. Tumayo ako at naghanda nang umalis sa clase. I am getting bored here!
 
Lahat ng mga kaklase ko ay bumaling sa akin. My friends just smirked at me. I flipped my hair as I gathered my things and prepared myself to leave the room. Humakbang lang ako ng dalawang beses bitbit ang bag ko ay saka humarap si Ryder. Ang kanyang tingin ay dumapo kaagad sa akin at sa suot kong bag. He knotted his head as he lowered his head onto his wristwatch to check the time.
 
"Hindi pa tapos ang klase, Miss Zeigler," pormal niyang sabi. "Bumalik ka sa upuan mo dahil may ipapasagutan ako sa inyo."
 
"What?" Napatawa ako sa pagiging bossy niya. "Bakit naman kita susundin?"
 
"Learn to place your attitude, Miss Zeigler," he said in a monotone. "You should at least respect me because, after all, I am your instructor, even for today. Not because you don't like me, you will disrespect me."
 
Natagis ang bagang ko sa narinig sa kanya. Matalim ang tingin na pinukol ko sa kanya, pero binalewala niya iyon. Kinuha niya lang ang libro sa teacher's desk, saka siya nagsulat sa may board. I looked around the room. Isa-isa kong pinukol ng masamang tingin ang mga kaklase kong nakatingin sa akin. I sighed in defeat and just settled down. I got back to my seat, took my things out of my bag, and placed them all on my table.
 
"Since Miss Zeigler is not interested in answering my question," panimula ni Ryder matapos siyang magsulat ng kung ano sa board. Umirap ako sa gawi niya. "I want you all to copy and answer the following questions on board on one whole sheet of pad paper. Answer each item for at least five to eight sentences. If you're done, you can leave the room."
 
Kumuyom ang kamao ko saka naglabas ng papel at ballpen. This is crazy! Wala akong alam sa klase dahil buong oras lumilipad ang isipan ko. I bit my ballpoint pen while staring at my blank paper. My friends asked me for a paper, and I immediately gave it to them. Inabala ko na lang ang sarili ko sa mga katanungan sa board. For all of my school years, ngayon lang ako nahirapan! All of his questions aren't really familiar to me, and he even used some unfamiliar words that maybe he mentioned earlier. I sighed and shook my head in dismayed. Bahala na!
 
"Pst! Yuna!" Marilyn called me. Nasa kabilang column siya, pero malapit naman sa akin.
 
Nilingon ko siya. "What?"
 
"Alam mo ba ang answers?" she asked.
 
Umiling ako. "Hindi ako nakinig kanina."
 
Napatampal siya sa kanyang noo. "Bullshit," she whispered a curse. "Bakit kasi 'di ka nakinig kanina?"
 
Pinandilatan ko siya. "Malay ko pa lang magpapa-test 'yang nerd na 'yan?"
 
"Fuck it, sino kaya ang nakapag-take down notes kanina? Nabanggit ni Ryder kanina 'yong mga sagot, eh," she said irritatedly.
 
"U-Uh.. Yuna," Jaze, my seatmate, called me.
 
"What?" Iritado ko siyang nilingon.
 
Si Jaze ang kaklase kong hindi masyadong nagsasalita, halos mabilang lang ang mga salita sa bibig niya. At ngayon, ito ang unang beses na tinawag niya ako. For all of the school year, he never talked to me or called my name. Tiningnan ko siya at nakita kong inaabot niya sa akin ang papel niya. Puno na ng sulat ang kanyang one whole sheet. Walang pag-alinlangan na tinanggap ko iyong papel niya.
 
"You can copy my answer," he said.
 
"Okay."
 
Ganoon nga ang ginawa ko. Matapos kong kopyahin ang kanyang sulat ay binalik ko kaagad iyon sa kanya. Nauna siyang magpasa sa akin, sinadya kong paunahin siya para 'di halata. Ryder is busy reading something in the textbook, kaya hindi niya napansin kanina na may sinusundan akong papel. I waited for my other classmate to pass a paper, isa sa mga pabigat kong group mate sa Research ang nagpasa ng papel kaya roon ko na naisipan na sumunod.
 
I confidently stood up. Ang mga kaklase ko ay napatingin sa akin. Tinaas ko ang aking papel para ipakita sa lahat na tapos na ako. My eyes suddenly darted onto the teacher's table. I found Ryder's watching me while I was heading in his direction. Confident kong nilapag ang aking papel sa teacher's table at ngumisi kay Ryder na titig na titig sa 'kin. Let's see if you have insulation after this, Ryder. Kinuha niya ang aking papel na nilapag ko sa lamesa upang basahin niya iyon katulad ng ginawa niya sa ibang papel na ipinasa ng mga kaklase ko.
 
Wala pang limang segundo ay inabot niya sa akin ang papel ko. Tinaasan ko siya ng kilay. He really likes pissing me off, huh? Marahas kong kinuha ang papel kong inaabot niya at tiningnan iyon kung may mali ba.
 
"Kung kokopya kayo sa katabi ninyo, siguraduhin ninyong hindi n'yo makokopya ang pangalan nila," ani Ryder sa klase.
 
Nag-init ang aking pisngi sa sinabi niya. Lalo na't may narinig akong tawanan mula sa mga kaklase ko, pero kaagad din humupa dahil sa tingin na iginawad ko sa kanila. Huli ko nang napagtanto kasi na hindi pangalan ko ang naisulat ko sa aking papel kundi kay Jaze! Oo! Kay Jaze pangalan ang naisulat ko! Kapag minamalas ka nga naman! Tumiim-bagang ako at hinarap muli si Ryder. It was really embarrassing, but I have to cover my embarrassment! Pinakapal ko ang mukha ko at malamig na tiningnan si Ryder.
 
"Ikaw," I said and pointed his face. "Bago ka rin mang-akusa na kumopya ako sa katabi ko, siguraduhin mong totoo iyang paratang mo sa akin. Hindi ba puwedeng namali lang ang sulat ko?"
 
"Bakit? Jaze Hilario ba ang pangalan mo?"
 
Mas lalo akong namula roon. "Natural, hindi! Pero kay Jaze ako humingi ng papel! Malay ko bang may pangalan na niya roon?"
 
His lips rose in amusement when he heard my answer. Hindi talaga ako magpapatalo! I will never let this man win over me! Bumuntonghininga siya at inabutan ako ng ballpen at correction tape.
 
"Palitan mo na lang," he said, surrendering.
 
I smirked and took the correction tape and ballpoint pen from his hand. Medyo nahawakan ko pa ang kanyang kamay. Malamig iyon, hindi ko alam kung bakit. Hindi ko na lang pinagtuunan iyon ng pansin at pinalitan na lang ang pangalan ni Jaze sa papel ko. Ryder just watched me and let me change it. Mabilis kong inabot iyon sa kanya matapos kong palitan iyon ng pangalan ko.
 
"You can leave now, Miss Zeigler."
 
Ngumisi ako at bumulong, "Talagang lalabas na ako dahil nakakairitang makita iyang pagmumukha mo."

Chasing the Wild Waves (Student Series #1)Where stories live. Discover now