Kabanata 18

287 2 0
                                    

"About last night," I started when I noticed that he'd been staring at me for so long. "Hindi ko 'yon sinasadya..."

Tiningnan ko siya. He looks better than okay now. Parang wala lang nangyari kagabi. May roon siyang mga bandage sa kanyang mga braso at kamay, pero mukhang maayos naman siya ngayon. Nakangiti na siya, parang napawi na lang tuloy ang konsensyang nararamdaman ko.

"Pumunta ako rito kasi hindi ka kumuha ng exam n'yo," I continued. "Akala ko kasi hindi ka pa okay, baka isisi pa sa akin ng lahat kapag mamatay ka."

"I excused myself to our professors, and they allowed me to take a special exam," he explained. "Don't worry, I am okay now."

"I am not worried," I corrected him defensively.

Tumikhim siya. "Okay, hindi ka na worried. Uh.. peros ayos naman ako, mga sugat lang naman ang natamo ko, malayo 'to sa bituka. Your parents just insisted to bring me to the hospital, pero kaya ko namang gamutin ang mga sugat ko na ako lang."

"It's better this way. You should be checked," I told him and looked away.

Gusto kong takpan ang bibig ko. Naparami na ang sabi ko! Muntik ko nang makalimutan na ayaw ko pala sa lalaking ito! Why do I sound like I care so much about him? Baka ano pa ang isipin nito, eh!

Ngumiti siya. "Ayos na ako ngayon, Scarlet, okay na ako."

"Oo nga, ayos ka naman pala. Sana hindi na lang ako pumunta rito," I said.

Tumaas ang sulok ng kanyang labi sa sinabi ko. Imbes na mainis sa sinabi ko ay napangiti pa siya. I avoided his gaze again. My lips turned into a thin line. I couldn't equal his smile. Umismid lamang ako at tumuwid ng tayo. He tapped the space beside him, urging me to have a seat. I shook my head as I refused. Ayaw kong tumabi sa kanya! He made me uncomfortable!

"Okay na ako ngayon kasi bumisita ka," mas klarong sabi niya at nilingon ang lamesang pinaglagyan ko ng dala ko. "At salamat sa dala mo, kakainin ko 'yan mamaya."

Mariin akong napapikit at naisip ko iyong narinig sa mga kaibigan ko kanina. Should I ask him why did he cover me up? Bakit niya naman kasi ginawa iyon? Sana sinabi niya na lang ang totoo para sa ikasira ko. Hindi ba siya galit sa akin sa ginawa ko sa kanya?

"May narinig pala ako," I said, trying to stick to my normal voice. "Uhm.. kasi sabi-sabi raw na sinabi mo sa group chat ninyo na naaksidente ka, iyon ang sinabi mo. Bakit hindi mo sinabi ang totoo? Na tinulak kita at ako ang may kasalanan kaya nandito ka sa ospital ngayon?"

Kumunot ang noo niya. "That doesn't matter, Scarlet. Maayos naman ako ngayon."

"Pero sana sinabi mo pa rin ang totoo. Bakit kailangan mo pang pagtakpan ako? Eh, kasalanan ko naman talagang umabot sa ganito iyon, hindi ba?"

Umiling siya. "I am at fault, too. I let you push me. Hindi naman aabot sa ganoon kung hindi kita hinayaang itulak ako, Scarlet."

"Kahit na, kahit bali-baliktarin man ang lahat, tinulak pa rin kita kaya nangyari 'to sa 'yo."

"Ano'ng sabi mo?! Tinulak mo si Ryder?!"

Halos manlaki ang mga mata ko nang bumukas ang pintuan at bumungad sa akin ang nangangalati na si Jasharee. Namumulang sinugod niya ako at hinila ang buhok ko. Dahil hindi na rin kinaya pa ng galit ko ang ginawa niya ay bumawi ko, sinabunutan ko rin ang kanyang kulot na buhok. Sinubukan ko rin na kalmutin siya para bitiwan niya ang buhok ko. Ryder stood up from his bed and tried to stop us.

"Jash! Scarlet!"

"Aray ko! Bitiwan mo 'ko!" sigaw ni Jasharee sa akin.

"No! You let me fucking go!" I harshly pulled her hair. "Gaga ka, ha!"

Chasing the Wild Waves (Student Series #1)Where stories live. Discover now