"Aanhin ko 'to? Mali-mali ang grammar ng isa kong kagrupo 'tapos 'yong isa namang nagpasa sa 'kin ng slovin formula, mali-mali pa ang pag-solve? Wala ba silang utak? Kairita!" reklamo ko habang chini-check din ni Ryder iyong ipinasa sa akin ng mga kagrupo ko.
"Their ideas are nice, Scarlet," he said. "Everyone is not good at everything, but everything can be learned. We don't have a right to judge people who cannot speak English fluently, people who are not good at Math solving, people who have grammatical errors, because we don't know their future, Scarlet."
I scoffed. "Pinapangaralan mo na ako ngayon? Why don't you just fucking leave my room and leave this to me? Masyado ka na kasing nakikisawsaw, eh."
He sighed. "Dahil hindi tama na nanghuhusga ka ng ibang tao, Scarlet. They may not be good at this group work, but maybe they're good at some other things."
Umirap ako. "Tabi ka na nga riyan! Ako na lang diyan, ang dami mo pang sinasabi, eh!"
Umiling lamang siya at hindi nagpatinag. I cannot do anything when he gets an idea from the parts sent by one of my group mates, and he types it himself. Hinayaan ko na lang siya at binabasa ang mga nilalagay niya sa research ko. Gusto ko man siyang husgahan, pero habang binabasa ko ang tinitipa niya sa laptop ko ay masasabi kong ang galing niya pala. Well, I won't say that baka lumaki pa ang ulo niya, eh!
For an hour, I was just busy watching him type some things on my laptop. He was good at delivering words; it seems like he doesn't need to paraphrase on an online platform the ideas he gets from my group mates because he already did it. Napalunok ako at gusto ko mang purihin siya dahil sa galing niya ay hindi ko magawa dahil sa pride ko. Tahimik lamang akong nakamasid sa kanya habang ginagawa niya ang research ko nang biglang bumukas ang pintuan ng aking silid at si daddy ang niluwa niyon.
"Dad," bati ko sa kanya.
He cocked his brow when he saw Ryder doing my research. Napatuwid ako ng upo nang lumapit si daddy sa gawi namin. Is he going to scold me because I'm not the one who's doing my research now?
"Carolina," mariin banggit ni daddy sa aking pangalan. "Hindi ka man lang ba nahiya kay Ryder? Siya na itong gumagawa pala ng research mo at ikaw.. nakaupo lang diyan, ni hindi mo man lang siya binigyan ng mauupuan?"
"Uh..." Napakurap-kurap ako sa sinabi ni daddy, pero hindi pa rin talaga ako kayang lamunin ng ego ko. "Dad, he insisted on doing my research, I never asked him to do it."
"God, Carolina! Even for once! Maging mabuti ka naman sa kanya!" Dad's voice raised.
Napatayo si Ryder at hinarap si Daddy. He smiled at him, assuring him that everything was okay with him. Umirap ako. Such an obsequious man! Kaya ayaw ko sa kanya, eh! Masyado siyang sipsip sa kina mommy at daddy kaya gustong-gusto siya ng mga ito!
"Ayos lang naman po, tito, at tama po si Scarlet.. ako po ang nagpumilit na gawin ang research niya," he said.
"Kahit na, hijo. Her behavior is really disappointing. Kahit sana binigyan ka man lang niya ng mauupuan," giit ni daddy.
Padabog akong tumayo sa kinauupuan ko, kaya sabay na bumaling ang atensyon nila sa akin. Walang pasubaling na lumabas ako sa aking silid at iniwanan sila. Bahala sila! Nakakainis na talaga sina daddy na puro na lang Ryder nang Ryder! Sana iyong nerd na 'yon na lang ang ginawa nilang anak!
"Carolina!"
Hindi ko napansin na sinundan pala ako ni daddy. Nilingon ko kaagad siya na nakasunod sa akin. He closed our distance right away and did not hesitate to slap my face. Yes, he fucking slapped my face! Mahapdi ang dulot niyon. I looked at him with wide eyes. He shook his head dismally. Sa titig ngayon sa akin ni daddy ay parang papatayin na niya ako sa galit. Ano na naman ba itong ikinagalit niya?!
YOU ARE READING
Chasing the Wild Waves (Student Series #1)
RomanceStarted: January 22, 2024 Ended: March 14, 2024 SS #1: Chasing the Wild Waves The differences between Gen Z, the Alpha Generation, and previous generations like the Lost Generation and Millennials are notable, mula sa pananamit hanggang sa pananaw...