Halos buong biyahe ay nakatitig sa akin si Ryder, hindi makapaniwala. Gusto ko siyang irapan, pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ako makatingin sa kanya dahil naiilang ako, pero sa gilid ng mata ko ay nakikita ko siyang nakatitig sa akin. Hindi ko na talaga nakayanan pa, nilingon ko na siya. Napawi ang iritasyon sa aking sistema nang magtagpo ang titig naming dalawa.
Sumikip ang dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag ang biglang naramdaman ko, pakiramdam ko ay tumigil ang lahat. Mabuti na lang ay siya ang naunang umiwas ng tingin at tumuwid ng upo. Pinagmasdan ko lamang siya. Nanginginig ang kanyang kamay na nilabas niya ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa.
"What about you? Ayaw mo bang ikasal ka sa 'kin?" I asked.
Napatingin siya sa akin, nakakunot na ang noo. "Hindi ganoon 'yon, Scarlet."
Napatawa ako sa reaksyon niya. "Oo pala, gusto mo pala 'yon kasi may gusto ka sa akin!"
Namula siya sa sinabi ko. He did not correct it or anything. Umiwas lamang siya ng tingin na namumula ang kanyang tainga't leeg. Umiling na lang ako kasi hindi ko na napigilan ang bibig ko at nasabi ko na lang bigla iyon. Hindi nga lang ako sigurado kung totoo ba iyon o hindi, pero kalat na kalat talaga iyon sa buong campus. Wala rin akong nababalitaan na may girlfriend siya o may nililigawan, so I assumed that it was true. Sina Astride at Jasharee lang naman kasi ang mga babaeng nakikita kong kasama niya paminsan-minsan.
When we finally arrived at school, manong immediately parked the car near the sidewalk. Umamba na akong lumabas, pero hinawakan bigla ni Ryder ang braso ko, pinigilan ako. I gazed at him, arching my brow. Bumaba ang tingin ko sa pagkakahawak ng kamay niya sa braso ko kaya kaagad siyang bumitiw.
"Sorry," he apologized, almost an immediate.
"What is it?" sa halip ay tanong ko.
"Uh.. may baon ka pa ba? O baka.. ubos na iyong pera mo?"
I tilted my head a bit to look at him well. "Bakit? May pera bang ipinapabigay si daddy?"
Umiling siya. "Wala naman, nagtanong lang naman ako."
I almost rolled my eyes. "I don't have money anymore. Kahapon nga ay wala na akong pera, noong Lunes pa naubos ang pera ko. I don't have a choice anyway, dad only gave me five hundred pesos."
"Hindi ka nag-recess kahapon?"
"Hindi nga, pero hindi ko naman naisip iyon kasi kasama ko naman ang mga kaibigan ko kasi nakipagkuwentuhan naman ako sa kanila. Pero ngayon.. I wanted to ask daddy about my baon kasi five hundred pesos is not enough for me. I don't even know how to budget it!"
Tumango siya. "May gusto ka bang bilhin ngayon?"
"Bakit? Bibigyan mo ba ako ng pera?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. Pabiro lamang iyon, alam ko naman na wala rin naman siya niyon.
"Ilan ba ang kailangan mo?" he asked.
Nagulat ako. That was just a joke, but it did not come to my mind that he'd take it seriously. Umawang na lang ang bibig ko nang maglabas siya ng wallet. Hindi ko alam, pero parang na-guilty kaagad ako. What if... What if he needs the money more than I do? And wait... Why am I thinking this way? This is not my mindset! I shouldn't care about him!
"Bakit? Ilan ba ang kaya mong ibigay sa akin?" I challenged. "I really don't have money. Ni piso ay wala. Bibigyan mo talaga ako?"
He slowly nodded his head. "I can give you five thousand pesos."
Nanlaki ang mga mata ko. I know that five thousand pesos is not a big amount for me, but hearing it from him ay parang isang malaking halaga na iyon pero.. bakit parang hindi ko kayang tanggapin? I wanted the money because I want to buy a lot of things, but paano naman siya? Paano kaya kapag kailangan niya ang pera kaysa sa akin?
YOU ARE READING
Chasing the Wild Waves (Student Series #1)
RomanceStarted: January 22, 2024 Ended: March 14, 2024 SS #1: Chasing the Wild Waves The differences between Gen Z, the Alpha Generation, and previous generations like the Lost Generation and Millennials are notable, mula sa pananamit hanggang sa pananaw...