Maraming pinamili sina Miley at Rachel. Hindi ako makapagreklamo kahit na sobrang nabigatan na ako sa mga pinadala nila sa akin dahil lahat ng mga pinamili nila at pati na rin iyong flower vase ay ako ang pinadala nila. Tinulungan lang nila ako nang makauwi na kami at papasok na kami sa loob ng bahay. Mukhang nariyan na rin si Ryder dahil nakita kong nakaparada sa labas ang kanyang sasakyan.
"Gosh, we have a class!" Narinig kong hiyaw ni Miley pagkapasok namin ng bahay. "It's already five, Rachel, late na tayo!"
Tiningnan ako ni Rachel. "Gosh, bakit 'di mo sinabi sa amin kung ano'ng oras na pala?"
"Hindi ko rin naman napansin," tipid kong sabi.
Nilapag kaagad nila ang mga pinamili nila sa lamesa, iyong dala ko naman na flower vase ay kinuha ni tita sa akin at dinala iyon sa kung saan. Sakto ring kalalabas din ni Ryder sa silid namin. Kumunot ang noo niya nang makitang maraming plastic sa lamesa. Dumapo rin naman kaagad ang tingin niya sa akin at mas lalong kumunot ang kanyang noo nang suriin niya ako ng tingin.
Nilapitan niya ako. "Sumama ka raw sa kina Miley at Rachel?"
Sapilitan akong ngumiti at tumango. "A-Ah.. oo, eh. Sinamahan ko sila."
"Ba't ganyan ang suot mo?" Marahan niyang hinawakan ang baywang ko. "Hindi ka man lang nagsuot ng maayos na damit."
Tumikhim ako. "M-Maayos din naman ito."
Kahit gaano ko man kagustong sabihin kay Ryder ang totoo ay mas pinili ko na lang magsinungaling. Sa totoo niyan ay hindi ko talaga gustong ganito ang suot ko. Sobrang nakakahiya na. Pinagtitinginan pa naman ako ng ibang tao at baka.. kung ano na naman ang sinabi nila sa akin. Pero.. wala rin naman akong pakialam. People can think whatever they want to think about me.
"Kuya..." Lumapit si Rachel sa amin at niyakap si Ryder sa baywang, kaya napakalas ang hawak nito sa akin. "Ganito kasi 'yon.. nakabihis na kasi kami nang makita namin dito sa bahay si Yuna na mukhang bored.. so I told her to come with us. Sa sobrang excited niya siguro.. hindi na niya naisipan pang mag-ayos o magpalit man lang ng damit."
Habang sinasabi iyon ni Rachel ay nasa akin ang tingin ni Ryder, mariin iyon. Ngumiti ako sa kanya at tumango para ipakita sa kanya na totoo iyong sinabi ng kapatid niya kahit hindi naman. He sighed and took his sister's hug off of him. He just tapped Rachel's head.
"Magpalit ka na at may pasok pa kayo," sa halip ay sabi niya sa kapatid.
Rachel shrugged. "Okay, kuya, sabi mo, eh. By the way, gusto ko lang ipaalam sa 'yo na natuwa akong kasama iyang asawa mo. Masaya naman pala siyang kasama at nag-enjoy ako."
Hindi na sumagot si Ryder at inakbayan lamang ako. Lumayo kami kay Rachel at iginiya niya lang ako palabas ng bahay. Napalunok ako nang makitang titig na titig siya sa akin na para bang pinag-aaralan niya ako. I tried to smile, but he shook his head.
"May ginawa ba sila sa 'yo?" diretsang sabi niya.
Mabilis akong umiling. "W-Wala, Ry. Wala silang ginawa sa akin. In fact, they're treating me well."
Mukhang nakumbinsi naman kaagad siya, kaya tumango siya.
"Okay, but.."
"But what?" Napakurap-kurap ako.
"I can't feel that you're happy," aniya.
Umiling ako. "Masaya naman ako kaso.. ano..." Binasa ko ang labi ko at muling ngumiti sa kanya. "Uhm, I am not really comfortable with them, although I am trying to get along with them. Kaya okay naman at maayos naman kami."
Ngumiti rin siya. "Mabuti kung ganoon. Sana maging maayos nga kayo ng pamilya ko. I know your history with Miley. Alam ko rin kung paano kayo natapos kaya sabihin mo sa akin kung may ginawa siyang mali sa 'yo, okay?"
YOU ARE READING
Chasing the Wild Waves (Student Series #1)
RomanceStarted: January 22, 2024 Ended: March 14, 2024 SS #1: Chasing the Wild Waves The differences between Gen Z, the Alpha Generation, and previous generations like the Lost Generation and Millennials are notable, mula sa pananamit hanggang sa pananaw...