Humihikbi ako habang nagkukuwento ako sa mga kaibigan ko. Wala akong tulog kagabi at maaga akong umalis ng bahay, mabuti na lang wala sina mommy at daddy kaya nauna na akong nagpahatid kay manong.
Hindi rin naman umapila pa ang personal driver ko dahil pansin niya siguro na wala ako sa mood dahil sa binalita sa akin nina mommy at daddy kahapon. Alam na rin iyon ng mga katulong, ng mga guwardiya, at mga tauhan nina daddy. Hindi ko talaga matanggap iyon!
"Ang malas ko talaga! Buwesit! Wala na nga akong pera, dumagdag pa iyon!" pagra-rant ko sa mga kaibigan.
Ayaw na ayaw ko talagang magpapakasal! Lalo na sa Ryder na iyon! He's a fucking nerd! I don't want to marry him! Naiinis ako kasi bakit siya pa?! Ang daming lalaki sa mundo, iyan pa talaga ang lalaking pangit ang ipapakasal nila sa akin!
"Why don't you just accept the engagement?" Coth suggested.
"What?" Pinandilatan ko siya. "Nasiraan ka na ba ng bait, ha?! Bakit ko naman tatanggapin iyon?!" Tumaas na nang tuluyan ang boses ko.
Coth looked around and raised both of his hands. "Chill, relax, Yuna. Pinagtitinginan na tayo, oh."
"How can I relax?!" I hissed. "Nakakainis, Coth! Ipapakasal ka ba sa taong pinakamumuhian mo sa mundong ito, makaka-relax ka ba? Matutuwa ka ba, ha?!"
Umiling siya at ngumisi. "Chill lang, Yuna, hindi pa 'ko tapos."
Huminahon ako sa narinig sa kanya. "Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Why don't you accept the engagement and play with Ryder's feelings?" he suggested. "Tanggapin mo kunwari ang pagpapakasal sa kanya, at kunwari ay gusto mo rin siya."
Humagalpak ako ng tawa. "That's a nonsense thought, Coth."
He shook his head. "You don't get it, Yuna. Ang ibig kong sabihin.. magpanggap ka na tanggap mo 'yong engagement at ipakita mo kunwari sa mga magulang mo na okay kayo ni Ryder. Ipakita mo rin kay Ryder na gusto mo siya kunwari, magpanggap ka. Malay mo kapag mangyari iyon ay ibabalik sa 'yo ng daddy mo ang cards mo. In the end, you dump Ryder.. iyong masasaktan na siya. Malay mo, sa ganoong paraan ay siya mismo ang aalis sa bahay ninyo."
Saglit akong napaisip sa suhestiyon ng kaibigan ko. It was very challenging for me. All of his suggestions are very challenging, but thinking about all of it.. he has a point. If I ever accept the engagement, my parents will be happy and will give my cards back to me. Secondly, if I act like I like Ryder and dump him eventually, he will leave on his own because at that time he'll be totally broken. Maganda ang naisip ni Coth pero sandali.. kakayanin ko kaya iyon?
"I don't think I can do that," I said, shaking my head.
"You can do that, Yuna," Coth assured. "Isipin mo ang cards mo at isipin mo na kalaunan ay aalis din iyang si Ryder dahil lubos mo siyang sasaktan. You should just act nice with him and tell your parents that you're agreeing with the engagement, but in the end.. you'll dump Ryder, so.. siguradong hindi na matutuloy iyang kasal ninyo."
Tumango-tango ang iba ko pang kaibigan sa paliwanag ni Coth. He really had a point. Parang iyon din ang gusto kong mangyari. Makuha ang cards ko at mailayo sa akin si Ryder. Should I accept that challenge? Thinking about those makes me feel like I'm going to vomit. Paano ako magpapanggap na gusto ko ang taong pinakaayaw ko? Ryder is my darkest nightmare. I don't know how to act like I am so in love with him, even though I'm not. Paano kaya? Kakayanin ko kaya iyon?
"You can do that," Kairi cheered. "Ikaw pa, Yuna, you are good at handling boys."
I rolled my eyes. "I am good at handling boys I like. Iba si Ryder sa mga lalaking gusto ko kasi siya ay hindi ko gusto. I don't know how to act that I am so in love with him, guys. Hindi ko siya type, hate ko siya, basta lahat ay ayaw ko sa kanya."
YOU ARE READING
Chasing the Wild Waves (Student Series #1)
RomanceStarted: January 22, 2024 Ended: March 14, 2024 SS #1: Chasing the Wild Waves The differences between Gen Z, the Alpha Generation, and previous generations like the Lost Generation and Millennials are notable, mula sa pananamit hanggang sa pananaw...