"Saan ang punta mo ngayon?" He tilted his head as he asked me that.
"Uh..." Umiwas ako ng tingin. "Kay Eyo lang naman, iyong pinsan ko. Do you still remember him?"
"Yeah," tipid niyang sagot. "Samahan na kita," biglang sabi niya.
"H-Huh?" Napakurap-kurap ako. "Hindi naman kailangan, I can go alone."
"Samahan na kita, Scarlet."
Wala akong magawa kundi pagbigyan siya. After we ate our breakfast silently, tumulak na kaagad kami palabas ng bahay. I swallowed hard when I felt his hand caressing my small back. Ang mga katulong ay nakatingin sa amin, at ang iba naman sa may hardin sa labas ng bahay ay mukhang inaabangan kami ni Ryder. Mabilis silang nagsibalik sa kani-kanilang mga trabaho nang dumapo ang aking tingin sa kanila.
"I'll just call manong to drive u—"
"I brought my car with me," he said, cutting me off.
"H-Huh? M-May sasakyan ka?"
"Yeah," he answered and nodded. "I parked it outside the gate. Let's go."
Sumunod ako sa kanya. Pagkalabas namin ng gate ng bahay ay sumalubong sa amin ang isang Lamborghini. Umawang ang bibig ko nang pinatunog niya iyon. His hand never left my waist. Nanatili iyon doon hanggang sa makalapit na kami sa kanyang Lamborghini. He opened the shotgun's door for me. Pinapasok niya ako sa loob, akala ko iyon lang ang gagawin niya, pero nagulat ako nang yumuko siya at pinagpantay ang tingin naming dalawa. Napalunok ako dahil akala ko hahalikan niya ako. Instead, he fastened my seat belt.
"U-Uh.. thank you," I thanked him and shifted on my seat. "K-Kaya ko naman sana..."
He tilted his head a bit and gave me a peck on the lips. Nagulat ako sa ginawa niya kaya nanlaki ang mga mata ko. He smiled and just put the strands of my hair behind my ear. Napatitig ako sa kanya, hindi makapaniwala. We've just met again, pero ilang beses na kaming naghalikan!
Sinara na niya ang pinto at umikot siya sa harapan para pumasok naman sa kabila. My dress went up, so I tried to pull it down. Mas lalo kasi iyon umikli dahil sa pagkaupo ko. Sumulyap pa ako kay Ryder habang inaayos ang damit ko. He fastened his seat belt, and his eyes went down to my legs. Napakagat-labi ko at umiwas ng tingin sa kanya. He sighed and helped me with my dress. Sinubukan niya ring hatakin pababa ang dress ko, pero mas lalong umaangat iyon.
"Hayaan mo na," he said, and he just rested his palm on my thigh. "Aayusin lang natin 'yan pagbaba mo mamaya."
Hindi ako nagsalita buong biyahe. Pakiramdam ko ay nanginginig ang mga binti ko. Ibang-iba na siya sa Ryder na nakilala ko noon! I focus my eyes on the road, but I can see in my peripheral vision that he's glancing at me from time to time. Tumikhim ako at tumuwid ng upo. Nanindig ang mga balahibo ko nang gumalaw ang kamay ni Ryder sa hita ko, marahan niya akong hinaplos doon. Mahina ang pagpapatakbo niya ng sasakyan, hindi ko alam kung ganito ba talaga siya magmaneho o sinasadya niya 'yan.
"Did you... uh?" I broke the silence between us. I averted my gaze from him. "Continue your studies?"
Sumulyap siya sa akin bago tumango. "Yeah, I continued my senior high in the U.S."
"H-Huh?"
Gusto ko siyang tanungin kung paano siya napadpad doon, pero mas pinili ko na lang manahimik dahil baka madaldalan siya sa akin. I don't want him to think that I am still the Scarlet he used to know. Ayaw kong isipin niya na hindi ako nagbago, na katulad pa rin ako ng dati.
"My family was there," he carried on. "Kauuwi lang namin ng Pilipinas last week, kaya.. naisipan kong dito ko na rin ipagpatuloy ang pag-aaral ko."
"Uh, so you pursue an education course?" I asked. "That's what you want, right? To be a teacher?"
He smiled. I don't know what for. "Kahit papaano ay may naalala ka pa rin pala sa akin."
I blinked. "O-Of course! N-Naalala ko lang!"
"I am currently in my third year of college, taking up secondary education with a major in mathematics," he shared. "Gusto ko sanang.. umuwi rito sa Pilipinas na graduate na ako pero.. napaaga lang."
"B-Bakit?"
"Naisip ko.. you're famous now. Maraming nagkakagusto sa 'yo, marami ang humahanga sa 'yo.. baka maunahan ako."
I was taken aback when I heard that. I did not expect him to say that directly! Akala ko ay iibahin niya ang usapan, pero talagang iyan ang sasabihin niya?! Pinagmulahan ako ng mukha dahil doon, kaya umiwas ako ng tingin at binaling lang iyon sa labas ng bintana.
"Baka kasi nakalimutan mong engage pa tayo at humanap ka pa ng iba."
Nilingon ko siya. "H-Huh? Engage? What are you talking about?"
He chuckled. "We're still engaged, Scarlet. You forget that? Bakit? May naalala ka bang naghiwalay tayo?"
I cleared my throat. "A-Akala ko kasi.. pinagsawalang bisa na iyong kasal dapat natin kasi.. umalis ka naman. Akala ko ay tinapos mo na kung ano'ng mayroon sa 'tin dati."
He stopped the car on the side road. Natigilan ako. Hindi pa kasi kami nakarating sa condominium ni Eyo. Medyo malayo pa iyon dito. Binalingan ko si Ryder na puno ng pagtataka. He unfastened his seat belt, and in just one blink, he leveled my face. Humarumentado ang buong sistema ko sa biglang paglapit ng kanyang mukha sa akin. Akala ko hahalikan niya ako.
"Sana nagsinungaling ka na lang dati," he said.
"N-Nagsinungaling saan?" I asked shakily.
"Na hindi totoo iyong sinabi nina Miley," pagpatuloy niya. "Sana nagsinungaling ka na lang sa akin dahil.. kahit pa mayroon silang ebidensya na nagsasabi sila ng totoo.. magbubulugan ako at mas pipiliin kong maniwala sa 'yo."
My heart raced even more. Napapigil ako ng hininga sa sinabi niya. How could he say that? Ibig sabihin ay hahayaan niya pala ang sarili niyang niloloko noon? No words came out of my mouth. I just looked at him in disbelief. Bumaba ang kanyang tingin sa kamay niyang nasa hita ko bago nag-angat muli ng tingin sa akin.
"I don't care about what other people say about you," he said. "Scarlet, matatahimik lang ako kapag.. pinakasalan mo na ako."
"How could you say that?" I asked, using my softest voice. "Ry.. sinaktan kita..."
"Wala akong pakialam," malamig niyang sabi. "Kahit ulit-ulitin mo pa, Scarlet, kahit saktan mo pa ako ulit.. wala akong pakialam."
"P-Pero..."
"Ako magpapaaral sa 'yo, ako ang bibili ng mga pangangailangan mo."
"You're still studying, Ry. How can you do that? At may pera naman kami," dahilan ko.
Umiling siya. "Kahit nag-aaral ako, kakayanin ko iyon, Scarlet."
Napapikit ako nang umangat ang kanyang kamay at marahan niyang hinaplos ang aking mukha. His lips suddenly found mine. I just closed my eyes, welcoming his lips. Marahan lang ang paraan ng paghalik niya sa akin, na tila takot siyang masaktan ako. I couldn't stop myself from kissing him back. It was like a drug; I'm addicted to it. Kumalat ang kanyang halik sa aking bibig, at hindi ko na napigilan pang palalimin ang halik.
"Let's get married," he said. "Kahit.. kahit sa huwes lang, Scarlet. Kahit lihim lang muna.. kahit na huwag mo munang sabihin sa mga pinsan mo.. kahit ang pamilya lang natin ang may alam. Kahit tayo-tayo lang. Iyon lang kahit.. kahit na iyon lang."
"Pero.. nag-aaral pa lang ako, Ry," I murmured.
"Kahit na.. huwag mo munang gamitin ang apelyedo ko.. sapat na sa akin na pakasalanan mo ako."
Kinagat ko ang labi ko. My mind is still processing everything. If we get married, it means... I'm going to live with him. Siya ang magpapaaral sa akin? Pero paano siya? Nag-aaral pa lang din naman siya, hindi ba? Bakit niya pa ako pakakasalan? Mas mahihirapan lang siya sa akin. He knows all my flaws. Alam niya ang dating ko sa pera, gastos dito at gastos doon. At alam niya rin ang mga karanasan ko sa mga lalaki noon, bakit niya pa ako pakakasalan? Maraming dahilan para huwag ituloy ang kasal namin, pero bakit mas pinili niya pa ring ituloy iyon?
"And.."
Nagulat ako nang may dinukot siya na maliit na kahon mula sa kanyang bulsa. Nanlaki ang mga mata ko nang mapag-alaman kung ano iyon. He slowly opened the small box for me. Bumungad sa akin ang dalawang pares na singsing. Malaki iyong isa at iyong isa naman ay mas maliit. It was a diamond ring. Hindi ako nagsalita at nanatili ang tingin doon.
"I didn't give you a ring before," he said. "I came back here, prepared and ready to face you. Please, Scarlet, marry me..."
Kinagat ko ang labi ko. Hindi ako nagsalita pero kinuha ko iyong malaking singsing sa loob ng maliit na box, 'tsaka kinuha ko ang kanyang kamay at dahan-dahan kong pinadausdos iyon sa kanyang daliri. Umawang ang labi niya sa ginawa ko at hinalikan ako. He took another ring from its box and slid it on my finger before kissing me again. God, hindi ko talaga siya matiis. I really missed him so much.
"Thank you," he whispered as our lips parted.
Marahan ko siyang tinulak pabalik sa puwesto niya at umayos ako ng upo. He's staring at me like it's the first time he's seen me. I avoided his gaze and just looked outside the window. I even heard him chuckling. Namumula ako. Alam ko iyon, nararamdaman ko 'yon dahil parehong nag-iinit ang pisngi ko ngayon.
"Tara na nga, baka kanina pa naghihintay si Eyo sa akin," I told him.
He laughed. "Okay.. okay.."
Nagulat na lang ako nang bumilis na ang pagpatakbo niya ng sasakyan. Doon ko na napagtanto na sinadya niya pa lang pahinaan iyong kanina. My lips formed into a smile thinking about it. Ibig sabihin sa nagdaang taon ay inaalala niya pa rin talaga ako? He came back here to what? To just marry me? Tahimik na dinaop ko ang aking palad sa hita ko.
"May pupuntahan ka ba pagkatapos sa condo ng pinsan mo?" he asked in the middle of the road.
Kumibit-balikat ako. "Depende sa kanya kung ayain niya akong kumain sa labas o gumala."
"Paano kung 'di ka niya ayaing lumabas, tayo ang lalabas?"
"What?" Nilingon ko siya, at nakitang nakangiti siya. "Ano'ng tayo? Ry, you'll just drop me off at his place, right?"
"Sabi ko, samahan kita," he corrected me.
"Baka magtaka iyon kung bakit.. magkasama tayo," I said.
"Just simply tell him na pinasamahan ka ng daddy mo sa akin kung magtaka man talaga 'yon," he reasoned out. "Pero sigurado naman akong hindi iyon magtanong."
When we finally arrived at my cousin's place, Ryder stepped out of the driver's seat. Umikot siya sa harap, upang pagbuksan ako ng pinto. I unfastened my seat belt as he opened the door for me. Lumabas ako at saktong pagbaba ko pa lang ng sasakyan ay hinila na niya pababa ang suot kong dress. I moved aside after it so that he could close the door and lock his car. I wonder where he got his money to buy this luxury car. Pinag-ipunan niya ba ito? Pinagtrabahuhan? I am so proud of him now that he can almost afford everything.
"Let's go?" anyaya niya at hinapit ako sa baywang.
I gulped at his sudden action. I looked around the place and caught some people's eyes. Ang iba ay nanlaki pa ang mga mata, ang iba naman ay umiwas ng tingin sa amin. Lumabi ako at tiningala si Ryder. He arched his brow at me. I wonder if these people knew me. I don't know, and I am not sure, but based on their eyes.. they recognize me. Sa aming magpipinsan kasi ay ako naman talaga ang hindi ganoon kasikat at kakilala, iyong mga pinsan ko talaga iyong kinakabaliwan ng lahat.. lalo na ng mga kababaihan.
We ignored the gaze of people and just went directly inside the condominium. Tumungo kami sa guard house para mag-fill up ng names namin doon for the security of the people here. Matapos 'yon ay tumungo na kami ni Ryder sa condo unit ni Eyo. I knocked three times on his door, but no one answered. Nagkatinginan kami ni Ryder, nagtaas siya ng kilay sa akin.
"U-Uh.. baka tulog pa.. nag-text naman ako sa kanya na pupunta ako rito, eh," I said and took my phone out of my purse.
Binuksan ko ang cellphone ko at hinanap sa contacts ko si Eyo. I dialed his number, and in just two rings, he answered my call. Ngumiti kaagad ako kahit na hindi naman niya ako makikita.
"Yes, baby?" he answered.
"Ano'ng baby ka riyan, Eio Calhyl?"
He laughed. "Akala ko, baby ko ang tumawag!"
"Siraulo! Wala ka no'n!" sabi ko sa kanya, pero tinawanan niya lang ako. "What now? Did you read my text? I told you I'd come over to your place!"
"What?!" Halos mabingi ako sa lakas ng boses niya. "P-Pupunta ka ngayon dito?! Saan ka na kung gaanon? Papunta na?" Halata na sa boses niya ang pagkakataranta, hindi ko alam kung bakit.
"Ba't parang natataranta ka? At ano'ng papunta na sinasabi mo, Eyo? Nandito na ako sa harap ng unit mo! Come on, open the door!"
"A-Ano?!"
"Open the door now, Eyo! 'Di ba may gagawin pa tayong bagong kanta?"
"Fuck it! Sana kahapon sinabi mong pupunta ka rito!"
"Bakit ba? Kapag walang pasok pumupunta naman ako rito, ah? At sandali.. minura mo ba ako?"
He sighed. "Baby.. God.. hindi ganoon. Fine.. I'll open the door now, but please.. behave."
"Ano'ng behave na pinagsasabi mo riyan?"
He did not answer my question, he just dropped the call. Umawang ang bibig ko sa ginawa ng pinsan. Nagkatinginan kami ni Ryder, narinig niya rin kasi sa kabilang linya si Eyo dahil naka-loudspeak ang speaker ng phone ko. I shrugged, and the door suddenly opened. Sasalubungin ko na sana ng ngiti ang pinsan ko, pero napawi ang ngiti sa aking labi nang makita kung sino ang kasama niya. Nalaglag ang panga ko.
Zachariah Olive Charmaine Dior, with La Robe Saudade Gathered Dress and Dolce and Gabbana Beige Nude Leather Bellucci Heels, is now in front of me. I looked at her from head to foot. Early in the morning, and she's already here? This bitch should know how to place herself! And where did she get her clothes? From my cousin? Did Eio Calhyl give that to her? How come this poor brat can afford that?
Hindi ko ugaling makialam sa buhay ng mga pinsan ko, pero kung itong klaseng babae ang lumalandi sa pinsan ko, hinding-hindi ko hahayaan na bumagsak si Eyo rito. This girl once flirted with Ryder! Mas malandi pa sa akin ito, eh!
"Ano'ng ginagawa mo rito?" mariin kong tanong at pinukol siya ng masamang tingin. "Nilalandi mo ba ang pinsan ko?"
Malamig niya akong tinignan habang inaayos niya ang nakasukbit na bag niya sa kanyang balikat. She looks like she was from a party. Kagabi pa ba siya rito? Binalingan ko si Eyo at nakita itong mariin ang tingin sa akin.
"Yuna," Eyo called my name, and his gaze went to the man behind me. "Pres.. I mean, Ryder.. pumasok na muna kayo sa loob."
"Bakit?" Nagtaas ako ng kilay sa pinsan. "Where are you going? Ihahatid mo ang malanding babaeng 'to?" Dinuro ko si Zacha.
"Yuna, watch your words," Eyo warned.
"Totoo naman, ah? Ano? Nagpalandi ka rin sa kanya? Do you know that she fucking flirted with Ryder before, huh?!" My voice raised. "Eyo, ayaw ko lang na mapunta ka sa babaeng ito dahil alam ko ang dating niya sa mga lalaki!"
"Bakit?" Zacha talked back and arched a brow at me. "Ganoon ka rin naman, hindi ba?"
"Yes," I admitted without any hesitation. "Ganoon ako, kaya ayaw kong mapunta ang pinsan ko sa ganoong klaseng babae rin."
"Yuna." My cousin caught my attention. "If you have nothing good to say, just leave my place."
My jaw dropped when I heard that from him. "W-What? P-Pinapaalis mo 'ko?" I asked the obvious.
"Oo," he answered. "If you keep disrespecting my girl like this, you better leave."
YOU ARE READING
Chasing the Wild Waves (Student Series #1)
RomanceStarted: January 22, 2024 Ended: March 14, 2024 SS #1: Chasing the Wild Waves The differences between Gen Z, the Alpha Generation, and previous generations like the Lost Generation and Millennials are notable, mula sa pananamit hanggang sa pananaw...