"Okay, Jash, ako na ang bahala sa project natin."
Umirap ako sa kawalan nang dumaan ako sa table nina Ryder, kasama niya sina Astride, Jasharee, at Seth. Umangat ang tingin sa akin ni Seth, pero hindi ko siya pinansin. Kasunod na lumingon sa akin ay ang tatlo, pero ni isa sa kanila ay wala akong pinansin at dumiretso na lang sa table ng mga kaibigan ko. Inangat ko ang tray kong may mga lamang pagkain at pinakita iyon sa kanila.
"I have foods, guys, kain tayo!" anyaya ko sa mga kaibigan.
Kasalukuyan kaming nasa cafeteria ngayon para para sa aming lunch at tumambay muna.
"Hay, salamat! Saktong gutom na ako!" si Shovie at humawak sa tiyan niya.
Kumuha kaagad ng pagkain ang iba kong kaibigan at kumain na. Habang nginunguya ni Miley ang pagkain niya ay bumaling siya sa table nina Ryder.
Bumaling din ako roon at saktong nagtagpo ang titig naming dalawa. Si Jasharee ay umiwas ng tingin, si Astride naman ay pinukol ako ng masamang tingin, pero inirapan ko siya. Hindi ko naman tinapunan ng tingin si Seth dahil alam ko naman na nakatingin siya sa akin.
"Ano 'yan? Double date ng mga duwag?" Humalakhak si Marilyn. "Astride at Seth, tapos sina Ryder naman at Jasharee?"
I shook my head. No, baliktad ang pagkakapares nila. It was supposed to be Ryder and Astride, and then Jasharee and Seth. Astride likes Ryder. Alam kong ganoon din si Jasharee. Did they already fight over that ugly nerd? Kung ako sa kanila mas piliin ko na lang magparaya, kaysa pag-agawan ang lalaking hindi naman karapat-dapat. Hindi bagay si Astride kay Ryder. She's a gorgeous goddess. Mas bagay pa sina Ryder at Jasharee, parehong nerd.
May naisip tuloy ako bigla. What if they got married in the end, or what if they ended up together? Magiging nerd din kaya ang anak nila?
Since it's our free time after lunch, we decided to go to the library to read some books, preparing ourselves for our upcoming exams. How many days to go, and it's our final exam for the final term. This school year will be our last year in junior high. Magmo-moving up na pala kami at magiging senior high na next year. I am not excited, dahil alam kong mas lalong mapadalas na ang pagkikita namin ni Ryder.
"Dad, look at all my long quizzes!"
Ibinalandara ko kaagad ang quizzes ko sa iba't-ibang subjects ko isang araw at lahat ng iyon ay perfect talaga. Proud na proud kong pinakita iyon sa kina mommy at daddy. Malawak ang ngiti sa aking labi, habang isa-isa nila iyong tinitingnan. I got it all perfect, and I did my best to perfect all the long quizzes. Dahil ayaw kong maulit iyong nangyari last time na nagalit si daddy sa isa kong pagkakamali sa quiz.
Tumango-tango si dad sa aking mga papel bago hinagilap lahat ng 'yon sa lamesa kung saan ko nilapag ang mga 'yon. Inabot niya iyon sa akin pabalik at tinapik ang balikat ko. I smirked and glanced at the guy behind him. Nasa likuran niya si Ryder at sinadya ko talagang ipakita ang papers ko sa parents ko na naroon siya para ipamukha sa kanya na mas lamang na ako ngayon sa kanya. Oh, ano? Akala mo, ikaw lang palagi ang mataas, ha? His lips just rose; I don't know what for. Tumango si dad sa akin at tinapik ang balikat ko.
"Good luck on your exam tomorrow, Carolina. You should perfect all your exams, Carolina."
Mom sighed. "Sa exams at quizzes ka na lang bumawi, anak, kasi sinabi sa amin ng mga professor mo na kapag magkataon daw ay ibabagsak ka nila kapag mapababa ka. All of them are disappointed and disgusted with your behavior, so I asked them to give you a chance because I know how intelligent you are."
Parang isang musika ang mga sinabi sa akin ni mommy, ang sarap pakinggan sa tainga na mapuri ng sariling ina. Of course, all of my professors don't like me. Ni isa sa mga prof ko ay hindi talaga ako gusto, problema na nila iyon.
YOU ARE READING
Chasing the Wild Waves (Student Series #1)
RomanceStarted: January 22, 2024 Ended: March 14, 2024 SS #1: Chasing the Wild Waves The differences between Gen Z, the Alpha Generation, and previous generations like the Lost Generation and Millennials are notable, mula sa pananamit hanggang sa pananaw...