Kabanata 40

365 7 0
                                    

Some of the seniors are already wearing the color of the strand they're representing. May color coding kasi. Pagdating namin sa school ay puno ang field ng mga senior high school students at iyong iba ay nasa bleachers. I heard that the juniors didn't have class today because of the activity for seniors. I was in my uniform when I went out from the car. Nasalubong ko pa ang mga kaibigan ko habang naglalakad ako papunta sa powder room. They're on their orange shirts.

"Hindi ka pa nakabihis, Yuna?" Miley looked at me from head to foot before scoffing. "Palibhasa kasi hindi ka online kanina kaya wala kang ideya na may activity at may color coding pa."

Sabay na nagtawanan sila sa sinabi ni Miley. I found them really offensive. Miley is using the face threatening act. She smirked when I did not say anything. Ryder told me last time that it's better to keep my mouth shut because silence is the best response.. especially that I am disappointed in the situation. I don't like how the way my friends talked. I was like them but I've regretted everything I did because I realized now that.. doing bad things will ruin you as a person.

"Pahiramin na lang kaya kita, Yuna? May extra pa akong kulay orange roon!" si Joshua. "Kaso ABM ka pala, 'no? Kulay yellow pala ang mga future billionaire."

I smiled, trying to calm myself down. "No, thank you. I already have one."

Parehong hindi nila inaasahan ang sinabi ko. Bakas ang gulat sa kanilang mukha. Kumunot naman ang noo ni Miley at bumaba ang kanyang tingin sa dala ko. I am currently holding a paper bag. Nandito kasi sa loob nito ang damit na binili ni Ryder sa akin. I don't know why he bought this without asking my size. Alam niya kaya ang size ko? He told me that he bought a fitted dress for me, a yellow one. Hindi ako sigurado kung kasya sa akin dahil hindi niya naman alam ang sizes ko.

"Saan galing?" Miley asked. "Kay Ryder ba?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa tanong niya. Kahit hindi ko iyon sagutin o kahit magsinungaling man ako ay parang alam niya ang totoo. She immediately get the paper bag from my hand. Sinubukan kong bawiin iyon sa kanya pero nilayo niya iyon sa akin at sinilip ang loob. Binalingan niya ako gamit ang talim na tingin.

"Paano mo nalaman na may activity? Hindi ka nakapag-online kanina, you are not active on your socials. Ano? Si president ba ang nagsabi sa 'yo?"

Binalik niya sa akin ang paper bag at padarag na pagbalik pa iyong ginawa niya. I sighed and shook my head to her. Halatang iritado si Miley, hindi ko alam kung ano ang dahilan. Mapanuyang sinuri niya ako ng tingin at ngumiwi sa akin. Napasinghap ako sa kanya.

She scoffed. "Hindi ko talaga alam kung ano ang nagustuhan ni Ryder sa 'yo," she suddenly said.

Maging ang mga kaibigan namin ay nagulat sa sinabi niya at sa paraan ng pagkasabi niya no'n. Parang may kakaiba sa tono niya, parang may laman iyon na hindi ko maipaliwanag.

"Right, guys?" Hinarap niya ang mga barkada namin. "Nakakapagtaka lang, 'no? Kasi sa pangit ng ugali niya ay nagustuhan pa siya ng matinong lalaki. Hindi ko alam kung ano ang nakita ni president sa kanya."

"What are you trying to say?" nagtatakang tanong ko, mas lalong nalito sa kanya.

"What I'm trying to say?" She returned her gaze to me. "You are a pathetic bitch who wants to be on top. Bakit ka pa nagustuhan ni president? Ang sama ng ugali mo, at ang taas ng tingin mo sa sarili mo, Yuna."

"Miley—"

"Come on, babae sa babae, sagutin mo nang maayos ang tanong ko," she challenged. "May gusto ka ba kay president?"

Kumalabog nang malakas ang dibdib ko sa narinig. My knees weakened because of that unexpected question. Napakurap-kurap ako at umiwas ng tingin, hindi magawang sagutin ang tanong ni Miley sa akin. I even caught some of our schoolmates watching us. Naririnig din kaya nila ang pinag-uusapan namin?

Chasing the Wild Waves (Student Series #1)Where stories live. Discover now