Kabanata 56

327 5 0
                                    

"N-No, you can't." Nalaglag ang panga ni Red at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "H-Hindi puwede, y-you can just stay here."

Ryder and I really had a plan to visit my parents this evening. Hindi kasi kami nakapagbisita roon. Nakakausap ko naman sina mommy at daddy sa tawag, kinukumusta ako. I just told them that I am always okay and that Ryder's family is treating me right even though they are not.

"Hija, Yuna, huwag ka namang umuwi sa in—"

"Bakit po?" putol ko kay tita at tiningnan niya sa kabila ng mga namumuong luha sa mga mata ko. "Natatakot po ba kayo na magsumbong ako sa mga magulang ko sa ginagawa ninyo sa akin? O natatakot ako na malaman nga ni Ryder iyong mga ginagawa ninyo sa akin?"

"Hija—"

"Alam n'yo, ginagawa ko talaga ang best ko na kahit.. nagmumukha akong katulong.. pilit kong binababa ang dignidad ko bilang tao para sa inyo kasi.. pamilya kayo ni Ryder, eh, at mahalaga kayo sa kanya. Kahit na alam kong ayaw na ayaw ninyo sa akin, pinipilit ko pa rin na sundin ang mga inuutos ninyo kasi nagbabaka sakali ako.. na baka magustuhan n'yo rin ako para sa kanya."

"Yuna, puwede ba? This is not the time for drama!" si Red.

Nilingon ko siya. "Bakit? Bawal na ba ako maglabas ng saloobin ko ngayon? Alam n'yo.. sumosobra na kayo, eh! Sumosobra na kayo! Hinahayaan ko kayo na ipagawa sa akin lahat-lahat, hinahayaan ko kayong batuhin ako ng kung ano-anong salita! Pero iyong saktan n'yo ako? This is too much!"

"Yuna—"

"My parents, my family, they never tried to hurt me this way! Pamilya ko hindi kayang gawin sa akin ito na sila ang bumuhay sa akin, bakit kayo? Bakit kayang-kaya n'yong gawin ito? Ang hirap sa inyong pakisamahan, nakakapagod kayo! Ginawa ko naman ang lahat, eh! Para magustuhan ninyo ako pero.. ang hirap talagang ipilit ang sarili ko sa taong ayaw na ayaw sa akin!"

Nanlisik ang mga mata ni Red sa akin. "Alam mo? Alam mo ang dahilan kung bakit galit kami sa 'yo! Alam mo kung bakit ayaw namin sa 'yo! Ano? Sa tingin mo ba, sino ang pamilyang magugustuhan ang taong nanakit sa pamilya nila? We just want you to taste your own medicine dahil noon, alam naming hindi basta-basta lang ang ginawa mo kay kuya!" bulyaw niya at pinukol ako ng masamang tingin. "Magpasalamat ka nga, eh, kasi binibigyan ka namin ng pagkakataon na patunayan ang sarili mo! Hinayaan ka naming tumuloy rito sa amin at tumira rito kahit na ayaw na ayaw namin sa 'yo!"

"Oo!" I shouted back. "I hurt Ryder before! I pushed him! That's why he was confined in the hospital! I threw him some hurtful words! I used him! I fucking dumped him! Oo na! Totoo ang lahat ng 'yon! Totoo iyon, but you were not in my shoes! Wala kayo sa situwasyon ko kaya sobra n'yo akong hinusgahan ngayon!" Humikbi ako. "Gusto n'yo pa malaman kung ano ang totoo? While I was doing my plan of using and dumping him, I am falling into my trap! Nahulog ako sa sarili kong patibong! Nahulog ako sa kanya kaya.. kaya nga ngayon ay ginagawa ko ang lahat para magustuhan ninyo ako kasi pamilya niya kayo, eh! Mahalaga kayo sa buhay niya!"

"Shut up!"

"Ilang taon siyang nangulila sa inyo! Ilang taon siyang walang pamilya at ngayong nakasama niya na kayo, ayaw kong masira kayo nang dahil lamang sa akin! Mahal na mahal ko si Ryder kaya kahit ano mang paghihirap na dinadanas ko sa pamilyang ito ay tinitiis ko! Kahit na ang hirap ninyong pakisamahan ay sinusubukan ko pa ring ipilit ang sarili ko sa inyo!"

My tears rolled down my cheeks. Tita Ritchel looked at me with disbelief in her eyes. Red is glaring at me like she wants to slap me. Mapakla akong tumawa at umiwas ng tingin sa kanila. Hindi makapagsalita ngayon si tita at nakatitig lamang sa akin.

"Ang hirap, 'no? Ang hirap pa lang maging parte ng pamilya ninyo," I said in a lower voice. "I-I was trying my best to fit into this family. S-Siguro, tama nga kayo.. hindi ako ang babaeng para kay Ryder. H-Hindi kami bagay, hindi ko siya deserve... He's too good for me. He deserves better, he deserves someone who can take care of him, he deserves someone who can do the household chores, he deserves someone who will treat him as a king. Hindi nga siya para sa akin. Pakiramdam ko kahit na asawa ko na siya, parang hindi ko pa rin siya kayang abutin.. parang ang layo-layo niya pa rin..."

Chasing the Wild Waves (Student Series #1)Where stories live. Discover now