Kabanata 39

341 4 0
                                    

Matapos kong ihatid sina mamita at lolo sa silid na hinanda para sa kanila ay tumungo akong kusina para puntahan si Ryder doon. Patapos na siya, kasalukuyan na niyang nililinisan ang sink. When he noticed my presence, he took a glance in my direction. Nasa hamba ako ng pintuan at nakakrus ang mga braso sa aking dibdib. I smiled and decided to go near him. Sinundan niya ako ng tingin habang pinupunasan niya ang kanyang kamay.

"Natulog na ang lolo at mamita mo?" he gently asked.

Tumango ako. "Yup, nasa silid na sila. Ikaw? Are you sleepy? Matutulog ka na ba?"

He shrugged. "Kung matutulog ka na, matutulog na rin ako."

I chuckled, and I closed our distance. He swallowed hard when I was finally in front of him. Tiningala ko siya at pinalupot ang aking mga braso sa leeg niya. Sa sobrang tangkad niya ay kailangan ko pang tumingkayad upang maabot siya. I gave him a peck on his lips. He licked his lips before wrapping his arms around my waist. I can feel the butterflies in my stomach. I can feel those tickling me. Hinigpitan ko pa lalo ang pagkakapalupot ng mga braso ko sa leeg niya.

"Let's go to my room, please? Tambay muna tayo roon," I said.

"Is that what you want? Hindi ka pa ba inaantok? May pasok ka pa bukas?" sunod-sunod niyang tanong.

"Hindi pa naman ako inaantok, gusto pa kitang makasama, eh." I pouted. "Please?"

Natawa siya at unti-unting tumango. I kissed him on his lips again before letting him go. Natatawang hinawakan niya ako sa baywang para suportahan ako. His arm snaked around my waist as we headed to my room. Pagkarating namin sa kuwarto ko ay pinauna niya akong pumasok, pero ang kanyang mainit na kamay ay nanatili pa rin sa baywang ko. We're still in our uniform. Medyo naiinitan na rin ako sa uniform na suot ko.

"Let's change clothes first," I told him as I took off my scarf around my neck. "Hindi pa pala tayo nakapagpalit." I lifted my head to him.

He chuckled and gave me a peck on the side of my lips. "Mamaya na.."

Ngumuso ako. "Medyo naiinitan na ako, eh. I'll just take a shower. Ikaw rin, Ry..."

Umiling siya. "Mamaya na ako, ikaw na lang. Hihintayin lang kita rito."

"Are you sure?" I asked. "Bibilisan ko lang para hindi ka mabagot."

"I can wait. Go on."

Tumango ako at pumasok na sa banyo. I took my uniform off my body and just took a shower, as I told him. Nagbabad pa 'ko sa tubig ng ilang sandali dahil naiinitan pa rin talaga ako. Mainit talaga ang panahon ngayon. It took me thirty minutes to take a shower. Iyon ang pinakamabilis kong shower so far. Palagi kasi akong natatagalan sa tuwing nagsha-shower ako, like umaabot talaga iyon ng oras.. hindi ko nga alam kung bakit.

Pinalupot ko sa aking katawan ang aking tuwalya at ang spare towel ko naman ay pinaikot ko sa buhok ko para mabilis itong matuyo. I was wiping my face with my face towel when I went out of the bathroom. Nadatnan ko si Ryder na nakaupo sa kama ko habang nagce-cellphone. He lifted his head up when he heard the bathroom's door open. I smiled awkwardly at him. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang ako nakaramdam ng hiya nang bumaba ang kanyang tingin sa aking katawan. I am just on my towel! Gosh, Yuna, hindi ka talaga nag-iisip!

I gulped and acted like I was not affected by his stare. Patuloy lang ako sa pagpupunas ng buhok ko. Nakatapis lang ako ngayon, bakit hindi ko naisip na kasama ko pala si Ryder at sana nagdala na lang ako ng damit sa loob ng bathroom ko bago ako naligo kanina? Goodness! Where's my brain? Gosh!

"Bumalik ka na lang sa bathroom mo at aabutan lang kita ng damit doon," he suddenly said.

Binalingan ko siya. "Huh?"

Chasing the Wild Waves (Student Series #1)Where stories live. Discover now