Knock! Knock! Knock! Urghh!!! Kung sino man ang nangiistorbo sakin ng ganitong oras ay mapapatay ko.
"Rain! Gising na! Ano ba!" sigaw nung tao sa labas ng apartment.
Bigla akong bumangon na agad ko naman pinagsisihan dahil ang sakit ng ulo ko sa biglang pagtayo ko.
Bang! Bang!
Hindi pa rin tumitigil sa pagkatok ung siraulo kong kaibigan. Balak pa ata niyang sirain ung door ko. Tumayo ulit ako at binuksan ung door."Finally!" sabay pasok ni Xavier sa apartment. Dumirecho siya sa kitchen at saka pinakialaman ang ref ko.
"What the hell are you doing here? Ang aga aga pa nangbabadtrip ka na naman" humiga ulit ako. At pinapanood siyang lamunin ang mga stock kong pagkain.
"Anong maaga sa 12:30 ng tanghali? Uminom ka na naman kagabe noh?"
hindi ko ganong naintindihan ang sinasabi niya dahil puno ng bread ung bunganga niya."As usual at for sure kaya ka nandito dahil wala ka na naman makain sa bahay niyo"
Matagal ko ng kaibigan si Xavier. Highschool pa lang classmates na kami. Kaya kahit ano pang sabihin at gawin namin sa isa't isa hindi na kami nagkakainisan. Sanay kaming magbastusan at maglaitan. Saka hindi ako ung tipo ng kaibigan na malambing. Mas gusto ko pa ngang nilalait ung mga barkada ko. Ganun ako magpakita ng care at affection sa kanila.
"Ligo ka na. Labas tayo. Off mo ngayon diba?" hindi pa rin siya tapos lumamon.
"At saan na naman tayo pupunta?" tanong ko.
"Kahit saan. O kaya manood na lang tayo ng movie"
alam ni Xavier na mahilig akong manood ng movies at series. Kaya hindi ako tatanggi dyan.--------------------
"Hi Kuya Cesar!" bati ko sa guard sa building namin.
Nakatira ako sa isang apartment. Medyo mahal ung rent pero kaya namanng sahod ko. Pagkagraduate ko ng college hindi ako agad agad naghanap ng work. Tumambay muna ako ng 2 years. Medyo napagod din kase ako kakaaral hahaha Hindi kasi ako masipag pumasok nung college kaya naging irregular ako at tumagal ng 6 years. Ngayon nagwowork ako sa isang Advertising Agency. Ewan ko ba kung pano ako nahire dun. Hindi naman ako magaling magconceptualize. Pero magrereklamo pa ba ako eh okay naman ang salary. 26 years old na ko. Lumaki ako sa province pero updated pa rin naman ung mga tao dun samin. Sumasabay pa rin naman kami sa kung anong trend. Isa akong lesbian. Yes lesbian. Never akong nagkaboyfriend dahil babae ang gusto ko. Nagagwapuhan ako sa kanila pero hanggang dun lang. Pero hindi ako ung lesbian na maiksi ang buhok na parang lalake kung maglakad at pumorma. Pero hindi din ako ung nagdidress. Simple lang, skinny jeans, shirt at sneakers. Yung hindi halatang lesbian.
"Oh hi Rain. Nagsession ka na naman kagabi ah" biro ni Kuya Cesar.
"Konti lang kuya"
sabay pasok ko sa elevator.Pagkalabas ko ng elevator, meron isang babaeng nakatalikod at sinusubukan buhatin ung box na nasa floor. Meron na pa lang bagong nagrerent sa tapat na door. Ung dati kasing nakatira dun eh magsyota. Nahuli ata nung babae na niloloko siya ng bf niya kaya sila nagbreak. Hindi ako chismosa ah. Narinig ko lang silang nag aaway nun. Halos lahat naman ata dito sa floor namen narinig sila eh.
Nabuhat na nung girl ung box pero parang hirap na hirap siya. Eh kung sana tinulak na lang niya papasok eh di mas ok. Tsk tsk. Nakita ko na may nahulog siyang shoes. Pinulot ko at saka ko siya sinundan sa loob ng apartment niya. Nakatalikod pa rin siya na parang tinitignan ng mabuti ung loob ng apartment. Hinawakan ko siya sa balikat nang bigla siyang sumigaw.
"Aahhhhh!" pagkasigaw niya nahulog ung box na hawak niya at tumama sa paa niya.
"Oh God! FU! FU!" paulit ulit niyang sinisigaw. Nataranta ako at ginilid ko ung box saka ako lumapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
She's My Cold Coffee
RomanceIsang takot magtiwala at magumpisa. Isang takot makasakit at bumalik. At isang takot lumaban. Hanggang kailan ka matatakot? Anong kaya mong gawin at kalimutan para maging masaya? Mananatili ka na lang ba takot at magisa? Sino ka sa kanila?