Nicole's POV
"Hindi dahil natanggal na ung cast mo eh pwede ka ng magbuhat ng mabibigat. Hinay hinay pa rin tayo kasi hindi pa talaga totally nagheal ung kamay mo. Medyo maga pa rin siya ng konti" sabe ng doctor sakin.
Andito kasi ako ngayon sa hospital para sa check up ng kamay ko.
"Ok po doc. Thank you po" sabay smile ko sa kanya.
"Ayaw na kitang makita ulit dito ok?"
Natawa lang ako sa sinabi niya.
Paglabas ko ng hospital, tinex ko si Rain para sabihin sa kanya na tinanggal na ung cast ko. These past couple of weeks kasi eh naging close ulit kami ni Rain. Siya ung umalalay sa akin after kong madisgrasya. Pinakiusapan siya ng pinsan kong si Leslie. Sakto din kasi na walang titingin sa akin kasi kailangan din pumunta ni Patrick ng Hongkong. At first hindi ok sa akin na ibinilin ako ni Leslie kay Rain. Pero kinailangan ko din talaga ng tulong kaya umoo na lang ako. It was a good thing kasi parang tulad ulit kami ng dati. Ung tipong parang walang nangyari.
That's great. Let's celebrate later? Your treat! Lol - Rain Delgado
Sira din talaga to eh. Akala ko pa naman ililibre niya ako.
Forever kuripot! Chicken wings and beer at my place. 6? - Nicole Elizalde
Can't pag 6. 7 ok lang? - Rain Delgado
Ok. Going to grocery na then to buy beers - Nicole Elizalde
See you! - Rain Delgado
------------------------------
"So san ka galing? Diba 5 ang out mo sa work? Bakit di ka pwede ng 6?"
Ang dami ko atang tanong.
"Wow. Tatlong tanong agad ah" sabe ni Rain.
Minsan talaga walang kwenta kausap itong taong to eh.
"Sagutin mo na lang nga"
"May pinupuntahan ako tuwing 6" sagot niya.
"Ay Iglesia ka?" tanong ko.
"Huh? Iglesia?" nagtataka siya sa tanong ko. May mali ba sa tanong ko?
"Iglesia. Kasi diba nagsasamba sila tuwing 6pm"
Natawa siya sa akin. Ano naman nakakatawa sa sinabi ko.
"I didn't know na alam mo yung mga ganyan" sabay inom niya ng beer.
"So Iglesia ka nga?" tanong ko ulit.
"Nope" simpleng sagot niya.
"What then?" ang hirap naman makakakuha ng info sa taong to.
"Bakit ba ang dami mong tanong ngayon?" ayan, siya naman ngayon ang nagtanong.
"Coz I'm curious" sabay inom ko ng beer.
"You're curious about me?"
Napatingin lang ako sa kanya.
"No. I'm curious about what you are doing"
Nagsmile siya na parang nang-aasar.
"That's the same" sabi niya.
"No. There's a fine line between curious ako sa kung anong mga ginagawa mo at sa curious ako sayo"
Tama naman ako right?
"I don't like to talk about it" sagot niya sa akin.
"You know what, come to think of it parang wala nga talaga akong ganong alam about you"
BINABASA MO ANG
She's My Cold Coffee
RomanceIsang takot magtiwala at magumpisa. Isang takot makasakit at bumalik. At isang takot lumaban. Hanggang kailan ka matatakot? Anong kaya mong gawin at kalimutan para maging masaya? Mananatili ka na lang ba takot at magisa? Sino ka sa kanila?