Rain's POV
"Stop staring" sabi ni Nicole.
Andito kami ngayon sa apartment niya. Nasa sala kami. Nakaupo lang sa sofa.
Hindi pa rin ako makapaniwala na mahal rin niya ako. She actually admitted to me that she loves me.
"I can't help it"
"Nacoconscious na ako Rain"
Inabot ko yung kamay ko sa kanya. Hinawakan niya at saka ko siya hinila sa akin.
"Thank you" sabi ko.
"For what?"
"For daring to love me"
Lumapit siya akin at sinandal niya yung ulo niya sa dibdib ko.
"This will not be easy. Pero andyan ka naman diba?"
Tinignan niya ako. Makikita mong may konting pag-aalala sa mata niya.
"Always"
At saka ko siya hinalikan. Just to assure her na hindi ko siya papabayaan.
"Wait, may naalala ako"
Bigla siyang lumayo sa akin. Tinignan ko siya na parang naguguluhan ako.
"What?" sabi ko.
"Bakit ka hinalikan ni Sarah nung isang araw?"
Hindi ko alam isasagot ko. Hindi ko naman rin talaga alam kung bakit ako hinalikan ni Sarah nun. Nagulat rin ako.
"Hindi ko alam"
Tinatry ko siyang hilain palapit sa akin. Pero bigla siyang tumayo.
Oh no.
"Hindi mo alam? Pwede ba naman yun? Galing siya sa apartment mo nun. Tapos hinalikan ka niya bago siya umalis"
"Niks hindi ko talaga alam. Nagulat rin ako nun"
Pinagpapawisan na tuloy ako.
"Nakita ko sa lips ka niya hinalikan. Hindi sa cheeks. Lips Rain"
Papasok na dapat siya sa kwarto niya pero hinabol ko siya. Hinawakan ko siya para hindi siya makawala sa akin.
"Are you serious right now? Kakasabi mo pa lang sa akin na mahal mo rin ako. Tapos biglang aawayin mo ako"
"Eh bakit ka nga niya hinalikan? Tapos kanina galing na naman siya sa apartment mo"
Hinila ko siya sa kwarto niya. Umupo ako sa edge ng bed. Tumayo siya sa harap ko.
"Niks, you have to trust me okay? She kissed me. I didn't kiss her. Wala na akong feelings kay Sarah. Ikaw lang mahal ko"
Hindi siya nagsasalita. Patay na. Tinitignan ko lang siya. Nagpapaawa ako kunwari.
"I kissed Patrick" nakapikit pa siya after niya sinabi.
Nagulat ako sa sinabi niya. Bigla akong tumayo.
"I only did it because I wanted to make sure na wala akong nafifeel sa kanya"
"Hinalikan mo yung bugok na yun?" sabi ko sa kanya.
"Hey! Don't call him that. He's still my friend"
"At pinagtatanggol mo pa?"
Hindi naman talaga ako galit. Naiinis lang.
"Rain, Patrick is my friend. Saka I was the one who asked him to kiss me"
"Seriously?"
Lumapit siya sa akin. Hinawakan niya yung mukha ko para kumalma ako.
"I had to do it. Kung hindi ko yun ginawa, hindi ko malalaman na iba ka. Iba yung nararamdaman ko para sayo. I didn't feel anything when he kissed me"
Napasmile tuloy ako.
"So what did you feel when I kissed you?"
"Ay nako, nagfifeeling si Delgado"
Aalis na dapat siya sa harap ko pero hinarang ko siya. Para kaming nagpapatintero.
"So ano nga?"
"Hindi ko maalala" sabi lang niya. Inaasar pa ako nito eh.
"Do you want me to remind you?"
Hindi siya nagsalita. So I took it as a yes.
Tinignan ko siya sa mata. Nakasmile kami pareho. I don't know why pero kinakabahan pa rin talaga ako pag tinitignan niya rin ako.
Dahan dahan kong nilalapit yung mukha ko sa kanya. I don't want to rush it. I'm about to kiss the person that I truly love. It may not be our first kiss. But this one is different, dahil ngayon alam kong mahal rin niya ako.
And then I felt her lips with mine. It was like our first kiss. It feels right in so many ways. I moved my lips kaya ganun rin yung ginawa niya. Hindi ito tulad ng mga naka-kiss ko sa buhay ko. It's different with Nicole. It's so passionate. I am terribly in love with her.
"Wow" sabi niya. We had to catch our breath.
"So naalala mo na ba?" nakasmile ako na parang inaasar siya.
Pinalo niya ako sa shoulder. Bigla ko siyang niyakap. Sobrang saya ko lang ngayon.
"I love you" sabi ko.
"I love you" sagot niya.
------------------------
Nicole's POV
Buong gabi nagkwentuhan lang kami ni Rain. Kung saan saan na naabot yung usapan namin. Sobrang late na kami natulog. Kaya ngayon, magtatanghali na pero kagigising ko pa lang.
Paglingon ko sa tabi ko, wala si Rain. I'm sure na dito siya natulog. Kukunin ko sana yung phone ko sa bed side table. Pero may nakita akong box. Umupo ako sa bed at kinuha yung box. Pagkaopen ko may note na nakalagay.
Wear these tonight.
Rooftop at 8.
I love you.Rain
There's a single stem red rose. Napasmile tuloy ako. Tapos a blue dress. Saan naman kaya niya kinuha to? Or binili niya. Tapos nakita ko sa box yung shoes ko. Yung converse ko na black. Nagtataka ako kung bakit andito to. Kinuha ko yung phone ko at tinawagan ko siya.
"Hi Elizalde" sabi niya sa kabilang line.
"Thank you sa bulaklak at dress. Pero bakit andito yung shoes ko?"
"Ang dami na naman tanong eh. So is it a yes?"
"Of course Delgado. Sige na. Magwork ka na muna. I'll see you tonight"
"I miss you" sabi niya. Napasmile tuloy ako.
"Sus. So naglalambing ka na nyan?"
"Pagod na utak ko eh. Buti na lang tumawag ka. Gaganahan na ako magwork"
"Magtrabaho ka na nga dyan. Pupunta akong resto in a while. I can't wait to see you. I love you Delgado"
"I love you Elizalde"
BINABASA MO ANG
She's My Cold Coffee
RomanceIsang takot magtiwala at magumpisa. Isang takot makasakit at bumalik. At isang takot lumaban. Hanggang kailan ka matatakot? Anong kaya mong gawin at kalimutan para maging masaya? Mananatili ka na lang ba takot at magisa? Sino ka sa kanila?