Chapter 52 - I trusted you

5.2K 161 5
                                    

Rain's POV

Pag gising ko sobrang sakit ng ulo ko. Hindi ko maalala kung paano ako nakauwi ng apartment. Sobrang lasing ko kagabi. Past 2 na ng hapon na ako nagising. Ngayon lang ulit ako nalasing ng sobra. Bumangon ako, naiisip kong magcoffee. Pero bigla akong nawalan ng gana. Kumuha na lang ako ng gamot.

Inaalala ko yung nangyari kagabe. Alam ko nakita ko si Nicole. Pero baka sa panaginip ko lang yun. Ang tagal niya ng hindi umuuwi sa apartment niya. Mas mabuti na rin yun. Ayoko siyang makita. Hanggang ngayon hindi ko alam kung anong nangyari. Siguro nga hindi talaga niya ako kayang mahalin.

Biglang may kumatok sa door ko. Gusto ko lang sana munang mapagisa. Baka si Xavier to. Ang tagal ko na siyang hindi kinakausap eh.

Pag-open ko ng pintuan, hindi ko inexpect yung makikita ko. Lord, sabay sabay lang talaga ang problema?

"Anong ginagawa mo dito?"

Bigla niya akong niyakap. Tumayo lang ako. Hindi ako gumalaw.

"Belated happy birthday anak"

Hindi ko maalala kung kailan ko siya last nakita. Simula nung naghiwalay sila ni Mama. Wala na akong narinig sa kanya.

"Hindi mo manlang ako papapasukin?"

Lumabas ako ng apartment at sinara yung door.

"Anong ginagawa mo dito Pa? Paano mo nalaman na andito ako?"

"Ang tagal na kitang pinapahanap. Nalaman ko na umuwi ka sa atin nung birthday mo. Kaya pinahanap kita. Eto pala. Regalo ko sayo"

Inabot niya sa akin yung gitara.

"Kamusta ka na nak? Ang laki mo na. May sarili ka na rin palang apartment ngayon"

Hindi ako nagsasalita. Hindi ako makapaniwala na andito siya. Tapos kung magsalita siya parang walang nangyari.

"Umalis ka na"

Nagulat siya sa sinabi ko.

"Rain please. Gusto sana kitang makausap"

"Umalis ka na. Wala tayong paguusapan Pa"

Lalapit dapat siya sa akin. Pero lumayo ako.

"Sana makapagusap tayo. Babalik at babalik ako dito. Bigyan mo lang ako ng chance na kausapin ka"

Hindi na ako nagsalita. Hinayaan na muna niya ako. Kaya umalis na siya.

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Hindi ako pumasok ng apartment. Biglang nag-open yung door ng apartment ni Nicole. Ngayon ko lang ulit siya nakita. Tinignan ko lang siya. Sa ngayon wala akong pakialam sa kanya. Hindi ako makapagisip ng maayos. Pumunta ako ng elevator. Para akong hindi makahinga.

"Rain" sabi ni Nicole. Pero hindi ko siya pinansin. Dala dala ko yung gitara na bigay ni Papa. Para akong nasusuffocate sa loob ng elevator. Hindi ako mapakali. Pag open nung elevator tumakbo ako agad papunta sa rooftop.

"Waaaaaaahhhh!" sana pwede kong isigaw lang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Sobrang galit ko kinuha ko yung gitara. Hindi ko mapigilan, binasag ko yung gitara. Yumuko ako. Sinandal ko yung kamay ko sa tuhod ko at saka ako umiyak.

"Rain?" nagulat ako na sumunod sa akin si Nicole.

Lumapit siya sa akin. Hinawakan niya yung likod ko. Pumikit ako.

"Bakit ganun? Lahat ng taong mahal ko, walang ibang ginawa kundi saktan ako"

"Hindi yan totoo Rain" sabi niya.

Lumingon ako sa kanya. Mas lalo akong umiyak. Ngayon na nakikita ko siya, naalala ko lahat ng sinabi niya sa akin.

"It's true. Si Papa. Si Sarah. Ikaw"

Tumingin lang siya sa baba.

"Wala naman akong ibang ginawa kundi mahalin kayo. Pero p*tangina ang sakit lang ng mga ginagawa niyo"

Hindi niya ako kayang tignan. Para na akong sasabog eh. Nagsabay sabay lang talaga lahat ng sakit ngayon.

"I don't know what to say Rain. Hindi mo rin ako maiintindihan" sabi niya. Umiiyak na rin siya.

"P*cha naman Niks! Tama na! Ayoko ng marinig yung mga rason mo. Alam natin pareho na mahal mo rin ako. And I know na natatakot ka. Sa tingin mo ako hindi? Alam mo lahat ng pinagdaanan ko. I trusted you. I opened myself to you. I let my guard down. Pero anong ginawa mo? Sinira mo rin ako"

Niyakap niya ako.

"I'm sorry. I'm so sorry. I'm not strong enough. Natatakot ako Rain"

Medyo tinulak ko siya palayo sa akin.

Nagulat siya sa ginawa ko.

-----------------

Nicole's POV

"Pagod na pagod na ako. Pagod na akong mahalin kayo. Puro sarili niyo lang iniisip niyo. I'm done Nicole. You don't deserve me"

At saka siya umalis. Ngayon ko lang nakita si Rain na sobrang vulnerable. Nakita ko rin yung galit sa mata niya. Hindi lang ito about sa amin. About din sa Papa niya. Hindi ko alam ang nangyari pero ngayon ko lang siya nakitang ganun. Binasag niya yung gitara sa sobrang galit.

Ang sama sama ko. Paano ko nagagawang tiisin si Rain ng ganito. Ngayon na dapat ako ang nagaalaga sa kanya dahil sa pinagdaanan niya. Pero mas dinadagdagan ko pa. She's been through a lot. Hindi ko alam kung paano pa niya nakakayanan. Tama siya, I don't deserve her. I don't deserve her love.

She's My Cold CoffeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon