Chapter 46 - That this is enough

5.1K 161 2
                                    

Rain's POV

Napagod na kaming magswim ni Nicole kaya nakaupo lang kami ngayon sa sand. Hindi ko pa siya dinadala sa kubo. Hindi na rin kami nakapagbihis kanina ng pang-swim. Tinanggal ko lang yung button down ko kanina nung bumaba ako sa sasakyan.

"Ang ganda nung moon oh" sabi ni Nicole.

Imbes na tignan ko yung moon, humarap ako sa kanya.

"What?"

"I just realized something" sabi ko.

"Ano naman?"

"That this is enough"

"I don't get it"  makikita mo sa mukha niya na hindi niya gets yung sinasabi ko.

"Yung moon. Hindi na natin kailangan ng ilaw or flashlight. Coz the moon is enough for me to see you" 

Alam kong medyo nagulat siya kasi biglang ang seryoso ko. But I can't help it.

"So if ever you feel like you're not good enough, tignan mo lang yan"

Tinuro ko yung moon.

"And remember na you are more than enough. And I see you. I will always see you"

Hindi siya makapagsalita. Nagsmile ako sa kanya. Bigla na lang niya akong hinalikan.

------------------------

Nicole's POV

Hindi ko na napigilan yung sarili ko. Hinalikan ko siya. Hindi ko alam yung sasabihin ko eh. Bigla na lang siyang seryoso. Tapos ganun pa yung sasabihin niya. Sobrang napapagaan talaga niya yung loob ko. Parang wala akong kailangan patunayan pagdating sa kanya.

Nagulat na lang kami nung biglang umulan. Medyo natuyo na kasi yung mga suot namin. Tapos biglang mababasa ulit kami.

"Niks tara na sa kubo"

"Kubo?"

"Meron kaming kubo malapit dito. Dun na muna tayo stay habang umuulan pa"

Tumayo ako sinundan si Rain sa sasakyan. Kinuha niya yung susi ng kubo saka yung bag namin.

"Hindi natin gagamitin yung sasakyan?" sabi ko sa kanya.

"Uhm Niks ayan lang yung kubo oh"

Tinuro niya kung saan yung kubo. Ang lapit nga lang pala. Hindi ko napansin yun kaninang pagdating namin.

"Oh mauna ka na dun. Ako na magdadala nung bag. Ayusin ko lang din yung sasakyan"

Kinuha ko yung susi sa kanya at saka ako pumunta sa kubo. Basang basa na naman ako.

Pag-open ko nung door. Medyo hindi ko inexpek na ganito yung loob. Hindi naman kubo to eh. Bahay na rin talaga siya. Yung sa labas lang yung mukhang kubo. Kasi sa loob parang regular lang na bahay.

Nag-ikot ako sa loob. Hindi naman siya maluwang. May dalawang maliliit na kwarto. Tapos may banyo. May maliit na kitchen. Tapos may sala set sa gilid.

"Sobrang lakas ng ulan" sabi ni Rain.

Hindi ko namalayan na andito na pala siya. Inabot niya sa akin yung bag ko.

"Paano tayo uuwi? Mahihirapan kang magdrive kung ganyan kalakas yung ulan. Ang dilim pa sa daan"

"We can sleep here. Tetext ko na lang si Mama na bukas na tayo uuwi"

She's My Cold CoffeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon