Chapter 38 - You have no idea how much you make me happy

5.6K 182 12
                                    

Nicole's POV

Andito kami ngayon sa backyard ng bahay nila Rain. After ng dinner, naglaro kami saglit ni Zoe tapos pinatulog na siya ng mommy niya. Kaya sumunod na kami ni Ate Hanna kila Rain at Kuya Jake.

Ang weird ni Rain kanina. Medyo tahimik siya nung dinner. Hindi pa niya ako gaanong kinakausap. Wala naman akong maalalang ginawa ko.

"So kailan ang balik niyo ng Manila?" tanong ni Ate Hanna.

"Sa 3 pa ate" sabi ko.

"27 ka na rin Rain. Ano ng balak mo?" sabi ng kuya niya.

"Anong balak pinagsasabi mo?"

"Tumatanda ka na. Kailangan mo na rin naman siguro ng girlfriend noh. Ang tagal mo ng single"

Alam din pala ng kuya niya na lesbian siya.

"Bakit biglang sa akin yung topic?" sabi ni Rain.

"Oo nga naman hon. Hayaan mo na si Rain. I'm sure may nagugustuhan yan. Ayaw lang niyang sabihin" sabi ni Ate Hanna.

"O kaya may gusto na siya. Hindi lang niya alam na gusto niya na" biglang sabi ni Tita. Umupo siya sa tabi ni Rain.

"Diba nak? Baka naman meron na. Ayaw mo lang i-acknowledge"

"Ay nako ma. Isa ka pa" hinug ni Rain si Tita. Makikita mong sobrang close niya sa mama niya. I kinda feel jealous sa nakikita ko. Kasi never kaming naging ganyan ni mommy.

"Ikaw Nicole, may boyfriend ka ba?" tanong ni Kuya Jake.

"Wala kuya"

Nagsmile silang tatlo nila Ate Hanna at si Tita.

"Bakit po?" hindi ko mapigilan na tanungin kung bakit sila nakangiti ng ganyan.

"Wala naman. Cheers tayo" sabi ni Tita. Sobrang cool lang talaga niya.

"Para sa pamilya" sabi ni Kuya Jake habang nakatingin kay Ate Hanna. Sweet lang.

"Para sa inyo mga anak" sabi ni Tita.

Tumingin si Tita kay Rain. Inaantay niyang may sabihin siya.

"For Nicole"

Nagulat ako. Nakatingin lang ako sa kanya. What does she mean sa sinabi niyang for Nicole? Nagsmile siya sa akin.

Nakita kong nagtitingan sila Tita, Kuya Jake at Ate Hanna. Ewan ko pero bigla akong nahiya at namula.

------------------

"Omg! Rain naman. Liitan mo lang. Punong puno na yung muka ko ng lipstick eh"

Naglalaro kami ngayon ng cards. Si Tita pumasok na at natulog. Medyo lasing na rin kanina eh. Saka wala kasing kasama si Zoe sa kwarto.

"Galingan mo kasi para hindi ka natatalo" sabi ni Rain.

"Eh ang bilis niyo naman kasing tatlo. Ngayon lang ako maglalaro nito eh"

May mga lipstick na yung muka namin ngayon. Si Rain yung pinakakonti. Ako naman yung may pinakamarami.

Medyo naparami na rin ako ng inom. Pero okay pa naman ako. Ngayon lang ako nakapaglaro ng ganito. Actually, ngayon lang ako nag-enjoy ng ganito. Yung tipong wala na akong pakialam sa itsura ko. Na medyo sumisigaw na rin ako. Yung tumatawa ng malakas. Hindi ko kailangan maging conscious dahil pwede kong gawin lahat ng gusto ko. Simula nung naging close kami ni Rain, narealize kong ang dami ko pang hndi nagagawa. Na ang dami kong pinalampas na pagkakataon dahil sobrang iniisip ko yung mga sasabihin ng mga tao sa paligid ko. Na kailangan kong sundin yung gusto nila at hindi yung gusto ko. Hindi niya alam kung paano niya ako unti unting nababago. Rain is not aware of how grateful I am na andito siya ngayon sa tabi ko. Inaasar ako. Pinapatawa ako. Pinapagaan ang loob ko.

She's My Cold CoffeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon