Chapter 19 - Uhm Rain wait

6.5K 162 3
                                    

Rain's POV

6:17 PM

Andito ako ngayon sa apartment ni Emily. Nagdecide ako na linisan kahit paano. May mga alikabok na rin kasi ung mga gamit niya.

Nakita ko ulit ung paintings niya na nakabalot. Ano kaya talaga to? Anong ibig sabihin ng AC?

"Sorry Ems. Sobrang nacucurious na ako eh"

Kinuha ko ung paintings at pinatong sa bed. Tinanggal ung mga papel na ginamit para pangcover.

Paintings siya ng isang babae. Mga anim na paintings na puro siya ung subject. Bigla kong naalala yung minsan na naabutan ko siyang nagpapaint. Ayaw na ayaw ni Ems na may ibang tao kapag nagpapaint siya. Gusto niya siya lang. Pero may time noon na sinurprise ko siya dito sa apartment niya. Nakita ko siyang nagpapaint ng muka ng isang babae. Wala pa kasing kulay un noon. Noong tinanong ko siya kung sino ung pinapaint niya, sinabi lang niya na someone from her past.

Hindi kaya pangalan itong AC? Hindi kaya siya to? I have a feeling na siya ung nakwekwento ni Ems nun.

Biglang nagring ung phone ko. Ok, nagulat ako dun ah.

"Hello?" hindi ko na tinignan kung sino ung tumawag.

"Hi Rain"

"Sarah?" sabay tingin ko sa screen ng phone ko. Siya nga.

"What do you want?" tanong ko.

"Pwede ba akong pumunta sa apartment mo later?"

Ano na naman kayang kailangan nito.

"Why?" simpleng tanong ko.

"Gusto lang kita makita. Pwede ba?"

"Look Sarah, sinabi ko na sayo diba? Hindi na natin kailangan magkita at magusap"

"Pupunta pa rin ako kahit ayaw mo" sagot niya

"Bahala ka" saka ko inend ung tawag

"Dapat hindi na lang ulit kami nagkita Ems. Sabi mo kasi kailangan kong harapin eh. Tignan mo tuloy. God I miss you"

---------------------------

Hahaha mukha kang tanga - Nicole Elizalde

Nagtetexan kami ni Nicole ngayon. Sinendan ko siya ng picture ko na kita ung double chin.

Cute pa rin naman ah. Diba? Diba? -Rain Delgado

Ayaw kong magsinungaling kaya hindi ko na lang sasagutin. I'm bored :( - Nicole Elizalde

Nasa restaurant nila siya ngayon. Buong araw na daw siya andun kasi may event dun ngayon.

Iwan mo na ung mga tao mo dyan. Kaya na nila yan - Rain Delgado

I can't. Kailangan may nagsusupervise. Halika na lang dito. I'm super bored - Nicole Elizalde

Libre mo kong food? - Rain Delgado

I knew it. Fine! - Nicole Elizalde

Ok! Bihis lang - Rain Delgado

After 30 minutes nakapag-ayos na ako. Pag-open ko ng pinto nakita ko si Sarah.

"Sh*t"

"Hi" sabi niya

"Anong ginagawa mo dito?"

"Diba I told you na pupuntahan kita"

Nakita niyang nakabihis ako.

"May lakad ka?" tanong niya

She's My Cold CoffeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon