Chapter 28 - Kalma. Masyado kang halata eh

5.8K 158 2
                                    

Rain's POV

"Lunch na lang kung gusto mo? Hindi ako pwede ng dinner"

Kausap ko ngayon sa phone si Sarah.

"Nag-aya kasi yung kapatid ni Nicole ng dinner. Kami nila Sid"

Niyayaya niya kasi akong mag-dinner. Kaso andito pa ako sa office. Hindi ako makaalis kasi madami pa akong work. Hindi rin daw siya pwede ng lunch dahil may pupuntahan siya.

"I'm sorry. Nauna na kasi silang nag-invite. Tomorrow na lang?"

Okay kami ni Sarah ngayon. Hindi kami ulit pero lumalabas kami. Pumupunta siya sa apartment. Parang kami na rin pero hindi pa talaga.

"Okay. Bukas na lang. Bye"

Nag-iloveyou siya pero hindi ko na sinagot. I'm not being rude. I'm just being honest. Hindi ko pa rin talaga alam kung anong nafifeel ko para sa kanya. And she knows that. Hindi naman ganun kadali yun eh. Hindi siya basta basta.

Biglang may text yung phone ko.

Max wants me to remind you about the dinner later. 7 pm sa apartment ko. Sabihan mo na lang din yung tatlo - Nicole Elizalde

Nalulungkot ako na hindi pa rin kami okay ni Niks. Lalo na kahapon. Kasama namin naglunch yung ate niya. Namimiss ko na rin siya kausap sa totoo lang. Naguguluhan na rin ako sa sarili ko eh. Una yung kay Sarah. Tapos itong kay Nicole. Hindi ko pa rin magawang mapatawad siya sa ginawa niya. Pero masisisi ba nila ako? Alam nilang may trust issues ako.

Tinext ko yung tatlo.

7pm yung dinner sa apartment ni Nicole. Anong idadala natin? - Rain Delgado

Alak? - Sid Ramos

Beer? - Ayen Castro

Kahit ano basta may alcohol content - Xavier Lopez

Natawa ako sa mga reply nila. Mga siraulo talaga. Pero ano nga kayang idadala ko? Pwede ko naman tanungin si Nicole. Magtetext ba ako? Wala naman sigurong masama. Magtatanong lang naman ako. Urgh! Ano ba yan Rain! Magtetext lang hindi mo pa magawa!

Nakatingin lang ako sa phone ko.

Ano na?! Magtype ka na!

Eh kung tawagan ko na lang kaya? Mas okay naman ata pag ganun diba? Kasi pag text baka matagal pa siya magreply. Pero ano naman kung matagal? Anong oras pa lang naman oh.

Rain relax. Si Nicole lang yan. Oo hindi kayo okay, pero hindi mo kailangan kabahan kung magtetext or tatawag ka. Ano ka ba!

Tatawagan ko na lang siya.

Pero wait! Paano kung hindi niya ako sinagot?

Screw it!

Nakaka-apat ng ring hindi pa rin niya sinasagot. Sabi na nga ba dapat nagtext ka na lang!

"Hello?" sabi niya sa kabilang line. Hindi ko mapigilang mag-smile nung narinig ko yung boses niya.

"Uhm itatanong ko lang sana kung. Yung sa dinner, tatanungin ko lang sana"

Ano ba naman Rain! Magtatanong lang hindi mo pa magawa ng maayos. Kalma!

"Hello Rain?" sabi ni Nicole. Bigla kasi akong natahimik.

"Sorry sorry. Itatanong ko lang kung anong pwede namin idala later?" ayan! Kasimple diba?

"Hindi niyo naman kailangan magdala ng kahit na ano" sabi niya.

"Nasanay kasi ako. Saka okay lang naman. Tinanong ko yung tatlo kung anong pwede dalhin, kaso puro alak yung sagot nila eh"

Narinig ko siyang tumawa sa kabilang line. And narealize ko kung gaano ko na siya namimiss.

She's My Cold CoffeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon