Nicole's POV
"I have something to tell you"
"Ano yun?" sabi ni Rain.
Magsasalita na dapat ako pero biglang may nagsalita galing sa loob ng apartment ni Rain.
"Rain gusto mo bang magbeer?" sabi ni Sarah. Galing ata siyang kitchen.
Tumingin siya sa amin ni Rain.
"Oh. Hi Nicole" sabi ni Sarah.
"Pasok ka" sabi sa akin ni Rain.
"I have to tell you something. I have to tell it now"
"Okay then. Ano yun?"
"Not here" sabi ko.
Lumingon si Rain kay Sarah.
"May bisita pa ako eh"
"I'm sure Sarah won't mind. Please Rain"
Tinignan ko si Sarah. At nagsmile ako sa kanya. It was a geniune smile. And dun pa lang she knows what I'm about to do.
"It's okay Rain. Paalis na rin ako"
Kinuha niya yung bag niya. Tapos lumapit siya sa amin sa may door.
Hinug niya si Rain.
"I'll see you around. Text mo lang ako kung may kailangan ka" sabi niya kay Rain.
Tapos nagulat ako ng bigla niya akong niyakap.
"I guess hindi ka na takot. Make this right"
Binulong niya lang para hindi marinig ni Rain. At saka na siya dumirecho sa elevator.
"So, saan tayo maguusap?"
Hinawakan ko yung kamay niya at hinila ko siya.
----------------------
Andito kami ngayon sa apartment ni Emily. Sobrang kinakabahan ako. Hindi naman kasi ako nagpraktis ng sasabihin ko. Bigla na lang akong pumunta sa apartment niya. At dinala ko siya dito.
"I'm sorry" sabi ko.
"Niks kung....."
Hindi ko siya hinayaan na magsalita.
"I'm not talking to you" sabi ko.
"What?"
Naguguluhan tuloy siya.
"I'm sorry Emily. Sorry dahil ilang beses ko siyang nasaktan. I don't have any excuses sa mga ginawa ko. Pero I want you to understand me. Coz it wasn't easy. I know kung gaano mo siya inalagaan noon. And let me take it from here. I promise you that I will take care of her. Though alam natin pareho na mahirap yun dahil matigas din talaga ulo niya. But I know it will be worth it. And I want to thank you. Coz I know she became a better person dahil sayo. Ako ng bahala sa kanya"
Lumingon ako kay Rain. Nagsmile ako sa kanya.
"What's going on?"
"I'm sorry" sabi ko.
"Niks please. Paulit ulit lang tayo sa mga sorry mo eh"
"I know Rain. Alam kong ilang beses na akong humihingi ng tawad sayo. I know ilang beses na kitang nasaktan. But still, I'm sorry. I'm sorry for all the things I've done and I'm sorry for all the things na magagawa ko pa. Coz I'm sure na meron pa rin akong mga bagay na magagawa na pwedeng masaktan kita ulit or madisappoint ka. And you know that. Dahil alam mong hindi magiging madali to"
"Niks kung may gusto kang sabihin, just say it. Kasi nakakapagod na yung ganito eh"
"Can you just shut up for a minute and let me talk? Dahil hindi lang halata but I'm freaking out right now. Hindi ko naman pinagisipan to eh. I don't even know what to say" sabi ko sa kanya.
"Eh wala ka naman palang sasabihin eh. Ano pa then ginagawa natin dito?"
Naglakad na siya papunta sa door. Sakit pa rin talaga niya sa ulo.
"Don't you dare walk out on me Rain!"
"Ano ba kasing sasabihin mo?!"
"I want to have cold coffee with you every morning"
Nakatingin lang siya sa akin. Medyo salubong pa kilay niya kasi medyo naguguluhan siya.
"I just realized this morning na tuwing kasama kitang magcoffee, lagi na lang lumalamig yung coffee natin. Hindi natin namamalayan dahil sobrang dami natin napaguusapan. I want that every morning with you Rain. I want to go on a long drive with you. Yung kahit wala naman talaga tayong pupuntahan. I want to watch the sunset with you. Kahit saang lugar man"
Ito na yun. Ito na yung moment na haharapin ko na yung takot ko.
"I was scared Rain. Paano kung hindi ko kayanin? Paano kung bigla akong sumuko? Ang dami kong tanong sa sarili ko. You have to understand, I never felt this way before. So I got scared. Rain, you are the only person who made me feel this way. I wanted to tell you na mahal rin kita. Pero napangunahan ako ng takot. There was never a day na hindi kita inisip. It was killing me Rain. Na makita kitang miserable dahil sa akin. There were a lot of times that I wanted to tell you. Pero wala. I always end up being scared. But this morning, I realized that I can't lose you. Rain give me another chance. I'm going to make this right. Let me prove to you na hindi lahat ng mahal mo eh iiwan at sasaktan ka lang. This is me Rain. All of me. I'm still scared. But I'm looking at you right now and I am willing to risk it. I am willing to risk it all. I love you Rain. I'm hopelessly and desperately in love with you. Am I too late?"
Nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nagtitinginan lang. Naiiyak na ako kasi wala siyang sinasabi.
"You know what sucks?" sabi niya.
Nakatingin ako sa kanya. Ngayon naman ako yung salubong ang kilay.
"Ang daming beses mo na akong nainsulto. Iniwasan. Sinaktan. But for some strange reason, andito pa rin ako. Sa harap mo. Looking at you. Wanting you. Loving you"
Dun na ako naiyak. Kasi tama siya. Sa dami ng nagawa ko sa kanya, andito pa rin siya.
Lalapit na dapat ako sa kanya para yakapin siya.
"Wait" sabi niya.
Napatigil ako.
"I just want you to know. Once I hugged you, I'm never letting you go"
I smiled and niyakap ko siya.
Lahat lahat ng sakit na naramdaman ko this past few weeks nawala lahat. Coz right now, with Rain's arms around me. I've never felt more secured and safe. That I don't need to be scared. I know that I may regret this. But I'm willing to regret her for the rest of my life.
BINABASA MO ANG
She's My Cold Coffee
RomansaIsang takot magtiwala at magumpisa. Isang takot makasakit at bumalik. At isang takot lumaban. Hanggang kailan ka matatakot? Anong kaya mong gawin at kalimutan para maging masaya? Mananatili ka na lang ba takot at magisa? Sino ka sa kanila?