Chapter 32 - I want to know your story

6.4K 171 4
                                    

Rain's POV

"Oh Rain mamaya ah? After work, direcho na tayo sa Levine's. Ang tagal mo ng hindi sumasama sa amin. Inuman tayo" sabi ni Jed.

"Oo! Nakailang ulit ka na Jed eh"

"Eh kasi naman, parang 2 months ka na namin hindi nakakasama lumabas"

"Sasama na nga diba? Libre mo ah!"

-----------------

7:18 PM

Andito na kami ngayon sa Levine's. Kasama ko sila Jed, Meg saka yung mga ibang officemates namin.

Kasama din namin yun bagong boyfriend ni Meg. I'm actually happy for her. Nakahanap siya ng seseryoso sa kanya.

"Rain, dance with me?" sabi ni Meg sa akin.

Hinila niya ako at pumunta kami sa dance floor.

"So meron ka bang type dito? I can be your wingman for tonight"

Natawa ako kay Meg. Hindi naman ako naghahanap, gusto ko lang mag-enjoy tonight.

"Honestly wala. I just want to enjoy tonight. Gusto ko lang uminom kasama kayo" sabay smile ko sa kanya.

Parang kaming siraulo ni Meg sumayaw. Kung ano ano lang ang mga moves namin. Meron tuloy akong nabanggang babae. Pagka-lingon ko si Nicole ang nakita ko. Napapikit pa ako para sigurado na siya talaga yung nakikita ko.

"Oh Rain" sabi bigla ni Patrick. Si Nicole nga.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadya"

Nagsmile lang siya sa akin.

Akala ko hindi nagpupunta sa mga bar si Nicole. Kasama din nila si Max.

Nakita kong nakatingin sa akin si Nicole. Ngayon lang ulit kami nagkita simula nung nagdinner at uminom kami sa aparment niya. Ewan ko pero medyo awkward dahil dun sa closet thing na yun.

"Rain! Hindi ka naman ata umiinom eh!"
sabi sa akin ni Jed.

Tinaas ko yung bote ng beer para makita niya. Tumingin ako sa table nila Nicole. Katabi niya si Patrick. May binubulong si Patrick sa kanya, nakita ko siyang nagsmile.

"Jed order ka pa ng beer. Paubos na eh"

-------------------
11:47 pm

Medyo marami na akong nainom. Hindi gaanong umiinom si Nicole. Pero si Patrick halatang lasing na.

"Rain samahan mo ko sa cr?" sabi ni Meg.

"Sige"

Pagpunta namin ng cr nilapitan ako ni Max.

"Sunod ako Meg" sabi ko sa kanya.

"Yun ba si Sarah?" halatang lasing na rin tong si Max. Si Nicole lang nga ata matino sa table nila eh.

"Ah hindi. Officemate ko yun"

"So, nasaan yung girlfriend mo?"

"Wala akong girlfriend Max. Kaibigan ko lang si Sarah. Well, I mean we had a thing. Pero wala na"

Nakita ko si Meg na may kausap na lalake. Actually parang kaaway kasi makikita mo sa mukha niya na parang sinisigawan niya yung guy.

"Great! Pwedeng pwede mo ng...."

Hindi ko na pinakinggan yung sinasabi ni Max.

"Excuse lang Max ah" sabi ko sa kanya at saka ako pumunta kay Meg.

"Bitawan mo ko!" sabi ni Meg dun sa lalake.

Lumapit ako sa kanila.

"Bitawan mo daw siya" sabi ko dun sa lalake.

She's My Cold CoffeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon