Nicole's POV
"Well someone's drunk last night" sabi ni Max.
Andito siya ngayon sa kwarto ko. Bago kasi ako umuwi kagabi uminom muna ako. Buti na lang natawagan ko pa si Max para sunduin ako sa apartment.
"Hangover is the worst!"
"Here. Magcoffee ka muna"
Umupo ako sa bed at kinuha yung coffee. Ininom ko agad. Napaso tuloy ako.
"Usually hinihipan muna siya coz it's hot"
Okay, weird. Pag ako lang ang nagcocoffee. Lagi akong napapaso.
Umupo sa tabi ko si Max.
"What happened?"
"Nothing"
"Try harder lil sis. We grew up together. I know when you're lying"
Binaba ko yung coffee sa bedside table. Tinignan ko si Max. I think I'm about to cry.
"Is it Rain?" tanong niya.
Tumango lang ako.
"Anong nangyari?"
"When you saw us sa elevator, she told me na mahal niya ako"
Nagulat si Max.
"And I was going to say that I love her too"
"Wait, what?!"
Humiga ako at nagtago sa loob ng duvet.
"Nicole! Look at me"
Hinihila niya yung duvet.
"You are inlove with Rain?" tanong niya.
"Yes"
"How? I mean paano nangyari? I didn't know it was that serious. I thought you guys are just messing around"
"What do you mean just messing around? Eh isa ka pa nga sa nang-aasar sa amin"
"Yeah. But I thought you're straight. I didn't know na maiinlove ka sa kanya" sabi niya.
"Well that makes two of us"
Tumayo ako. Pupunta dapat ako ng banyo para maghilamos. Pero biglang tumakbo si Max at hinarangan ako.
"Wait! Are you sure?" tanong niya.
"Sure of what?"
"That you're gay?"
"I asked myself that a million times Max. I didn't just wake up and realize that I'm gay"
"So you already thought about it?"
Naiintindihan ko ngayon si Max. Wala naman siyang issue sa mga gay people. Hindi lang siguro niya naisip na mismong kapatid niya ay gay.
"Of course. I just found out that I'm inlove with her nung sinamahan ko siya sa kanila. Max alam kong may nararamdaman ako for Rain for quite awhile. But I've been ignoring it. Pero nung hinalikan niya ako. That's when I realized na mahal ko na siya"
"So what happened when you told her na mahal mo rin siya?"
"I didn't" sabi ko. Medyo mahina pa.
"What?"
"I didn't tell her na mahal ko siya"
"I don't get it Nicole"
"I was scared Max. I can't do it"
Naalala ko na naman lahat ng nangyari kahapon. Bigla na lang tuloy ako naiyak. Agad naman akong niyakap ni Max.
"Is it because of Mom?"
"Yeah. And dahil duwag ako. I don't think I can do it. I'm not strong enough. Masasaktan lang siya"
"I love you, you know that right?"
Brineak ko yung hug namin at tinignan ko si Max.
"I'm so proud of you. To admit and embrace that you're gay. That's a brave thing to do"
Nag-smile ako sa kanya.
"It won't change a thing?"
"Never. You are still my sister. I love you. That will never change"
---------------------
It's been three days simula nung last kaming nagkita ni Rain. Hindi ko alam kung ano ng lagay niya. As for me? I'm a mess. I am dying inside. Everyday I have to pretend na okay ako. Para kay Ethan. He is getting better samantalang ako, unti unting nasisira.
I wanted to check on Rain. Gusto kong pumunta sa apartment niya. Pero sigurado akong ayaw niya akong makita. Gusto ko rin na tanungin yung mga friends niya kung kamusta siya. I just don't know how.
"Right Nicole?" bigla akong natauhan sa boses ni Mommy.
"Huh?"
"I think you should visit Patrick sa office niya. Matagal na daw kayong hindi nagkikita. Bring him lunch later"
"Uhm Mom may lakad kami ni Nicole later. Sasamahan niya ako sa mall to buy some stuff"
Tinignan ako ni Max. Wala naman talaga kaming lakad ngayon. Nililigtas niya lang ako kay Mommy.
"Ah yes Mom. I can visit Patrick some other time"
"Okay. And try to visit the resto also. Hindi pwedeng si Debbie lang ang nagmamanage dun. Ethan is getting better so I think pwede ka ng bumalik sa resto"
"So I can go back to my apartment na?"
"Maybe next week"
Gusto ko na sanang umuwi sa apartment ko. Gusto kong mapagisa. Sobrang nasasaktan ako ngayon. Pero hindi ko pwedeng ipakita. Nafifeel kong babagsak na naman yung luha ko kaya bigla akong pumunta sa kwarto ko.
"Excuse me"
Tumakbo ako papasok sa kwarto ko.
At dun ako umiyak.
"Nicole? Are you okay?"
"Yeah"
Nanginginig yung boses ko. Tinakpan ko yung bunganga ko para hindi marinig ni Max na umiiyak ako. Alam kong nag-aalala siya sa akin. But I want to be alone.
Ang sakit sakit. I don't know how to deal with this. Sana kaya ko na lang. Sana kaya kong hindi isipin si Mommy at Ethan. Sana kaya kong balewalain ang iisipin ng mga tao. Sana kaya kong ipaglaban si Rain. But I can't. I'm just so afraid sa mga pwedeng mangyari.
I've never felt like this with someone. But I have to give it up. Because I'm a coward. I don't have the right to feel bad for myself because I did this. Ginawa ko to sa sarili ko. I have to face the consequences.
BINABASA MO ANG
She's My Cold Coffee
RomanceIsang takot magtiwala at magumpisa. Isang takot makasakit at bumalik. At isang takot lumaban. Hanggang kailan ka matatakot? Anong kaya mong gawin at kalimutan para maging masaya? Mananatili ka na lang ba takot at magisa? Sino ka sa kanila?