Chapter 3 - I'm okay. As long as andito ka, ok ako

10.1K 228 5
                                    

Ring! Ring!
Omg! Seriously?
Bakit kelangan ang aga nila mangistorbo!

"Hello!" pasunget na sagot ko. Ni hindi ko na tinignan kung sino ung tumawag.

"Hang over na naman?" tanong niya.

"Hi ma. Alam mong sabado ngayon. Bat ang aga mo tumawag?" sagot ko sa kanya.

"Ireremind lang kita na make sure na uuwe ka dito sa birthday mo ok?" nirequest kase niya saken na kung pedeng dun na lang sa bahay namin sa province ako magbirthday since last year dito ako nagcelebrate.

"Opo ma. Nagfile na ko ng leave sa birthday ko kaya sure na yun" nakapikit pa ako habang nagsasalita.

"Ok. And one last favor anak" sabe ni Mama.

"Po?" napadilat ako sa sinabe niya.

"Pede bang bawas bawasan mo na yang pagiinom mo. Buti sana kung nagvivitamins ka. Eh minsan kelangan pa kitang iremind para hindi mo makalimutan" parang medyo sinesermonan ata ako ni Mama ah.

"Opo ma. Paminsan minsan na lang naman akong umiinom" sabe ko.

"Kilala kita. At alam kong yang paminsan minsan na yan ay every week. Oh baka twice or thrice a week pa" actually tama si mama haha

"Bye ma. See you sa October" alam ko kaseng tatagal na naman ung usapan pag hindi ko pa tatapusin ngayon.

--------------------------

"So kinukulit ka na naman nila kung may bago ka?" tanong niya.

"Lage naman eh. Worried daw sila na wala akong nakakatex at nakakaflirtan" sabe ko habang nakahiga sa lap niya

"May point naman sila. Bakit kase hindi ka pa maghanap ng bago?" umupo ako at tinignan siya

"Pati ba naman ikaw? Hindi ko kelangan maghanap ng bago kase andyan ka naman eh" tumayo ako at hinalikan siya sa noo at saka pumunta sa kitchen.

"I want to make sure na ok ka" sigaw niya.

Kumuha ako ng chips at tumabi sa kanya sa sofa.

Hinakawan ko ang muka niya
"I'm ok. As long as andito ka, ok ako"

Nakatingen lang siya saken.

"Paano kung..." hindi pa siya tapos magsalita tinakpan ko na ung mouth niya.

"I don't wanna talk about it ok? Kaen tayo sa labas?" tumayo ako at inabot ung kamay ko.

Nakatingin lang siya saken. Nagpupuppy eyes ako para maawa siya.

"Hindi tatalab saken yan Rain" hindi siya tumitingen saken.

"Please?" Kunwareng nagmamakaawa ako sa kanya.

"Fine! Alam mo talaga kung pano ako pipilitin" tumayo siya at hinila na ako palabas ng apartment niya.

----------------------------
"Nasan na ung pinapagawa ko sayo Rain?" tanong ng boss ko

Patay! Last week pa pala un hindi ko pa rin nagagawa.

"Last week pa un Rain. Hindi ka naman nadedelay ng ganyan" sabe niya ulit saken.

"Sorry sir. Nawala lang sa isip ko" ewan ko ba kung bakit hindi ko naisip na may trabaho pa lang iniwan saken.

She's My Cold CoffeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon