Chapter 42 - Sana walang magbabago

5.5K 173 6
                                    

Rain's POV

Andito na kami ngayon sa likod. Ready na kasi lahat ng pulutan at mga alak. Pinagbuksan ko ng beer si Kuya Jake at inabot ko sa kanya.

Dumating si Nicole at tumabi sa akin. Galing siya sa kitchen. Nagdinner.

"Kumain ka na ba?" tanong niya sa akin.

"Hindi na. Direcho inom na ako"

Bubuksan ko na sana yung beer ko pero bigla niyang kinuha.

"Kumain ka muna"

"Niks pag kumain pa ako baka hindi ko na kayang uminom sa busog"

Nakatingin siya ng masama sa akin.

"What?" sabi ko.

"Kumain ka muna bago ka uminom"

"Seriously?"

Bigla siyang pumasok sa bahay. So akala ko okay na. Pero bigla siyang lumabas at may dalang plate na may rice at ulam.

"Ano yan?" sabi ko sa kanya.

"Kakain ka ng rice"

"Niks I'm okay"

Nilapag niya sa harap ko yung plate.

Nakatingin silang lahat sa akin.

"Wala ka pala eh" nagtawanan sila Sid.

"Niks hindi ko naman kailangan kumain eh"

Hindi niya ako pinansin.

"Just eat Rain" seryoso na yung mukha niya.

Wala na akong nagawa. Kinain ko na lang din. Baka magalit pa siya eh.

---------------------

Nicole's POV

Pumasok ako sa dining area para kunin yung cake ni Rain. Sasalubungin na kasi namin yung birthday niya.

Pagpunta namin sa likod kinantahan na namin siya. Ang laki ng smile ni Rain. Makikita mong ang saya niya ngayon. Andito lahat ng friends niya. Sila Kuya Jake tapos si Tita. And I'm really happy for her. She gets to celebrate her birthday kasama yung mga malalapit sa kanya. Buti na lang talaga sumama ako dito. Gusto ko din naman kasi siyang makasama sa birthday niya.

"Happy Birthday, Rain" sabi ko sa kanya. Habang hawak hawak yung cake.

"Make a wish?"

Nakatingin siya sa akin habang nakasmile.

"Sana walang magbabago"

At saka niya hinipan yung candle.

Binaba ko yung cake sa table at hinug ko siya. Tapos bigla ko siyang hinalikan sa cheeks.

Nakasmile lang kami pareho.

Napansin ko na lang na nakatingin silang lahat sa aming dalawa.

Oh God. Bigla ko na lang narealize yung ginawa ko. Namumula na naman tuloy ako.

"Ehem" sabi ni Chloe.

"Cheers!" sabi ni Rain. Nafeel niya sigurong ang awkward na.

"Cheers!" sabi naming lahat.

She's My Cold CoffeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon