Chapter 40 - Sana ganito lang tayo lagi

5.7K 195 9
                                    

Rain's POV

"Wag kayong masyadong maingay! Natutulog pa si Nicole eh"

Andito na kasi sila Sid, Ayen at Xavier sa bahay. Dito ba naman sila dumirecho. Hindi sa mga kanya kanya nilang bahay. Paano nagpaluto na sila dati kay mama ng breakfast nila. I swear minsan feeling ko naging friends lang kami dahil sa luto ng mama ko. Ginagamit lang ata ako ng mga to eh.

"Pinuyat mo ba kagabi?" sabi ni Sid. Bigla ko siyang binatukan.

"Bawal yang mga jokes na ganyan pagdating kay Niks ah"

"Wow. Overprotective naman to kay Nicole" sabi ni Ayen.

"Titigil kayo or hindi ko kayo papakainin?"

"Mama Yin si Rain oh. Ayaw kaming pakainin"

Mga bwisit din talaga sa buhay ko tong mga to eh.

Nilagay na ni mama yung mga food sa table. Agad agad naman sinunggaban ng tatlo yung mga pagkain. Parang isang buwan hindi kumain tong mga to.

"Hoy! Konting hiya naman. Tirhan niyo naman yung anak nung may ari ng bahay"

Hindi nila ako pinansin.

"So tabi kayo natulog?" sabi ni Xavier.

"Hindi ah. Sa bed siya. Ako sa sofa"

"Eh bakit hindi kayo tabi?" tanong ni Sid.

"Eh baka awkward para sa kanya"

"Sus. Magkahug nga kayo nun natulog sa cabinet eh"

Nagtawanan silang tatlo.

"Nak, si mama na ang magtatanong ah"

Tumingin ako kay Mama. Pati ba naman siya.

"May gusto ka ba kay Nicole?"

Hindi ako nakasagot agad. Nakatingin silang apat sa akin. Nabigla din naman kasi ako sa tanong ni Mama. Hindi ko naman inexpek na yun ang tatanungin niya

"Ma nakikisali ka pa sa trip ng tatlong to"

"Hindi mo sinagot ang tanong ko nak"

"Oo nga. Bakit hindi ka makasagot?" sabi ni Sid.

"Eh kasi pinepressure niyo ako"

"Oo o hindi lang naman ang sagot Rain eh" sabi naman ni Ayen.

"Simpleng tanong lang oh. Napaghahalataan ka eh. May gusto ka na noh?"

Ayaw akong tigilan ng mga to. Medyo napapalakas na yung mga boses nila.

"Tinamaan na yan!" sabi ni Mama.

"Ma! Anak mo ko. Kampihan mo kaya ako"

"Aminin mo muna" sabi ni Sid.

"Aminin ang alin?"

Napatingin kami sa nagsalita. Si Nicole. Sh*t.

Hindi kami makasagot. Si nama biglang pumunta sa kitchen. Tapos yung tatlo biglang kumakain na ulit.

"Gising ka na pala. Masyado ba kaming maingay?"

"Hindi naman. So sino ang aamin?"

Patay. Tinitignan ko yung tatlo para tulungan akong magrason. Pero ang mga walanghiya. Hindi ako magawang tignan.

"Si Xavier! Pinaamin namin na may boyfriend na siya"

Nanlaki yung mata ni Xavier. Nagmouth ako ng sorry sa kanya. Eh wala na akong maisip na iba.

"Talaga? Omg! I'm so happy for you. Kailan pa?"

Lumapit si Nicole sa kanya at hinug siya.

"Uhm bago lang"

Natatawa si Sid at Ayen.

"So kailan mo papakilala?"

"Oo nga Xav. Kailan mo papakilala?" sabi ko. Asarin ko lang siya lalo.

"Saka na. Bago pa lang kami eh. Inaantay ko pang magkagirlfriend ulit tong si Rain eh"

Ayan tayo eh. Sa akin na naman.

"Yun din inaantay namin eh. Diba Sid?" sabi ni Ayen.

"Kain ka na Niks?"

Dinedma ko na yung tatlo.

"Upo ka na dito. Kuha lang ako ng plate mo"

---------------------

Nicole's POV

Birthday na ni Rain mamayang 12. Nagdecide kami na salubungin ang birthday niya later. Kaya iidlip na muna ako. Para later hindi ako antukin.

Pagpasok ko ng kwarto nakatulog si Rain sa bed. Napagod rin kasi siyang nagprepare ng mga lulutuin mamayang gabi.

Umupo ako sa tabi niya. Dahan dahan lang ako kasi baka magising ko siya. For sure lilipat siya sa sofa at papatulugin niya ako dito. Pero naawa na rin ako sa kanya kasi hindi naman siya komportable sa sofa.

Biglang nagring yung phone ko. Si Max tumatawag. Nagising tuloy si Rain.

"Hello Max"

Tatayo na sana si Rain para lumipat sa sofa pero hinawakan ko yung kamay niya. Sinenyasan ko siya na wag siyang umalis.

"Oo. Sa 3 kami babalik. How's the resto?"

Tinitignan ni Rain yung kamay naming dalawa. Tapos pinaglapat niya yung mga daliri namin para magkaholding hands na kami.

"Okay Max. Thank you talaga. I'll see you when I get back. I miss you"

Nilagay ko yung phone ko sa tabi ng bed.

"Sorry nagising kita"

"Matutulog ka rin?"

"Oo. Para may energy ako tonight"

"Dito ka na. Lipat na ako sa sofa"

Tatayo na dapat siya pero hinila ko siya.

"Wag kang oa. Kasya naman tayo dito" sabi ko sa kanya.

Humiga na ako sa bed. Sa pagkakaalam ko, ngayon pa lang kami magtatabi sa iisang bed. Sa cabinet namin kasi kami nung nakatulog kaming dalawa.

Para siyang nagdadalawang isip na humiga sa tabi ko.

"Rain, matutulog lang tayo. Para kang tanga dyan"

Humiga na rin siya.

"Baka kasi rapin mo ko eh"

Bigla ko siyang pinalo sa braso.

"Ang feeling mo ah"

Humiga ako sa side ko at humarap ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa ceiling.

Hindi ko na naman alam kung bakit pero kinuha ko yung kamay niya, ginawa kong unan at humiga ako sa medyo taas ng dibdib niya. Nakita kong medyo nagulat siya. Pero niyakap niya rin ako.

Tahimik lang kami pareho. Pinikit ko yung mata ko. Nararamdaman kong ang bilis ng paghinga niya.

"Kinakabahan ka na naman" sabi ko sa kanya.

"You're making me nervous"

"Kalma Delgado. Gusto ko ng matulog"

Mas niyakap niya ako ng mahigpit. Naramdaman kong hinalikan niya yung ulo ko.

"Niks"

"Hmm" sabi ko lang.

"Sana ganito lang tayo lagi"

Dinilat ko mata ko. Tinignan ko siya. At saka ko siya hinalikan sa cheeks.

"Wag ka ng maingay. Gusto ko ng matulog"

At saka ko humiga ulit sa kanya.

Nakita kong nakasmile lang siya.

Pinikit ko yung mata ko. Hindi ko na rin napigilan na ngumiti.

Sana nga Rain, ganito lang tayo lagi.

She's My Cold CoffeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon