Chapter 60 - Last Chapter

11.7K 245 62
                                    

Rain's POV

Paikot ikot lang akong naglalakad ngayon sa rooftop. Sobrang kinakabahan ako. This is our first date. I want it to be perfect. Tinignan ko yung time. 8:03. Nasaan na siya? Mag-eelevator na lang ang gagawin niya. O baka hindi siya pupunta?

Ay nako Rain! Umamin na nga siyang mahal ka rin niya. Iniisip mo pang hindi siya sisipot ngayon.

Biglang nag-open yung door. At dun na tumigil lahat. She's wearing the blue dress na binigay ko. And her wavy hair is bouncing habang dahan dahan siyang naglalakad papunta sa akin. And then she smiled. I think my heart skipped a beat. Everything was in slow motion.

Nicole Elizabeth Elizalde. The person I trusted my heart with. The one who made me realize that I deserve to be loved. Lahat lahat ng pinagdaanan ko noon, naiintindihan ko na kung bakit kailangan nilang mangyari. Kung bakit kinailangan nila akong iwan. It was because of her. I know in my heart that I was destined to love her.

"Seriously?" sabi ko sa kanya.

"What?" sabi niya. Nagtataka siya.

"Nananadya ka ata eh"

Kumunot na yung noo niya. Salubong na yung kilay niya. Nagtataka siya yung anong point ko.

"I think I'm falling in love with you all over again"

Napasmile siya. Halatang namumula na naman siya.

"You look perfect" sabi ko.

"Kahit na ganito shoes ko?"

Natawa ako. Tinignan ko yung suot niyang shoes. Yung black niyang converse.

"You don't remember?"

"Hindi" sabi niya.

"Yan yung shoes na nahulog mo nung una tayong nag-meet"

Natawa siya nung naalala niya.

"Kung hindi mo nahulog yan, baka wala tayo dito ngayon"

"I don't think so" sabi niya.

"Talaga?"

"You live across me Rain. Magkikita at magkikita pa rin tayo. Saka sa kulit mo, I'm sure you will bother me in every way"

Bigla ko siyang hinalikan. Medyo nagulat siya.

"By the way, ang cute mo ngayon"

I was wearing a black ripped jeans, plain white button down shirt na short sleeve tapos pinatungan ko ng dark blue cardigan na hinila ko hanggang sa elbow.

Tinignan niya yung paligid.

"So this is gonna be our thing huh?"

"Ha?" sabi ko.

"Christmas lights, blanket tapos sofa. Parang nung birthday mo"

"I guess so"

-------------------

Pagkatapos naming kumain, umupo kami sa blanket sa tabi ng sofa.

She's My Cold CoffeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon