Nicole's POV
Paglabas ko ng elevator nakita ko si Rain na nakatayo sa door ko. Kumakatok siya. Tinignan ko ung watch ko. 6:48 AM. Ok, this is new sabi ko sa utak ko.
"Are you sleep walking?" sabi ko sa kanya habang naglalakad papunta sa apartment ko.
"I know. I know. Himala right? Pati ako nagulat din" sabi niya sa akin.
Kinuha ko ung susi ko sa pocket ko at saka binuksan ung door.
"You look horrible by the way" sabay lingon ko sa kanya habang nakasmile na nangaasar.
"Up yours" sabay taas ng kamay niya at ng middle finger niya.
Lumapit ako sa kanya at saka ko siya pinalo sa shoulders.
"Bakit ka ba andito? Ang aga aga mong mangasar"
Pumunta siya sa kitchen ko at parang may hinahanap siya.
"What are you doing?" tanong ko.
"Naubusan ako ng coffee. So I'm looking for your coffee"
Hinila ko ung drawer at saka ko nilabas ung hinahanap niya.
"Cup please?" sabi niya pagupo niya sa upuan sa dining table.
"Feel at home much?" masama ung tingin ko sa kanya.
"Hey! Pag ikaw nasa apartment ko para kang prinsesa na utos ng utos sa akin. Konting hospitality naman Niks" sabay smile at turo ng cup sa may cabinet.
"You're very annoying, you know that?" sabi ko sa kanya.
"Awww. Thanks" sabay tawa niya.
Hindi ko alam kung paano ko napapagtiyagaan kausap itong taong to.
"Bakit ang aga mo nagising ngayon?" nakaupo na kami ngayon sa sala
"Ginising ako ng nanay ko" sabi niya habang naghahanap ng mapapanood sa tv
"So andyan siya sa apartment mo?" tanong ko.
Tinignan niya ako.
"Kung andun siya sa apartment ko ngayon sa tingin mo magsstay pa ako dito?"
Pinitik ko ung ilong niya.
"Masakit ah!" sabi niya.
"Tinawagan niya ako ng pagkaaga aga para lang iremind ako na dapat akong umuwi sa amin sa birthday ko. I swear parang every week niya akong nireremind"
"Kailan ba birthday mo?" tanong ko.
"If I tell you, I have to kill you" wala na naman siyang kwentang kausap.
"Kailan nga?"
"Sa October 1. Buy me something expensive ok?"
"If you treat me better baka regaluhan pa kita" sabi ko sa kanya.
"Oh come on! I'm always nice to you. Ikaw nga tong jinudge ako nung nalaman mong..." bigla siyang napatigil. Narealize niya na hindi pa siguro ok na pagusapan yun.
Natahimik kaming pareho. It's a little awkward.
"Saan ka nga pala galing?" sa wakas nagsalita siya.
"I went for a jog. Feeling ko ang bigat bigat ko na"
Napatingin siya sa akin. Salubong ung kilay at nakakunot ung noo.
"Seriously?! Tell me, bakit ba sobrang conscious niyo pagdating sa weight niyo?" para siyang naiinis na ewan.
"Eh tumaba naman talaga ako eh" sabi ko sa kanya.
"First of all, hindi ka mataba. Ang payat mo nga eh. Second, you're fine. Actually you are more than fine. You're... hmmm... gorgeous"
Napatingin lang ako sa kanya.
"What?" sabi niya sa akin. Nakita kasi niya yung reaksyon ko. Na parang hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
"You know that's the first time you complimented me?" sabi ko.
"Really? Probably the last din" sabay tawa niya.
See! Walang kwentang kausap.
-----------------------------------
7:38 PM
"Oh please Niks! Pagod na ako. Ang sakit na ng paa ko. At saka tignan mo nga oh. Hindi ko na mahawakan itong mga paper bags mo"
Tinaas lahat ni Rain ung mga pinamili ko. Nagpasama kasi ako sa kanya sa mall. May kailangan kasi akong bilin. But I ended up buying things na hindi ko naman kailangan.
"Ang oa mo. Iilan pa lang yan noh" sabi ko sa kanya.
Papasok na dapat ako sa isang store nang bigla niya akong hinila.
"No! No f*cking way! Hindi ka papasok dyan. Pupunta tayo sa isang resto, uupo, ipapahinga ko tong mga paa ko at kakain tayo. At ikaw ang magbabayad!"
Kulang na lang kaladkarin niya ako palayo dun sa store.
------------------------
"Isang baby back ribs and ung side niya is fries tapos garlic rice. And large na coke ung drinks"
Nakatingin siya sa akin. Salubong na ung kilay niya. So, hindi pala ok pag pagod at gutom itong taong to eh.
"Uhm ganun na rin sa akin"
"Ok po maam" sabi nung waiter.
"Masungit ka pala pag pagod at gutom"
"I think lahat naman ng tao badtrip pag pagod at gutom" sabi niya sa akin.
Oo nga naman Nicole.
"Ang dami na natin napuntahan na store. Ni wala ka manlang bang binili?" tanong ko sa kanya.
"Niks lahat ng pinuntahan natin na store is puro pang girly girly ung mga binebenta. Sa tingin mo may mabibili ako dun?"
Ok, may point na naman siya.
"Eh di pumunta tayo sa store na may magugustuhan ka"
"Pupunta talaga tayo. Para naman may kwenta yung pagod kong sinamahan ka noh"
------------------------
"Anong mas ok Niks?" tanong ni Rain.
May hawak hawak siya dalawang flannel. Ung isa kulay red at ung isa is green.
"Parehong cute pero ung red na lang siguro? Fit mo ung dalawa tapos tignan natin kung anong mas bagay na color sayo"
"Wag na. Bilin ko na lang pareho para mabilis" sabi niya.
Seryoso ba siya? Ni hindi niya manlang ififit? Paano kung masikip?
"Are you sure? Baka maliit yan or maluwang"
"Sure na yan" kinuha niya na ung mga damit and nagbayad na siya.
"Rain?" biglang sabi ng isang babae sa likod ko.
Lumingon kami pareho ni Rain.
"Shiela" sabi ni Rain dun sa girl.
"Hi! Kamusta na? Hindi mo na ako tinawagan ah. After nung last time I didn't hear from you na"
The last time? Tama ba yung iniisip ko?
"I know. Sorry. Medyo naging busy lang" sabi ni Rain.
"Call me if you have time ok?" lumapit siya kay Rain at hinalikan sa cheeks sabay kindat niya bago umalis.
Hindi ito yung girl na galing sa apartment niya nun. So iba pa to? Wow Rain ah.
BINABASA MO ANG
She's My Cold Coffee
RomanceIsang takot magtiwala at magumpisa. Isang takot makasakit at bumalik. At isang takot lumaban. Hanggang kailan ka matatakot? Anong kaya mong gawin at kalimutan para maging masaya? Mananatili ka na lang ba takot at magisa? Sino ka sa kanila?