Chapter 17 - Coz I'm back Rain

6.5K 152 0
                                    

Sarah's POV

Hindi na ako nagulat kung ganun ang gusto niyang mangyari. I deserved this. Alam kong ganito ang mangyayari. Mas grabe pa nga ung ineexpek ko eh. Pero sadyang mabuting tao lang talaga siya.

Wala na akong naisip na ibang gawin kundi yakapin siya.

God I missed you sabi ko sa utak ko. Dahil hindi ko naman kayang sabihin sa kanya yan eh.

"I understand kung yun ang gusto mong mangyari" nakayakap pa rin ako sa kanya.

"I know wala na akong karapatan to ask a favor from you pero susubukan ko pa rin"

Hindi siya nagsasalita. At hindi din niya ako magawang yakapin din.

"Pwede bang makasama kita? Just for tonight. Ngayong gabi lang na to Rain"

Binitawan ko siya at tinignan lang siya.

"Para saan pa Sarah?" tanong niya.

"I missed you. Alam ko kahit paano meron pa rin ung Rain na kilala ko. Ung Rain na kaibigan ko. Just for tonight pwede ko bang makasama ung Rain na yun?"

Hindi siya nagsalita. Nakikita ko na parang kinoconsider niya ung request ko.

Pumunta siya sa kitchen at inopen ung ref.

"Uhm, meron pa akong beer dito" sabi ko sa kanya.

"It's for me"

Nilingon ko ung table niya. Nakadalawang bote na pala siya.

"Lakas mo na rin uminom ah" triny kong biruin siya baka sakaling mawala na ung tensyon sa aming dalawa.

"Un lang ginawa ko for the last 7 years" ok, inis pa rin siya.

"Kamusta sila Xavier? Si Sid at Ayen, sila pa rin ba?" kahit paano naging close ko din ang mga friends niya.

"Sila Ayen ok pa rin naman sila ni Sid. Well si Xavier, as usual matakaw pa rin" sabay smile niya.

Ngayon ko lang ulit nakita niya ung ngiti niya. Ngayon ko lang ulit siya nakitang hindi seryoso at galit.

"Isang kalderong kanin pa rin ba?" napapangiti ako pag naalala ko ung katakawan ni Xavier.

"Oo! Tapos isang palayok na ulam" sabay tawa. Ung talagang tawa. Ung alam mong hindi pilit.

Napatingin ako sa kanya. Nakasmile lang siya.

And then it hit me. Ang sama kong tao. Paano ko nagawang saktan ang isang taong katulad ni Rain? Wala siyang ibang ginawa kundi mahalin at alagaan ako noon. I was so stupid.

"Hoy!" bigla niya akong kinalabit.

"Huh?" un lang nasabi ko.

"Sabi ko gusto mo pa ba ng beer? Tulala ka dyan" hindi na niya ako inantay sumagot. Kumuha na siya ng beer sa ref niya.

---------------------------------

11:48 PM

Kahit paano nakapagusap kami. Sobrang nagingat ako sa mga tinatanong ko kasi ayaw kong mainis ulit siya.

"I think I should go" sabi ko sa kanya.

"Paano ka uuwi?" tanong niya.

"I drove here" tumayo ako at naglakad papunta sa door niya.

Sumunod siya sa akin.

"Thank you sa beer at thank you na pumayag kang makausap kita"

Nakatingin lang siya sa akin.

"Sige. I'll go ahead"

Naglalakad na ako papuntang elevator nang bigla akong nagdecide na bumalik.

Papasok na siya ng apartment niya ng tinawag ko siya.

"Rain!"

Lumingon siya sa akin.

"I know you don't want anything to do with me. Pero nung nakita ko ung ngiti mo kanina. Nung narinig ko ung mga tawa mo ulit. Narealize ko kung gaano kita namiss. Kung paano tayo noon. At least nung friends pa tayo"

Hindi siya nagsasalita. Nakatingin lang siya akin. Hindi ko tuloy alam kung galit na siya. But screw it. I have to do this.

"I'm sorry I'm going to disappoint you again" sabi ko.

"What do you mean?" oh god. Medyo inis na ung muka niya.

"What I mean is hindi ko kayang ibigay ung gusto mong mangyari. Hindi ako papayag na hindi na tayo pwdeng maging friends. Hindi ako papayag na hindi na tayo pwedeng magusap" wow. That felt good.

"Sarah please. Humingi ka ng favor kanina, pinagbigyan kita. Sabi mo just for tonight. Kaya pinakisamahan kita ng maayos. Yun lang yun" sabi niya sa akin.

"I know. Pero Rain I'm sorry pero hindi ko talaga mabibigay yung gusto mo. I have to try. Kailangan kong subukan. Ayaw kong pagsisihan kung wala akong gagawin. I know ang laki ng kasalanan ko sayo. At I will do everything para bumawi sayo. I know you don't trust me anymore. But I will prove myself to you. Unti unti kong babawiin ung trust mo. Rain, 7 years. 7 years kong sinubukan kalimutan ka. And please don't say na ikaw lang ang nasaktan sa nangyari sa atin. Alam mong nasaktan din ako. And I know you've given me a lot of chances noon and I don't deserve it now. I understand that. Pero wala ka ng magagawa sa ngayon. Coz I'm back Rain. And I'm not planning on leaving anytime soon"

Hindi siya nakapagsalita. Siguro pinaprocess pa niya lahat ng sinabi ko. Sarah naman kasi, ang haba ng speech mo eh.

Lumapit ako at kiniss siya sa cheek. Nakita kong nagulat siya.

"I'll see you around" saka ako naglakad papuntang elevator.

Woah. Napasmile ako sa ginawa ko. That means tama ung ginawa ko right? Or did I make it worse? Wag mo na muna isipin Sarah. Tapos na eh. Ang kailangan mong isipin ngayon ay kung anong next na gagawin mo. Omg! Ano nga bang next na gagawin ko?

She's My Cold CoffeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon