Chapter 30 - Kinakabahan lang ako

5.9K 159 6
                                    

Rain's POV

Bakit pa kasi ako nag-dare eh. Pwede namang truth na lang. Andito tuloy kami ni Nicole sa closet niya. Ewan ko ba kung bakit ganito ang dare ni Max. Lasing na kasi eh. Feeling ko nga lasing na rin itong si Nicole eh.

"Rain?"

"Bakit?"

"Nahihilo na ako" sabi ni Nicole.

"Nakipagsabayan ka pa kasi dun sa tatlo eh. Alam mo namang sugapa sa mga alak yun"

"Nag-eenjoy lang ako. May secret pala akong sasabihin sayo"

Lasing na nga rin to. Hindi na straight dila niya eh.

"I love secrets" nang-aasar pa yung pagkasabi ko.

Pinalo niya ako sa braso. Kahit ang dilim na dito, alam pa rin niya kung saan ako papaluin ah.

"Ang saya saya ko ngayon" napalingon ako sa kanya. Kahit paano nakikita ko pa rin yung muka niya dahil sa ilaw sa labas.

"I mean ngayong gabi na to. Kasi nakakausap na ulit kita. Kasi kasama kita ngayon. Alam mo bang sobrang namimiss na kita. Namimiss ko ng kausap ka kahit wala ka naman kwentang kausap"

Napasmile ako sa sinabi niya.

"Namimiss ko ng ginugulo ka sa apartment mo. O kaya yung pupunta ka dito ng tanghali para humingi ng kape. Dahil lagi kang walang coffee"

Narinig niyang tumatawa ako. Pinalo na naman tuloy ako.

"Siguro hindi ka talaga bumibili kasi alam mong pwede ka lang humingi sa akin noh?"

Ang daldal pala niya pag lasing.

"Pero ang dami ko ng stock ngayon. Hindi ka na humihingi eh"

Hinahayaan ko lang siya magsalita. Nakikinig lang ako sa kanya.

"Sana maging okay na tayo. Sana hindi ka na galit sa akin"

"Hindi naman ako galit sayo eh"

"Liar!" sigaw niya sa tenga ko.

"Masama lang ang loob ko. Pero hindi ako galit sayo"

"Do you think magiging tulad pa rin tayo ng dati?" medyo naging seryoso yung tanong niya.

"Yung tipong anytime pwede kitang puntahan o kausapin. Yung guguluhin mo lang ako dito sa apartment or sa resto whenever you want. Ang kulit mo rin kasi talaga eh"

Naalala ko tuloy yung mga times na kakatok na lang ako bigla sa apartment niya. Tapos mag-uusap lang kami ng kung ano ano. Mag-uumpisa sa paghingi ko ng coffee sa kanya tapos kung saan saan na mapupunta usapan namin.

"Lasing ka na noh?" sabi ko na lang. Iibahin ko na lang yung usapan.

"Oo. Pero ano nga sa tingin mo?"

Ayaw pa rin talaga paawat nito kahit lasing na eh.

"I don't know Nicole. Alam mo naman yung ginawa mo diba?"

"I know Rain. And I'm really sorry for that. Pero ang hirap na ng ginagawa mo eh"

Napatingin ako sa kanya. Seryoso na kasi yung pagkakasabi niya.

"What do you mean?" sabi ko na lang.

"Ang hirap Rain. Araw araw gusto kitang itext o tawagan para magsorry. Pag nakikita kita dito sa building gusto kitang kausapin. Pero pinipigilan ko sarili ko dahil alam kong galit ka sa akin"

"Niks hindi ako galit sayo okay?"

"Ulitin mo nga yung sinabi mo?" sabi agad ni Nicole.

"Sabi ko hindi ako galit sayo"

She's My Cold CoffeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon