Chapter 4 - How are you feeling?

8.8K 189 0
                                    

"Hanggang kelan mo balak ituloy yan Rain?" umupo si Xavier sa tabi ko

"Hanggang andito siya. Wala akong balak tumigil Xav" sagot ko

"Pero ikaw din ang mahihirapan sa huli. Alam mong darating din ung araw na un" nagaalala niyang sabi.

"I know. But I'm not gonna stop. Kaya ko to ok? I'll be ok" sigurado kong sagot

Hindi na siya sumagot at niyakap na lang niya ako.

--------------------------

"So yan na ung last box?" tanong ko kay Nicole.

Andito kase ako ngayon sa apartment niya. Tinutulungan siyang ayusin ung mga natitira niyang gamet.

"Yes" nakasmile niyang sabe.

"OMG! Thank you Lord!" oa kong reaksyon

"Tigilan mo nga ako" sabay palo niya saken sa braso

Tumingen ako sa watch ko at nakitang 6:03 pm.

"Sh*t! Kelangan ko ng umalis" nagmamadali akong nag ayos

"Bakit? Anong meron?" tanong ni Nicole

"Basta. See you!" tumakbo ako palabas ng apartment niya

------------------------

"Sorry late ako" tumabi ako sa kanya sa sofa

"5 minutes ka lang naman na late. Wag kang oa dyan" sagot niya saken

"Kahit na. Late pa rin un" tinawanan niya lang ako

"Bakit ka nga ba nalate?" sabay subo niya saken ng fries

"Tinulungan ko kase ung bagong lipat sa tapat ng apartment ko" sagot ko habang nagpupunas ng pawis

"Bagong lipat? Babae o lalake?" tumayo siya at kumuha ng towel

"Babae. Si Nicole" lumapit siya saken at pinunasan ung pawis ko

"Maganda ba? Mabaet? Alam ba niyang lesbian ka?" dame niyang tanong ah

"Bakit ka nagtatanong ng ganyan?" nagtataka kong tanong

"Sagutin mo na lang" demand niya

"Maganda? Oo. Mabaet? Ok na. Weird un eh. Pero ilang weeks pa lang kameng magkakilala komportable na kame. And no. Hindi niya alam na lesbian ako" sagot ko sa kanya

"Bakit hindi mo sabihin?" tinignan ko lang siya

"Bakit nga hindi mo sabihin?" tanong niya ulit

"I don't think I have to. I mean kung hindi niya tinanong. Bakit ko sasabihin" sagot ko

Nakatingen pa rin siya sakin.

"How are you feeling?" tanong ko sa kanya

Hindi niya ako sinagot. Niyakap niya lang ako.

Ok. Puro yakap na lang ba ang sagot saken ngayon.
---------------------------

Knock! Knock!

Sino na naman kaya to.

Tumayo ako at binuksan ung door.

"Hey!" sabe ni Nicole

"Oh bakit?" tanong ko.

"Labas tayo" sabe niya

"Wow. Himala" biro ko

"Che! Bihis ka na nga!" nagsunget na naman

-----------------------

"By the way, ano nga palang work mo?"

Andito kame ngayon sa isang bar malapet sa building namen. Nagdecide kameng magbeer na lang at magkwentuhan. Pareho na rin naman kase kameng tapos magdinner.

Tinignan niya lang ako at uminom siya ng beer.

"Aha! Ikaw siguro ang may illegal na ginagawa noh?" tinignan niya ako ng masama. Hindi pa rin niya ako sinagot.

"Ano nga? Bat ayaw mong sagutin? Wala ka sigurong work. Tambay ka lang siguro kaya...." hindi pa ako tapos ng initerrupt niya ako.

"Meron akong business" biglang sagot niya

"Wow. Bigtime ka pala eh" sabay tungga ko ng beer

"Actually hindi ko naman business un. Sa parents ko. Pagkagraduate ko saken na pinahandle ni mommy" sabe na nga ba mayaman tong babaeng to

"So anong business niyo?" tanong ko sa kanya

"Iba iba. Pero ung binigay saken ung restaurant malapet dito"

"Malapet dito? Eh bakit hindi tayo dun pumunta?" tanong ko ulit

"Seriously? I was there the whole day and gusto mo pang dun pa ako maguunwind? Nakakasawa din naman noh" pasunget niya na naman na sagot

"Sayang lang kase. Malilibre din ako dun noh" tumatawa kong sabe

"Ayun! Gusto lang makatipid kaya gusto mo dun" sabe ni Nicole

"Hahaha hindi lang naman yun. Syempre gusto ko din makita ung resto mo" sagot ko

"Saka na. Pag medyo ok na. Nangangapa pa rin kase ako sa pag mamanage dun"

"Asahan ko yan. Cheers?" inangat ko ung bote ng beer sa harap niya

"Cheers" sabay dikit ng glass niya sa bote ng beer ko.

Hindi namin namalayan ung oras dahil madame kameng napagkwentuhan. Medyo nakasabay din siya sa inuman namin. Akala ko tutumba siya agad eh. Medyo strong din pala tong sunget na to.

-----------------------

"Thank you pala" sabe ni Nicole. Nasa tapat na kame ng kanya kanya nameng door.

"Basta libre mo ko sa resto mo ah?" natawa siya sa sinabe ko

"Sabe na nga ba may kapalit to eh. Oo na. Sige. Goodnight" nakasmile niyang sabe

"Goodmornight actually" natawa siya at saka na siya pumasok sa apartment niya.

---------------------------

She's My Cold CoffeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon