Chapter 36 - Hindi ko maintindihan yung nafifeel ko

5.8K 171 3
                                    

Rain's POV

"Opo ma. Palabas na kami ng airport. Bilang ka 1 to 100"

Natawa si Nicole sa akin.

"Hindi ako lalabas hanggang hindi ka nagbibilang ma"

Pinapagalitan niya na ako. Niloloko ko na naman daw siya. Ganito kami ni mama. Para ko lang siyang barkada. Simula nung naghiwalay sila ni papa, mas naging close kami. Kaya nagagawa ko lang siyang asarin.

Paglabas namin ng airport nakita ko agad siya. Tumakbo siya papunta sa akin at niyakap ako.

"Kumakain ka ba ng maayos? Bakit parang pumayat ka?"

"Nagpapaganda ako ng katawan ma"

"Anong maganda sa pagiging payat? Dapat kang magkalaman kahit konti" sabi ni mama.

"Kamusta ka ma?" tinanong ko siya bigla.

Ngumiti siya. Yung alam kong totoong ngiti niya. Okay na ako dun. Dahil alam kong okay siya.

Bigla akong napalingon kay Nicole. Oo nga pala. Muntik ko siyang makalimutan.

"Ay ma, kaibigan ko pala. Si Nicole"

Lumapit si Nicole kay Mama. Magmamano sana siya pero bigla siyang niyakap ni Mama. Iba yung tingin niya sa akin.

"Hi Nicole. Ang ganda naman mo naman. Welcome sa probinsiya namin. Magugustuhan mo dito. Ibang iba sa Manila"

Sana nga magustuhan niya dito. Gusto ko kasi kahit paano makapag-unwind naman siya. Lagi na lang siyang busy sa resto nila eh.

---------------------

Nicole's POV

Sobrang natutuwa lang ako kay Rain at sa mama niya. Sobrang close nila. Inaasar asar lang siya ni Rain. Siguro nga ganun talaga siya.

Gusto ko dito sa province nila Rain. Ang daming puno. May mga farm pa. Ang layo sa Manila na puro building. Parang ang simple ng buhay nila. Yung tipong hindi mabilis matapos ang araw. Hindi tulad sa Manila na para kang laging nagmamadali. I'm so glad na sumama ako.

Andito na kami ngayon sa bahay nila. Sinungaling din talaga tong tao na to eh. Sabi niya maliit lang bahay nila. Eh ang laki din kaya nito. Pero sobrang nagustuhan ko yung backyard nila. Ang daming plants tapos puro grass. May mga upuan sila sa labas na gawa sa narra. Tapos may swing din. Nakangiti lang ako habang tinitignan yung bahay nila Rain.

"Mukha kang ewan" sabi niya sa akin bigla.

"I love your house. Lalo na yung backyard niyo. Sobra akong naaliw Rain"

"Lumalabas yung pagiging Architect mo Miss Elizalde"

"Hindi ako Architect, Delgado"

"Well for me Architect ka" sabi niya habang nakasmile.

Yan! Yang mga ganyan niyang ugali ang nakakainis. Tuwing may mga magaganda siyang sinasabi sa akin, hindi ko maintindihan yung nafifeel ko. Para akong nanlalambot na napapangiti na parang ewan.

"Rain. Nicole. Kain na tayo" sabi ng mama ni Rain.

Pumunta kami sa dining area. Napatingin ako sa mga pictures. Andun yung picture ni Rain nung graduation niya. Tapos may isang picture din ng isang babae at dalawang lalake. For sure mga kapatid niya yun.

Ang dami ng niluto ng mama ni Rain. Tatatlo lang naman kami.

"Tita masyado naman po atang madami yung niluto niyo"

Natawa silang dalawa.

"Kulang pa yan Nicole"

"Po? Eh tatlo lang naman po tayong kakain Tita" sabi ko sa kanya.

She's My Cold CoffeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon